Chapter: 3

214 8 0
                                    

Reincarnation

Chapter: 3

"Talaga bang nasisiraan ka na?" Agad na bungad ni Athena nang makita si Jacob na bumaba sa kotse nito.

"Anu bang problema?" Tanong ko na medyo nakakunot ang noo.

"Andidito naman ako, noon pa. Pero siya pa din pinili mo!" 

Tumitig ako kay Athena.

"So, ito pala yung gusto mo pag usapan? I almost respect you and tita Sonia, pero pagdating kay Larissa labas ka na. She was the only girl in my life, at hanggang sa dulo nang buhay ko mamahalin ko." Sagot ko at diretsong hakbang papasok sa loob.

"You heart me!"

Huminto ako at napahinga nang malalim, i know na matagal na siyang may gusto sakin at pilit na pinagkakasundo. Pero tumanggi ako dahil nobya ko na si Larissa, si Larissa lamang ang mahal ko.

"Marami pang lalaki diyan Athen, si Larissa iisa lang sa buhay ko, siya lang mamahalin at pakakasalan ko." Sagot ko na hindi humaharap.

Lumingon si Athena na tumulo ang luha.

Pero hindi lumingon si Jacob at tinuloy na nito ang paghakbang papasok sa loob.

Ngumiti siya nang mapait.

Ilang beses na ba niya itong inakit ngunit hindi talaga ito makuha, talagang may isang salita ito at pangako. Ang pangako na para lamang sa babae na yun.

"Hinding-hindi ka mapupunta kay Larissa, hindi. Dahil lahat nakukuha ko, pwes mapupunta ka din sa'kin." Bulong niya.

~

Napamigay na ang mga imbistasyon para sa kanilang malalapit na kaibigan, kamag anak at kakilala.

Napadaan ako sa mansyon, mukhang wala si Jacob. Paalis na sana ako nang makita ako ni Mang Cardo.

"Aba'y Larissa!"

"Mang Cardo!" Sabay Mano ko. Isa sa mga pinagkakatiwalaan sa mansyon. Siya din ang nag alaga noon kay Jacob dahil lagi nasa ibang bansa ang mga magulang nito at isa sa mga noon na unang nakaalam nang aming pagmamahalan.

"Kamusta po!" 

"Aba'y iha, ang tagal natin hindi nagkita. Siya nga pala isang linggo na lamang at kasal na ninyo.  Congratulations!" 

Ngumiti ako at napansin sa sahig ang tila basura, pinulot ko yun at saglit pinagmasdan bago ibinulsa.

"Iha,  basura na yun." Tila saway ni Mang Cardo.

"Ayos lang ho, mukhang malinis ang paligid isang papel lang naman po iyon." Sagot ko at ngumiti muli.

Sa ganuon kami nagkakilala ni Jacob noon,namumulot kasi ako nang basura dahil wala masyadong isda nang panahong iyon. Kaya tinulungan niya ako hanggang sa nagka hulugan ang loob namin.

"Sa totoo lang,sobrang saya ko po!" 

"Ako din iha, hangad ko ang kaligayahan ninyo. Pero sana hindi na lang kayo dito tumira. Alam no naman si Donya,ayaw sa iyo."

Tumango ako

"Alam ko po yun,wag po kayo mag alala napagusapan na po namin yan ni Jacob." Sagot ko

"O siya sige. Sasabihin ko na lang kay Jacob na dumaan ka. Nag aayos lang dito sa mansyon para sa party mamayang gabi, tungkol sa inyong kasal." 

"Opo! Sige po Mang Cardo, ingat po kayo palagi!" Tumalikod na ako at naglakad palayo sa mansyon.

Ang mansyon na yun ay malaki, pero parang ang lulungkot nang mga tao hindi katulad sa bahay namin. Kahit kami lamang ni inay ay sobrang saya na namin kahit simple ang kakainin.

Reincarnation ( COMPLETED STORY)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang