CHAPTER 3

12.7K 527 24
                                    

[Ryuuji]

"Good morning Mom." Sabay halik sa pisngi.

Nasa hapag kaininan kaming dalawa. Tuwing umaga madalas kami ang magkasabay kumain dahil palaging nasa ibang bansa si Daddy. Palagi siyang may business meeting na pinupuntahan kaya naman nasanay na akong wala siya.

"Himala yata maaga kang papasok ngayon sa school."

"I would like to welcome the scholar students of Eastberg university." Pagkatapos muli kong pinagpatuloy ang pagkain ko.

"Last year madami akong natatanggap na reklamo tungkol sa'yo i hope this year mabawasan na ang nagrereklamo sa'yo much better kung wala."

"Mom, wag mong pansinin ang mga 'yon masyado silang na-inggit sa'kin kaya sila gumagawa ng kwento."

Tumingin sa'kin si Mommy at kumunot ang noo. "Are you sure? Bago matapos ang taon may pinagamot akong binubog mo."

"It's not my intention."

"Hayss! Sana makanap ka ng babaing magpapatino sa'yo."

"Never comes to my mind to have a girlfriend. I'm enjoying my self."

"Baka sakaling magtino ka."

"Mom, wag nating pagtalunan ang  bagay na 'yan let's enjoy our breakfast." Putol ko sa sasabihin pa ni Mommy."

Sport car na kulay blue na binili sa'kin ni Daddy noong nag birthday ako ang pinili kong gamitin.
Binuksan ko ang speaker ko at nagpatugtog ako ng kanta na sobrang lakas at pagkatapos mabilis kong pinaharurut papunta sa school.

Pagbaba ko sa kotse ko sinalubong na ako ng kaibigan kong Dan Carly at si Fujima. Sila ang matalik kong kaibigan mula pa noong grades school kami. Sa school na ito kami ang kinatakutan ng lahat ng estudyante madalas kaming napapaaway. Madalas naming binubully ang mga scholar students. Gusto kasi namin silang kusang umalis sa school na ito. Hindi namin gusto na mayroong scholar students sa school kaya sila ang palaging trip naming pahirapan.

"Kumusta!" Sabay tapik ni Dan Carly ang balikat ko.

"Ayos naman may bago ba tayong laruan."

Inabot sa'kin ni Fujima ang list ng mga scholar. "Marami sila pero hindi ko pa napapansin ang iba."

"Nandito pa rin ang nursing student."

"Immune na yata siya sa mga sakit ng katawan." Ani Dan Carly.

"Pumasok ba siya?"

Tumango ang dalawa. "Let's go!"

Habang naglalakad kami sa hallway ng school namin ang lahat ng makikita naming mga estudyante ay binibigyan kami ng daan ang iba sa kanila ay sumusunod sa'min. Nagpunta kami sa classroom ng Nursing student na si Tacky na hindi talaga madala-dala sa pambubully namin. Hanggang ngayon nandito pa rin siya.

"Dalhin siya rito." Utos ko sa ibang estudyante.

Agad naman sumunod ang tatlong lalaki at pinasok si Tacky sa loob ng classroom at binitbit sa harapan namin.

"Wag maawa na kayo sa'kin." Nakaluhod siya sa'ming tatlo.

"Ang tigas talaga ng ulo mo." Sumenyas ako at pagkatapos hinagisan na siya ng kung ano-ano. Tubig, basura, pintura, juice pinagsasabunot naman siya ng ibang babae.

"Maawa kayo sa'kin." Pagmamakaawa niya. Ngunit mas lalo akong naiinis sa kaniya.

"Kung sumunod ka sa'min sana hindi ka na naghihirap ngayon. Hindi ka pa umalis sa school na ito." Sabi ko.

"Anong ginagawa ninyo sa kaniya?"

Lahat kami napalingon sa babae. Napakuyom ako ng kamao nang makilala ko ang babaing tumutulong kay Tacky.

THE BADBOY'S FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon