CHAPTER FOUR

2.6K 136 67
                                    

Lucas Guevara

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lucas Guevara

Natagpuan na lang ni Lucas ang sarili na nasa loob ng isang five star restaurant. He's currently sitting on a white Parsons chair. Walang ibang naririnig si Lucas kundi ang Jazz music na bumabalot sa buong restaurant. The music gave everyone a calming feeling, kabaliktaran ng nararamdaman ni Lucas. Hindi mapakali si Lucas sa kinauupuan niya, he can't even lift his gaze towards the man who is currently sitting in front of him.

How did he ended up here? He should've reject him right away, he can also reject him now!

Mabilis na inangat ni Lucas ang tingin. Ipapaliwanag niya rito na wala talaga siyang balak na makipag blind date, hindi naman magiging big deal 'yon and he knows that this man will understand everything. Nagtagpo ang tingin nilang dalawa nang iangat niya ang tingin. Alam ni Lucas na kanina pa ito nakatingin sa kaniya, nararamdaman niya kasi ang matalim ngunit malamig nitong tingin. Gustong ngumisi ni Lucas, so his blind date's staring at him the whole time.

Hindi naiwasan ni Lucas na mapatitig din sa mukha ng lalaki, masyadong perpekto ang mukha nito para kay Lucas. He kinda felt jealous. Siguro ay may magandang ginawa ang lalaki sa past life nito kaya nabiyayaan ito ng napakakisig na mukha at pangangatawan.

"You kept on staring at me."

Napabalik si Lucas sa sarili, bahagya ring namula ang pisngi niya. Bakit ba palagi na lang siya nitong nahuhuli na nakatingin. Pero ano raw? he kept on staring at who? him? Hindi makapaniwalang napangisi si Lucas.

"Ikaw ang unang tumingin sa akin." Buong tapang na sagot ni Lucas dito para maitago ang hiya na nararamdaman. Palihim na napalunok si Lucas. Bigla kasi siyang nakaramdam ng panunuyo ng lalamunan. Bakit ba nagkakaganito siya?

"You want to leave? Am I right?"

Biglang nabuhayan si Lucas, paano nito nalaman?

"Yes, wala naman talaga akong balak na sumali sa larong 'yon at makipag blind date---"

"Too bad, I want to continue this blind date." Putol nito sa sinasabi ni Lucas bago kuhanin ang wine glass atsaka ininom ang laman nito. "No one's leaving, you'll stay here."

Hindi lang nalaglag ang panga ni Lucas sa narinig, halos magdugotong din ang kilay niya. Hindi siya pwedeng umalis?!

"Look, busy akong ta--"

"Ako rin." putol muli nito.

Inis na napahilamos si Lucas sa sarili. Naputol na nang tuluyan ang manipis na pisi ng pasensya niya. Gusto niyang manapak sa oras na 'to at ang nasa harap niya ang gusto niyang sapakin. Pagkatapos niyang mapahilamos sa sarili ay sumandal na siya sa kinauupuan.

"Alam kong wala ka ring balak na makipag blind date. You don't have any choice that's why you chose a man like me." Prangkang sabi ni Lucas. "Isa pa, parehas tayong lalaki, imposible na makipag date ka sa kapwa mo lalaki."

Office Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon