Chapter 59

16.5K 752 328
                                    


Avey's POV

Seryosong pinapanood ko si Zap na hindi nagpapatalo sa Meteorite. Masasabi ko na isa lang ang nasa isip ni Zap ngayon kaya ganito na lang sya mag-react. Ganitong ganito ang nangyari sa kanya nung nagalit sya dahil sa relasyon ni Kriza at Eloi pero ngayon ay hindi sya galit. Kalmado pero masasabi mong iba ang aura nya. Kaya nyang makipagsabayan kay Asta at Sylvia kaya ngayon ay nakukuha nya ang bola sa dalawa. Mabilis kumilos si Zap na kahit si Blysse ay hindi makahabol.

Fourth quarter na at nagawa ni Zap habulin ang score. Nakikita ko na rin ang pag-aalala ng Meteorite kay Zap. Hindi nila ito mapigilan kahit i-double team nila ito. Nakakalusot at nakakalusot si Zap sa kanila. Tila alam nito kung saan ang butas ng kalaban.

Ayoko man aminin pero magaling si Zap, sa sobrang galing ay kaya nya akong talunin kung nasa ganitong mind set sya. At isipin na may kaya ng tumalo sakin bukod kay Ate Kiwi ay nae-excite ako. Akala ng iba ay matagal na akong tumigil sa paglalaro pero doon sila nagkakamali dahil never akong tumigil. Bago pa magising ang mga tao ay tapos na akong mag-practice. Tanging si Kill lang ang nakakaalam na hindi ako tumigil sa pra-practice dahil nagigising ito kapag wala ako sa tabi at hinahanap ako. Kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa rin ako natatalo ni Zap kahit na natalo nya na si Kill pero sa tingin ko ay malapit na ang panahon kung saan matatalo na ako ni Zap at sya na ang bagong Dragon ng Dragon Empire.

Natapos ang laro na ang resulta ay nanalo ang Dragon Empire. Lamang lang ng tatlong puntos ang Dragon Empire sa Meteorite pero alam ng lahat ay hindi naging madali ang pagkapanalo dahil sa kambal. Nung una, masasabi kong kaya akong talunin ni Sylvia dahil sa galing nito pero habang tumatagal ay nakikita ko ang kahinaan nito. Mabilis si Sylvia kaya madali lang rin syang mapagod. Tumatagal lang sya ng dalawang quarter kaya naman bigla syang naging point guard nung nakaramdam itopagkapagod nung third quarter. Pero matalino sya kaya naman nagagawa pa rin nilang pumuntos. Kung i-improve ni Sylvia ang stamina nya, siguradong mananalo sila.

"Hoo! kinahaban ako sa huling tira ni Asta." sabi ni Ella sa tabi ko habang nagce-celebrate ang Dragon Empire members sa loob ng court. Dinumog nila si Zap.

Katulad ng sabi ni Ella, muntik na ang huling tira ni Asta. Nadaplisan ni Kriza ang bola kaya hindi ito pumasok sa ring pero nagpakaba sa lahat nung umikot ito sa rim. Kung sakali pumasok iyon ay mae-extend ang laro at doon na magiging delikado ng Dragon Empire dahil pagod na si Zap. Hindi na nahabol ni Zap si Asta dahil sa pagod kaya mabuti na lang ay mabilis na nakasunod si Kriza sa kanya.

"Congratulation." nakangiting sabi ni Silva nung nakipagkamay kami sa kanya.

"Thank you. Nasabi ko na ito pero you have a amazing daughters, Silva. Matatalo ninyo kami kung na-extend pa ang laro." nakangiting sabi ko.

"Hindi natin alam." sabay tingin nya sa gawi ni Zap. "Hindi man sila magkadugo pero lumaki sya na kasama ni Zoe kaya hindi natin alam." naiintindihan ko ang sinasabi nya.

Noon pa lang ay alam ko ng may potential si Zoe kaya naman tinutulungan ko ito. Sa totoo lang, kung hindi nawalan ng kamay si Zoe ay kaya nya akong talunin. Nakalaban ko sya ng isang beses nung bumalik sila dito sa Manila at nakakagulat ang mga tira nya dahil wala itong mga mintis. Isang kamay lang gamit nya pero pasok lahat ng mga tira nya. Delikado yon dahil mabilis rin sya mag-release ng bola. Ni hindi ko nga nagawang i-block ang tira nya. Medyo mabagal lang syang tumakbo dahil sa kanang braso nya pero siguradong mabilis sya kung may kanang braso pa sya.

Nakakahinayang na hindi sumunod sa yapak nilang mag-asawa si Dite. Siguro ay naiipit lang ito dahil parehas itong basketball player ang mga magulang nya kaya nag-basketball ito nung una pero kinalaunan ay nag-soccer na na mukhang yun talaga ang nararapat na sports sa kanya. Yung pangalawang anak nilang si Aero ay magaling rin naman mag-basketball pero hindi ito masyadong nag-stand out. Hindi sya regular sa team nila pero sya ang pinapa-sub. Ito naman ay mukhang hindi naman nabahala na ang mga magulang nya ay kilala kaya masaya pa rin syang naglalaro ng basketball. Habang ang bunsong anak naman nila ay mukhang namana ang pagkahilig sa musica ng mga magulang nila kaya hindi ito nagsubok maglaro ng basketball. Kaya naman, sa pamilya nila, si Zandy o si Zap ang susunod sa yapak ni Zoe.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now