Project 15: New Environment

8 7 0
                                        

Cassandra's point of view

Okay naman gising ko ngayon, walang masakit sa katawan ko, nanjan naman na si mama kakauwi lang kagabi, masarap naman ulam namin ang totoo panga niyan andaming inihandang pagkain si mama dahil gusto daw niyang bumawi samin dahil ilang araw din siyang nawala.

Pero bakit ganoon? Parang wala parin akong gana? Parang nabagsakan parin ako ng langit sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hayst. Nakakainis!

"Ma, 1 month suspension slip" matamlay kung sabi sabay bigay kay mama.

"hhhmmmm anak! Mami miss kita!"

"Mama naman okay lang sa inyo na ma suspend ako ng isang buwan?" Reklamo ko.

"Cassandra, ganiyan talaga yan minsan sa buhay kailangan natin tanggapin ang mga consequences ng mga bagay na nagawa natin. Kaya nga palagi ko sayong sinasabi lahat tayo may responsibilidad na dapat pangalagaan. Bakit mo naman kasi yon nagawa anak?" Ang lalim naman ng hugot ni mama. Tsssk.

"Pati ba naman Ikaw?"

"Anak sinasabi ko lang sayo ang tama! Sge na magbihis kana darating na daw sundo ninyo." Sabi pa ni mama.

"1 month lang naman yon, sgurado akong marami kang matutotonan don, I love you anak" dagdag pa niya sabay yakap sakin ng mahigpit. Mama naman ang OA parang 1 month lang eh!

"Mama I love you din"ganti ko rin at niyakap rin siya ng mahigpit. Ewan ko ba pero biglang nagsipatakan ang mga luha ko habang yakap yakap ni mama. Matagal rin kaming nasa ganoong posisyon, maya maya pa biglang dumaan si kuya samin. Pinunasan ko ng mabilis mga luha ko pero parang napansin parin niyang umiiyak ako. Tumingin siya sakin ng saglit bago tuloyang lumabas ng bahay. Mukhang galit parin sakin si kuya tsss. Ganoon na ba ka lala kasalanan ko?

" sge na anak mag impake kana"sabi ni mama at tumayo na kami tsaka sinamahan niya ako mag impake. Isang maliit na maleta lang naman dadalhin ko dahil 1 month lang naman ako don. Mabilis akong natapos dahil nga tinulongan ako ni mama. Maya maya pa biglang may tumunog na sasakyan sa labas. Mukhang nanjan na ata school bus na susundo samin. Bumaba na agad kami ni mama para ihatid na niya ako. Parang OA talaga kami, hindi naman ako mag a-abroad hahaha.

"Anak, mag iingat don. Tawag ka lang kung may kailangan ka. Nanjan na isang credit card ko sa bulsa ng maleta mo." Pahabol ni mama bago tuloyang maka sakay ng bus. Ito talaga si mama tinuturing parin akong bata. Kaya ko naman eh! Matatag kaya to!

Nag wave ako kay mama habang paalis na ang bus. Nakita ko rin si kuya na nasa loob ng sasakyan niya at nakatingin pa sa bus. Akala ko ba umalis na yon? Baka may hinihintay lang.

Mabilis ang pagmamaneho ni kutang driver kaya mabilis rin kami naka labas ng mansion. Umupo ako sa pinakadulo, ayaw kung tumabi sa mga estudyante dahil lahat sila bagohan sa paningin ko. Sila yong nga velters na sa kabilang campus ng RU nag aaral. Mga scholar kasi silang lahat, matatalino, tahimik lang pero minsan may mga tsismosa rin. Yong iba panga grabe kung makatingin sakin parang masisindak ako sa titig ng iba. Pero whatever hindi ko na sila pinansin at nilagay earphone ko sa magka bilang tenga, sumandal at Nakinig ng music sa playlist ko.

Habang nakasandal parin tumitingin ako sa labas, napansin ko tuloy ang bahay ni Mateo na walang ka-tao tao. Oo nga pala? Nasaan na kaya yong imperial guardian kung yon? May pa sabi sabi pang p-protektahan daw niya ako pero hindi naman nagpapakita ng madalas. Tsss.

Busy parin ako sa pakikinig sa earphone ko. Ilang kanta rin ang napakinggan ko na hanggang sa huminto ang bus sa tapat ng malaking bahay. Napatingin ako sa paligid, wait? Tama ba nakikita ko? Sa bahay ni Lucas? Nakapunta nako ng isang beses dito nong thanks giving party nila. Tsss. Ayaw ko ng maalala yon, sumasakit lang ulo ko.

Project Lucas: CassandraDonde viven las historias. Descúbrelo ahora