Chapter 27: Portal To Illusion Forest

4.3K 123 5
                                    

Gwyn's POV

~~•kring kring kring•~~

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Pinatay ko naman ito at tsaka tinignan kong anong oras na at 2 am pa lang pala.

Napatingin naman ako sa katabi ko na mahimbing padin na natutulog habang nakayakap sakin. Hayy!! Ang gwapo talaga ng hubby ko lalo na kapag tulog.

"Hubby wake up na. It's already 2 in the morning" pag gising ko kay hubby

"Hmmm"

"Good morning wifey" sabi niya then hinalikan ako sa labi pero smack lang

"Morning" naka ngiting sabi ko din

"Bumalik ka na sa kwarto mo at mag-ayos ka na para before 3 nandon na tayo sa main gate"

"Ok" he said then lumabas na ng kwarto ko

Inayos ko muna ang hinigaan namin tsaka ako pumasok sa banyo para maligo. After a few minutes ay tapos na ako maligo kaya nag bihis na ako. I just wear a simple pink v-neck shirt, a black pants and a black rubber shoes. Nag suot din ako ng black leather jacket dahil maaga pa at I'm sure malamig pa sa labas. Pansin niyo ba guys na para akong gangster sa mga outfit ko? Hahaha pangarap ko kasing maging gangster nong nasa mortal world pa ako eh kaya marami akong pang gangster na outfit. Matapos kong mag-ayos sa sarili ko ay chineck ko na ang mga dadalhin ko kong may kulang pa ba at nang makomperma kong kompleto na ay lumabas na ako ng kwarto ko. Saktong pag labas ko ay sya ding pag labas ni hubby sa kwarto niya.

"Ang ganda mo talaga kahit anong suotin mo wifey" sabi nito tsaka lumapit sakin

"Nambola kapa"

"Totoo na man ah"

"Tara na nga" pang-iiba ko ng usapan.

Bumaba na kami para lumabas na. Nasa 2nd floor kasi ang mga kwarto namin. Pag dating namin sa sala wala pa sila, mukhang kami pa lang ang gising ah. 2:30 pa lang kasi ng madaling araw eh

Nag lalakad na kami ngayon ni hubby papuntang main gate. Hindi kami ng teleport kasi maaga pa naman eh kaya nag lakad na lang kami.

"Sino sa tingin mo wifey ang gustong makausap ni Diwatang Zamira satin?" tanong ni hubby habang nag lalakad kami

"Hindi ko din alam hubby eh" simpleng sagot ko

"Nakakapagtaka lang kasi eh. Noong una kasi pag may sasabihin siya, ay siya mismo ang pumupunta dito para sabihin yun pero ngayon ay pinapunta niya talaga tayo sa tirahan niya. At di lang yun ah, pinasama din niya ang kambal" di na lang ako sumagot sa kaniya dahil wala din naman akong maisasagot. Kahit nga ako nag tataka nga eh, kung bakit kailangang isama ang kambal eh bago pa lang naman sila dito.

Pag dating namin sa main gate ay kami pa lang dalawa ang nandon kaya umakyat na lang kami sa puno na nandon. Hahhaha para lang din nong time na pupunta kami sa mortal world.

Ilang sandali lang ay dumating na ang mga royalties kasama si Hm. So ang kambal na lang pala ang kulang.

"Royalties nasan si Ethan at si Gwyn?" tanong ni hm ng mapansing wala kami ni hubby

"Ewan namin Hm. Baka nasa dorm pa at nag loving loving. Hahhahaha" sabi ni gabby. Loko talaga ang isang to ah!! Kung ano ano ang lumalabas sa bibig.

"Baliw ka talaga bro" sabi ng kambal niya na si cobby

"At tsaka wala pa din ang kambal" sabi ni toffer pertaining to steve and stella

ARMENIA KINGDOM: THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon