Season 1: Episode 5

12.3K 1K 668
                                    

Sobrang bilis ng oras.

Ang bawat minuto na lumipas ay para bang nilagpasan kami nang isang iglap lang.

Before we knew it, it was starting to get dark. At kasabay ng pag-dilim ang palakas nang palakas na huni ng mga infected.

They are dangerously near us.

Ramdam na ramdam ko na iyong nakakamatay na kaba. Iyong delikadong bilis ng tibok ng puso ko, sobra na. At any moment, I might just faint because of this damn fear of mine.

"Matagal pa ba 'yan?" Pabulong ngunit madiin na tanong ni Ate Alexis. Halatang na-alarma na rin siya habang ibinabaling ang tingin sa direksyon kung saan nagmumula ang mga huni.

"Kaunti na lang." Kuya Nero answered her. On the other side, hindi na makapagsalita iyong kundoktor dahil sa pagkataranta.

"Oh, shit."

Agad naming ibinaling ang tingin kay Kuya Finn. At halos mamutla na siya nang makita iyong infected na lalaki. Basag na basag ang panga. Wala na ang isang mata. At ang itaas na parte ng bungo niya ay basag. Umaagos ang dugo pababa sa kanyang katawan habang naaaninag namin kung gaano na kapula iyong utak niya.

"Fuck . . ." Napatakip na lang ako sa bibig ko nang iyong lalaking infected ay sinundan noong isa pa. At noong isa pa, hanggang sa ang isa ay naging dalawa, na naging tatlo. Hanggang sa hindi ko na sila mabilang.

"Tangina!" Napasigaw si Kuya Finn nang isa-isa nilang idinako ang mga mata sa amin.

Lahat sila ay ngumanga. Lahat sila ay humuni nang malakas habang ibinabaling ang tingin sa amin. Animo silang mga mababangis na hayop na ang tanging nakikita lang ay ang kamatayan.

Napapikit ako. Humugot nang malalim na hininga. Pinipilit na pakalmahin ang sarili ko. Ngunit hindi ko talaga kaya!

Kaya't noong nagmulat na ako ng mga mata ay halos tumalon na ang puso ko mula sa bibig ko. There, I saw them. Malapit na nilang maharangan ang daan namin paalis ng gasoline station na ito. Kung mangyayari iyon, mata-trap kami. Wala kaming lulusutan sa laki ng pader na nakaharang sa kabilang side nito.

"Okay na!" Mabilis pa sa alas-kwatro ang ginawa kong paglingon kay Kuya Nero. "Fuck, we should get going or we'll be trapped!" Nanginginig ang kanyang kamay habang isinasarado ang takip noong container. Ganoon din ang kundoktor na halos mawalan na ng dugo sa mukha dahil sa labis na takot.

"Bata, takbo!"

Hinigit na ni Tito Theo ang kamay ko. He made me run away from the direction of the infected ones. Nakasalag ang katawan niya laban sa kanila. Then I did what he told me earlier. Tumakbo ako nang mabilis. Mabilis na mabilis pa sa akala ko.

Ngunit . . .

Ngunit hindi ko alam kung ano ba ang nagtulak sa akin para lumingon habang tumatakbo. Iyon tuloy ang naging sanhi kung bakit ako natapilok. Humampas ang katawan ko sa lupa. Hanggang sa nanlaki na lang ang mga mata ko nang makitang malapit na malapit na ang mga infected sa akin. Ilang hakbang lang ang kailangan nila para maabot ako.

Noong mga oras na iyon, wala akong magawa kung hindi ang mapalunok na lang.

Wala akong maisip na i-kilos kung hindi ang tumunganga at maghintay sa kamatayan ko.

But I was late to respond when I felt two hands to lift me up. It was Kuya Finn and Tito Theo. They are cursing on the top of their lungs as they hastily drag me away from the infected ones.

Nang makabalik na ako sa huwisyo ay ako na mismo ang tumakbo para sa sarili ko. Tumakbo ako nang tumakbo. Hanggang sa namalayan ko na lang na malayo na pala kami sa mga infected.

Napaupo ako sa kalsada. Hinahabol ang hininga. Pagod na pagod akong tumingala sa langit. Pero nagulat ako nang maramdamang may humigit mula sa damit ko.

It was Kuya Finn.

And I met his blazing eyes.

"Tanga ka ba?!" From his face mask, I can see his jaw to tighten. Humigpit na rin ang pagkakahila niya sa damit ko. "Putangina, kung gusto mong mamatay, 'wag mo kaming i-damay!"

I swallowed hard.

I don't have something to answer him.

I just turned down the corners of my lips and before I knew it, bead of tears are starting to appear from my eyes.

I am so disappointed with myself.

Ang lampa ko.

Ang hina ko.

Ang useless-useless ko.

"S-Sorry." Nangingig ako habang tinititigan pa rin ang nagtatangis na mga mata ni Kuya Finn.

"Tama na 'yan," Tito Theo came to save me, "natakot lang 'yan."

"Natakot lang?!" Kuya Finn let go of my shirt. Itinulak niya ako na naging dahilan kung bakit ako napahiga sa kalsada. Napapangiwi sa sakit, hindi ko na napigilan ang luha ko.

"Tangina?! Natakot lang?!" Kuya Finn throw his hand to Tito Theo's direction dramatically. "What a lame excuse to fucking hide the truth that this kid," he pointed his forefinger right at me, "is nothing but a piece of shit! Napakapabigat niya!"

Napalunok uli ako ng laway. Umupo ako at pinunasan ang luha sa mga mata ko. Then Kuya Nero stood infront of me, he offer me his hand. Wala na akong pride para tumanggi pa. He lift me up and then he tapped my back. "Okay lang 'yan. Baka upset lang talaga si Finn. Intindihin mo na lang."

Tumango ako habang patuloy na pinupunasan ang luha ko. Kagat labi ako, pilit na pinipigilan ang mapahagulgol.

Patuloy si Kuya Finn sa paglabas ng galit, nakita ko kung papaanong humigpit ang kamao ni Tito Theo. But his face is telling otherwise. Ang kalma ng mukha niya, iyong para bang normal. Iyong Tito Theo na mapaglaro. Iyong puro kalokohan.

"Fuck!" Sigaw ni Ate Alexis.

That made us turn our heads to her direction. Tumigil na rin sa pagsasalita si Kuya Finn.

"Where's your face mask?!" Ate Alexis continued to franctically yell. Ang kanyang tingin ay nakasemento doon sa kundoktor na . . .

Na . . .

Shit.

Na walang face mask.

At unti-unting nagbabago ang kanyang itsura. Ang kulay ng kanyang balat ay nahaluan ng linyang itim. Hanggang sa bigla niya kaming pinanlakihan ng mga mata.

"Layo!" Kuya Nero quickly shouted. Agad niyang binuhat iyong container ng gasolina.

Lumakad kami papalayo sa kundoktor na ngayon ay sumisigaw na nang malakas. Para ba siyang nasasaktan pero ang nakakapagtaka, tumatawa siya sa pagitan ng pag-sigaw niya.

Bigla akong hiningal nang magsimula na lang siyang lumuhod. Patuloy kaming humahakbang papalayo sa kanya nang bigla niyang i-untog iyong ulo niya sa matigas na kalsada.

Napalunok ako sa labis na kilabot.

Tumatayo ang balahibo, halos mawalan ako ng hangin sa aking mga baga habang patuloy na pinapanood iyong kundoktor na patayin ang kanyang saliri.

The Last QuarantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon