40. Ang Paghaharap

3.9K 229 50
                                    

THERE were two big birds in the sky. Halos mabingi sila sa tunog ng mga iyon. Nabakas ng kalituhan ang mukha ng mga tao.

Biglang sinakmal ng takot ang dibdib ni Lorraine nang matanaw si Jace mula sa isa sa mga iyon. Nakadungaw ito sa pinto at nakatutok ang mga mata sa kanya.

"Damn it," narinig niyang turan ni Brielle sa tabi niya. Mahigpit nitong naiyakap ang kamay sa kanya.

Nabaling ang tingin niya rito. "Alam mo bang parating sila?"

Isang malungkot na tango ang ibinigay ni Brie.

"Bakit hindi mo agad sinabi!" kastigo niya rito. "Sana nakaalis na tayo agad."

"I just want to finish the wedding."

Napapikit sa nararamdamang frustration si Lorraine. "What's the use of the wedding kung makukuha naman nila 'ko?"

Tumiim naman ang anyo ni Brie. "It's not like I would let that happen," matigas nitong sabi. "Tara..." Hinila na siya nito.

Sinalubong sila ng mga bodyguards.

"Ma'am, doon tayo dumaan sa likod," ang wika ng isa sa mga ito.

Tumango si Brie sa mga ito.

"Brie, ano bang nangyayari?" habol sa kanila ni Manang Cedez.

Hinarap na muna ito ni Brie. "Tita, kailangan na po naming umalis. Nandito na po ang tinatakasan namin. Maraming salamat po ulit."

Wala na silang oras para magpaalam ng maayos kaya't hindi na nila nahintay ang pagsagot ng matanda at agad nang tumakbo. Nakaalalay sa kanila ang limang bodyguards.

Patakbo na sana sila sa direksyon ng lantsa nang biglang tumapat ang isang chopper sa kanila, ang mismong kinalulunan ni Jace. Bumaba pa iyon na tila sadyang hinaharangan sila.

Napatakip ng mga mata sina Brielle. Nagliliparan ang mga buhangin dahil sa lakas ng hangin na nagmumula roon.

"Lorraine!" narinig pa nilang sigaw mula sa taas. Si Jace.

Bago pa man nila marating ang pakay ay hinarangan na ng piloto ang dinaraanan nila. Inilapag na nito ang chopper.

Wala nang nagawa sina Brielle kundi magtakip ng mukha. Halos maubo sila sa ginawang kalat ng buhangin sa paligid.

Nang humupa ang lahat ay nakita nilang huli na ang pagtakas nila. Nakababa na rin ang mga sakay niyon. Ang isa pang chopper ay sa likuran naman nila lumapag. Nakapalibot na rin sa kanila ang mga tauhan ni Jace.

Brielle mentally cursed herself. Paano ba niyang hinayaan na malagay sila sa ganitong sitwasyon? Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ni Lorraine.

"Brie, ano nang gagawin natin?" hintakot na tanong nito.

"Just stay by my side." Hinanda ni Brie ang sarili sa posibleng mangyari. There's no way she would let go of Lorraine.

Alerto naman ang mga kasama nilang bodyguards. Nakataas na agad ang baril ng mga ito. Ngunit ganoon din ang mga kalaban. At mas madami ito sa kanila. They were clearly outnumbered. Gayon pa man ay hindi nagpasindak sina Brie.

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon