Chapter 17

0 0 0
                                    

Veronica's Pov

This is our first day of taping para sa bago naming teleserye.

Ang alam ko ay ako lang ang may scene ngayon pero andito din si knox.

At may dala dala pang napakalaking bag. Anong akala niya maghahiking kami?

Atsaka diba CEO yan ng kompanya? Eh bakit nandito yan kahit na wala namang gagawin.

Ewan ko ba pero parang nahahigh blood ako sa lalaking yan.

I am wearing a dirty filthy clothes now.

Kasi ang scene na kailangan naming i shoot ay yung buhay mahirap ni rose.

Seriously hindi naman ako nahirapan dahil alam ko naman kung pano mabuhay sa ganito.

.

Ayun gumising ako ng maaga at nagparikit ng apoy gamit ang mga bunot sa kalan para makapagluto na ako.

Kinuha ko ang kawali na nakabitin sa pako dito sa dingding.

Kung tutuosin ay mas maayos pa ito kumpara sa bahay namin dati.

Kasi ito, may kisame samantalang yung samin dati ay wala kaya sobrang init.

Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa kaiisip ng nakaraan.

Kaya nasunog ang piniprito kong tuyo.

Ang akala nila ay umaarte pa ako at sinasadya ko ito, pero hindi..

Pero mukhang mas natuwa sila dahil mas napabuti pa ang ginawa ko.

Ginising ko na ang dalawa pang actor na umaaktong magulang ko.

Halos magkatulad lang ang buhay namin ni rose, ang pinagkaiba nga lang ay ang pananakit sa kanya ng mga magulang niya.

Mahal na mahal kasi ako ng mga magulang ko noon kaya sobra akong nasaktan noong nawala sila.

.

Kasabay ng paghawak sa buhok ko ng nanay ko dito sa teleserye ay muli nanamang bumalik lahat ng pangyayari nung namatay yung magulang ko.

Kaya muli ko nanamang naramdaman ang nananariwang sakit.

May tumulong luha sa mga mata ko.

Sa una ay kaunti lang ito, hanggang sa rumagasa na ang mga luha sa mukha ko.

Saktong sakto naman sa eksenang shinoshoot namin ngayon dahil sinasaktan ako ng magulang ko sa kapalpakang nagawa kong pagsunog ng tuyo.

Wala iyon sa script, pero dahil nga nasunog kong tunay ang tuyo, ay nag alibi na lang kami ng mga co actor ko at gumawa ng eksena.

Nang marinig ko ang pagsabi ng 'cut' ng director ay binitawan ng babae ang buhok ko at tumayo ako sa lapag.

Nagulat ako nung may mga kamay na nag abot sa akin ng panyo.

Si knox..

Kinuha ko ang panyong inabot niya atsaka pinunas sa mga luha ko sa mukha.

"You're really a versatile actress vivian." nagulat ako dahil sa sinabi niya kaya matalim akong tumingin sa kanya.

"Don't you dare call me that name. I'm Veronica, and not fucking Vivian."  i said at bumalik na sa pwesto kung saan kami nagshoshooting kanina.

Naiinis ako, sino ba siya para tawagin ako sa tunay kong pangalan. Mas lalo lang tumindi ang pangungulilang nararamdaman ko ngayon.

Nagpatuloy kami sa pagshoshooting hanggang sa magbago na kami ng venue.

Versatile ✅Where stories live. Discover now