Entry #62

160K 3.9K 103
                                    

Dear Future Boyfriend,

Napagalitan ako ni Lola kanina. Nalaman kasi nya kay Lola Lusing na may boyfriend na pala ako. Mabuti nalang di sinabi ni Steve kung sino yung boyfriend ko kundi lagot ako kay Lola! Baka kurutin nya ako sa singit! Yun kasi ang lagi nyang sinasabi sa akin noon kapag nag-boyfriend ako kaagad nang di pinapakilala muna sa kanya. Dapat daw pati sya ligawan ng manliligaw ko. Sa case naman daw ni Steve payag syang manligaw sa akin kasi bestfriend naman nya si Lola Lusing.

Ano ba yan? Paano na ito? Kahit parents ko at si Kuya tinatanong ako kung sino ang boyfriend ko. Eh wala naman talaga! Napagbintangan pa ako na nagsisinungaling ni Lola. Ayaw nya tuloy akong pansinin kanina. Ano’ng gagawin ko? Wala naman kasi talaga! >.<

Ikaw kasi... ang tagal mo... yan tuloy. Maghanap kaya ako ng magpapanggap para pansinin na ako ni Lola? Tapos sasabihin ko nag-break na kami after one week! Kaso baka manligaw ulit sa akin si Steve. >.<

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon