Sundo (One-Shot)

27 0 0
                                    

"Mommy?" Mahinang tawag ng siyam na taong gulang na sa Lucy, napa-upo siya sa kanyang hinihigaan. Mag-isa lamang siya sa kwarto niya at madilim pero malinaw sa kanyang pandinig ang mabibigat na yabag na nagmumula sa labas ng kanyang kwarto. 

Unti- unti pa lang nasasanay ang kanyang paningin sa dilim, sa ibabang bahagi ng siwang ng kanyang pintuan ay natatanaw niya ang malamlam na liwanag. Panandaliang nawala ang mga mabibigat na yabag na kanina lang ay naririnig niya. Napakapit siya ng mahigpit sa kumot na nakabalot sa ibaba niyang katawan. 

Munting bata pa lang siya, hindi siya sigurado kung ano ang mayroon sa labas pero isa lang ang alam niya, natatakot na siya. Gusto na niyang magtatakbo sa labas ng kwarto na kinaroroonan niya at dumiretso sa kwartong kinaroroonan ng magulang niya pero hindi niya magawa sa halip namuo ang luha sa mga mata niya.

Patuloy lang siyang nakakatitig sa saradong pinto, hindi niya ma-alis ang paningin dito sa hindi niya mawaring dahilan. Pagkaraan ng ilang segundo, narinig niyang muli ang mabibigat na hakbang. Pabigat ng pabigat ang pagtama ng sapatos nito sa kanilang sahig. 

Alam niya, alam niyang malapit na ito sa kanyang pintuan. Mula sa siwang sa ibaba ng kanyang pintuan ay may natanaw siya.

Anino

Anino ng pares ng mga paa. Lumakas ang kabog ng dibdib ni Lucy sa natanaw. 

Sino ang nasa labas na iyon? Nasaan na ba ang Mommy at Daddy niya? 

Ito ang mga tanong na nasa munti niyang isipan. 

Dahan- dahan niyang narinig ang pag- ikot ng doorknob niya. Pakiramdam niyay mahihimatay siya sa anumang oras din na iyon. Napapikit siya nang mariin ng marinig ang tunog ng pitik ng doorknob niya, senyales na bubukas na ang kanyang pinto. 

Nakakangilong langingit ng pinto ang umalingawngaw sa kanyang tainga dahil sa marahang pagbukas ng kanyang pinto. Ilang minuto na marahil ang nakalipas ay walang naramdamang kakaiba si Lucy, ngunit malakas pa rin ang kabog ng kanyang dibdib.

Kahit puno ng kaba ang dibdib naglakas loob siyang dahan- dahan imulat ang kanyang mga matang may luha. Sa una ay malabo ang sumalubong sa kanya pero unti- unting lumilinaw ang kanyang paningin. 

Kadiliman

Madilim ang buong paligid at hindi bukas ang kanyang pintuan. Nakapagtataka. Naguguluhang inikot ni Lucy ang paningin sa kabuuan ng kwartong kinaroroonan niya. 

Walang tao. 

Walang kahit ano. 

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Lucy ng masiguradong nag- iisa siya sa kanyang kwarto.

Pinunasan ni Lucy ang mga luhang namuo sa pisngi niya, balak na niyang ipagpatuloy ang naputol niyang tulog. Humiga na si Lucy nang nakaharap sa bed side table niya kung saan nakalagay ang Mickey Mouse niyang alarm clock sa ibabaw, napukaw pa ng pansin niya ang oras na nakalagay doon 2:00 am. Napapikit na siya at naramdamang dinadala na siya ng kanyang antok at unti- unti ng nakakatulog.

Hindi pa tuluyang nakakatulog si Lucy ay naalimpungatan na naman siya sa isang bagay. 

Naramdaman niyang para bang may humiga sa kabilang bahagi ng kama niya at nasa likuran niya ang bagay na iyon. 

Napapikit nang mariin si Lucy, ipinagdarasal na sana ay panaginip lang iyon. Naramdaman niyang gumalaw ang bagay na nasa likuran niya tila ba ang bagay na iyon ay humarap sa kanyang likuran. 

Ramdam niyang nakadikit na ang likurang katawan niya sa bagay na naroon sa likuran niya, kahit na may kumot na nakabalot sa kanyang katawan ay pakiramdam niyang para siyang napapaso.

SundoKde žijí příběhy. Začni objevovat