CHAPTER 32

2.1K 90 5
                                    

LUCILLE POV'S

At nang biglang humarap si Sage sa Direksyon ko ay Tila ba Huminto na lang bigla ang mundo ko at para bang  sinemento na lamang ako Dahil Hindi ako maka kilos sa kinauupuan ko at wala akong ibang nagawa kundi ang itutup na lamang ang Bunganga kung nakanganga.

'Grabe ka Lucille nakakahiya ka self'. Sabi ko isipan ko sa sarili ko. Dahil nga naka nganga pa ako nun sa harap niya diba .literal pa nga talaga e.

Ngumiti ako dito Kay Sage na Labas ang Ngipin di naman literal na labas ngipin kundi nakikita yung Ngipin ko habang naka ngiti nang todo todo ganern.

"Ah ani taposh ka na payang mayigo". Sabi ko dito. Alam kung hindi niya iyun naintindihan masyado. kasi habang naka Ngiti pa din nang pag lawak lawak ay nag salita ako nang naka ngiti nang Ganon. Kaya ganyan ang kinalabasan ng mga sinasabi ko.

Ehem...Um.Ehem.um.. lumunok muna ako bago muling mag salita dahil feeling ko eh may naka bara sa Lalamunan ko.

"Tapos ka na palang Maligo...A-ano kasi tapos ko nang Tignan Ito". Sabi ko saka ipinakita sa kanya yung pag ka bigat bigat na album. "A-ano kasi kung pwede sana eh Gusto kung hiramin muna ito...pero pramis ibabalik ko din bago Tayo umuwi". Sabi at pangunguna ko dito baka kasi di ipahiram. Kaya gusto kung hiramin kahit ang bigat bigat netong Album na ito. Kukuhanan ko sana nang pic yung mga Picture na nandidito. Kasi nga diba Simula Baby---ay hindi pala---simula nung ipinanganak ko si Baby Knight ko eh wala akong Pic niya maski isa man lang.

"P-pwede ba?". Tanong ko dito ulit nang hindi ito mag salita. Inantay ko itong mag salita ngunit tumingin lang ito sa ibang Direksyon saka nag lakad sa kung saan saka isinabit yung Tuwalyang ginamit niya. Napayuko na lamang ako. "S-sabi ko nga Hindi Pwede...". Malungkot na sabi ko dito habang naka yuko pa din. Napa kagat labi ako dahil parang namamasa yung mata ko. Kung pwede ko lang sanang Kunin. Yung kahit isang Picture man lang ni Knight doon ay ginawa ko na kaso Hindi pwede kasi di siya yung pang karaniwang album na Disiksik yung Pic...kasi yung Pic na nandodoon sa Album e naka dikit na halos di na matanggal kailangan mo pang gupitin para makuha mo lang.

Sa totoo lang kanina pa ako naiiyak eh...nag kukunwari lang akong okay ako. kasi doon ako magaling ang mag tago nang nararamdaman ko.yun kasi yung Talent ko ang mag tago nang nararamdaman. Baka sabihin niyo kasing... ang arte arte ko ang OA OA ko napaka Iyakin ko...oo na ako na lahat yan pero di niyo kasi alam ang nararamdaman ko. Yung kaninang Sinasabi kung 'Okay lang basta kasama ko na ngayon si Baby Knight ko okay na sa akin'. Ang totoo niyan ay Hindi. Hindi talaga ako okay at saka isa pa. Hindi ko din masasabing makakasama ko Knight nang pang habang Buhay.

Kasi hindi natin alam kung Anong Takbo nang Utak ni Sage kasi malay Mo napipilitan lang siya sa ginagawa  niya at ayaw niya talagang gawin yun...kaso di lang siya maka tanggi kasi Hiling iyon Ni Knight e d-diba?...malay mo May kundisyon pala yun. y-yung pag payag niyang magkita ulit kaming mag ina malay mo matapos nang maka ilang Buwan o matapos ang taon na ito eh ilayo siya uli sa akin. Hindi ko na kakayanin yun. Ayaw ko ...ayaw ko nang ma ulit iyon.

Oo natutuwa ako Sa mga Picture nila kanina na nakikita ko...nag biro pa nga ako diba na-iingit ako diba?...sinabi ko pa ngang 'Guys Inggit ako'. Di ba sinabi ko iyun?. Ang totoo niyan Sobra!... sobra sobrang inggit ang nararammdama. Ko nang mga sandaling iyun na kabaliktaran nang sinasabi ko kanina na Sana ako na lang yung nandodoon, sana ako nalang Yung may hawak sa kanya, sana ako nalang yung kalaro niya doon maraming sana...Sana,sana,sana...Sana lahat nang iyun ay nagawa at nakuhanan kasama ako pero hindi e...pasensya na kayo masyado na akong emotional pero di ko mapigilan e.

Buti nga lumuluha lang ako at hindi humahagolgol...pero Aaminin ko na sobrang hapdi na nang Labi ko na halos dumugo na dahil sa Diin at tindi nang pag kakagat ko dito. pinipigil lang na huwag mag karoon nang tunog yung Yung pag luluha ko.

I Sold My Child to His Devil Father Donde viven las historias. Descúbrelo ahora