Kath POV
Nagpahatid na lang ako kay Daddy dito sa office para mamaya kay isa na lang dala namin na sasakyan ni Ethan.
Ayun okay naman kay Daddy pati kay Mommy na kami lang daw dalawa ni Ethan. Malaki naman na daw kami.
Papayagan pa kaya ako pag nalaman nila na may nangyari na samin ni Ethan? Malamang hindi. Hahahaha
Nakaupo na lang ako dito sa office ko at hindi ko feel mag work ngayon. Naiisip ko pa din yung ginawa ko kahapon. Feel ko kaya ko nagawa yun dahil siguro sa narinig ko kay Amy. Pero kahit naman siguro di ko narinig yun, yun pa din ang gagawin ko kung kami lang ni Ethan nun.
Nagiging berde na utak ko pag iniisip ko si Ethan. Hay naku Kath! Malala ka na. Naiiling na sabi ko sa sarili ko.
Nakatitig pa din ako sa monitor ko ng biglang mag ring yung phone ko.
"Hey" agad kong sinagot ng makita ko na si Ethan yung tumatawag.
"I miss you Babs! Gusto na kita sunduin. Busy ka pa ba?"
"Actually gusto ko ng magpasundo kung hindi ka na busy." Natatawang sabi ko.
"Seryoso Babs? Sige alis na ako dito. Papunta na ako dyan!"
"Okay. Wag kang magmadali. Mag ingat ka sa byahe!"
"Yeah. I will! Bye Babs!"
"Okay. Bye."
Halos wala pang kalahating oras andito na si Ethan. Hindi ba busy tong lalaking to?
Nakangiting pumasok si Ethan sa office ko. Iimik pa lang sana ako ng bigla na nya akong hinalikan sa labi. At dahil na miss ko din sya kahit kagabi lang kami huling nagkita agad ko din tinugon ang halik nya.
Naghiwalay ang labi namin ng parehas na kami naghahabol ng hininga.
"Wow ah. Namiss din ako ng Babs ko." Asar nya sakin.
"Sige hindi na ako gaganti sa halik mo kung yan ang gusto mo" pang aasar ko din
"Wala namang ganyanan. Let's go?"
"Yeah. Mag text lang ako kay Mommy na paalis na tayo"
Nasa byahe na kami ng maisipan na din namin bumili sa supermarket ng stocks namin na pagkain para kami na lang yung magluluto.
"Bili tayo ng pang ihaw Babs. Tapos pang kare kare. Para mapatikim ko sayo yung specialty ko." Mayabang na sabi ni Ethan.
"Sige sige. Siguraduhin mo na masarap yun ah. Kung hindi papaubos ko sayo lahat"
"Aww ang harsh naman ng Babs ko." Malungkot na sabi nya.
"Joke lang." hinawakan ko yung kamay nya para di na sya magtampo. Ayun ang ending magkahawak talaga kami ng kamay hanggang sa mabili namin lahat ng kailangan at gusto namin na pagkain
Natatawa ako kasi ang laki ng bill namin sa supermarket.
"Dun na ba tayo titira at inabot tayo ng ilang libo sa pamimili ng pagkain?" Natatawang sabi ko.
"Ayokong magutom ang Babs ko eh. Kaya ayos lang yan."
Nalagay na namin lahat ng pinamili namin at nagstart na ulit kaming magbyahe ng may madaanan na naman kami na mcdo.
"Yeah i know babs. Kahit hindi mo sabihin dadaan tayo dyan"
Nadrive thru na lang kami para dretcho pa din ang byahe namin.
"Baka pag uwi double na ako" natatawang asar ko.
"Okay lang yun Babs. Papanagutan kita no" agad akong napatingin sa kanya.

YOU ARE READING
Deal 2: Playing for Keeps
RomanceMaraming bagay ang hindi mo iisiping tatagal sayo Pero marami rin ang magiging dahilan para ito ay tumagal. Sabi nga nila.. Nothing is for keeps... BUT with YOU, it's different.. Kasi yung impossible nagiging possible basta kasama kita. - Ethan Alv...