Chapter 42

25.1K 1K 78
                                    

Chapter 42

Kumawala ako sa kanya at tumayo. Ilang akong ngumiti at aalis na sana nang hawakan niya ang kamay ko.

"Stay here while you're vacant. Gusto kong makasama nang matagal ang girlfriend ko."

I avoided his eyes and stopped myself from smiling. Tumayo siya at hinawakan ang magkabilang bewang ko. Tumindig ang balahibo ko at mas tumindi pa ang reaksyon ng aking dibdib. Inakay niya ako papunta sa kanyang table at pinaupo ako sa swivel chair.

Nagtataka ko siyang tiningnan.

"I have a pile of request letters to read. I need your help." Binuklat niya ang folder na may laman na letters.

"President, limang requests lang 'to. Hindi mo ba 'to kayang aprubahan mag-isa?"

I could feel his eyes on me. "Tinatamad akong magbasa."

Hindi ako makapaniwala sa narinig. Nilingon ko siya at nagtama ang aming mga mata. Gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa dahil tila hinihipnotismo ako ng mga mata niya.

"You are the president of this institution. Trabaho mo na basahin at iapruba ang mga sulat na 'to."

"I am aware of my job and responsibilities. However, is asking for help a crime? Minsan lang ako humingi ng tulong sa iba."

"Minsan? Parang madalas po ang paghingi n'yo ng tulong sa akin."

A smile crept on his lips. Umayos siya ng tayo at sumandal sa table. Naghalukipkip siya at dumeretso ang tingin sa glass window.

"Hindi ako basta nagtitiwala sa mga empleyado. Pero pagdating sa 'yo, ang bilis kong nagtiwala sa kabila ng mga kumakalat na tsismis sa 'yo at sa ama ko." Biglang sumeryoso ang mga mata niya.

Natahimik ako.

"I learned a lot these past few months. I learned how to open a door, look at someone, and trust again."

Bumagsak ang tingin ko sa folder. "Then thank you for trusting me with these request letters."

Ramdam ko na nilingon niya ako. Naninibago ako sa ikinikilos niya.

"Madalas kitang utusan dahil gusto kong mapansin mo ako," mahina niyang sabi na nagpabaling ng ulo ko sa kanya. He shook his head and smiled faintly.

Napalunok ako.

"I am used to people giving me attention. Pero noong nakilala kita, naging kulang ata ako sa pansin."

Nilingon niya ako at tumingin siya sa mga mata ko. "I am used to getting laid with different women, but it's different when it's you—just being with you is enough."

Nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Matagal na magkahinang ang aming mga mata nang ilahad niya ang kamay sa harapan ko. Ipinatong ko ang kamay ko rito at itinayo niya akong muli. He tucked my hair behind my ear and held me closer to him.

"Hindi mo na kailangang magsinungaling kapag gusto mo akong makasama, girlfriend mo na ako—"

"Girlfriend?" Pabagsak na bumukas ang pinto.

Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad ang humahangos na Faerie sa pintuan. Agad akong napalayo kay President.

Her face was stoic except from her eyes. Sumisingaw rito ang disappointment na kahit kailan ay hindi ko ninais na makita mula sa kanya.

"Love—"

"Follow me." Sinulyapan niya si President at masama ang tingin na ipinukol niya rito. "Follow me! Now!"

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon