32

63.9K 2.8K 664
                                    

Third Person POV

"Anong pinagsasabi mo? Tita hindi ko ginawa 'yan! Pagdating ko dito mahigpit niyang hinahawakan si Noah sa balikat. Umiiyak ang bata tita kaya tinulungan ko pagkatapos ay tinulak niya ito." Ang naiiyak na paliwanag ni Austine sa kanila. Lumingon siya kay Nathan para sana humingi ng tulong pero seryoso lang itong nakatingin kay sa kanya.

"Nathan.. naniniwala ka naman sa akin di'ba? Kahit tanungin niyo pa si Noah. Di ba baby?" Desperadong dagdag nito.

Hindi naman makatingin ng diretso ang bata sa kinikilalang ina. Naaalala pa niya ang unang pinag-usapan nila ni Dyna.

"Subukan mong magsumbong sa lolo, lola at daddy mo and I'll make sure that you're mommy will be dead. Naiintindihan mo? You remember the bad guys that captured you? They're my men baby at kapag nagalit sa akin ang lolo't lola mo pati na ang daddy mo, you will be seeing your mommy inside a casket, a bag, a sack or inside the fridge."

"Remember your real mom, baby? Ah! of course you don't remember her. I actually killed her just a second you were out in the world. I killed her slowly like a magic. Sayang nga eh at hindi ka nasama but that's okay, we have a lot of time. "

Paulit-ulit niya itong naririnig na para bang isang sirang plaka. Whatever he may do to his mommy, he just want him alive and well even if it means that they'll have to part. He will protect his mommy just like how he protected him.

"Why don't we ask, Noah then..Noah, baby tell them the truth anak. Don't be afraid we are here for you." Malumanay na sabi sa kanya ng kanyang tita. Her voice sounded like death to his ears. He hate it. He hate it so much he want to rip his ears.

Naramdaman niya ang mariin na titig ng paligid lalong-lalo na sa kanyang mommy. He don't want to disappoint him but he don't want him dead either.

Yumuko siya at tahimik na umiyak. Mariin niyang ikinuyom ang kamay at galit na tiningnan ang sahig. Bakit? Bakit kailangan pang dumating sa buhay nila ang Dyna na 'to? He's about to have a complete family pero sinira ng babaeng ito ang lahat.

"Y-yes po..s-she's t-telling t-the t-truth." Ang nauutal niyang sagot sa lahat. He couldn't bear to look at his mom's disappointed face kaya yumuko nalang siya at malakas na umiiyak.

He could hear his mom's broken sobs pero hindi niya maiangat ang kanyang mukha. He wanted to run to him and wipe his tears away but he can't. He disappointed his mommy.

"E-excuse me p-po, I'm sure meron ho kayong CCTV dito. Bakit hindi natin 'yon tingnan? We can check it po muna." Suhestyon ng kapatid ni Austine. Bumaba silang lahat ng marinig ang komosyon sa ibaba.

"H-hindi po namin pinalaking ganyan ang mga anak namin, Senyora. Hinding-hindi magagawa 'yan ng anak ko." Ang umiiyak na pagsalag ng ina ni Austine sa kanya.

"I don't know what to say. If it's the truth then I'm so disappointed with you, Austine. Let's move to the control room." Ang malamig na sabi ni Senyora Nathalie.

Pagkarating nila doon ay nadatnan nila ang manager sa control room na aligaga sa pagpindot ng kung anu-ano.

"What's happening here?" Kunot-noong tanong ni Francis na kadadating lang. Nagkakagulo ang mga kasambahay nila sa baba. Ng malaman ang buong pangyayari ay mabilis siyang umakyat sa taas papuntang control room.

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon