#COW part 12.

186 9 0
                                    

Agad akong umakyat at nagtago sa gilid ng isang mataas na parang tore,dito sa pwestong to kitang kita ko silang lahat. Agad kong tinutok ang baril ko nang nakakita ako ng kalaban na tumitira, masyado itong malikot dahilan para madali lang itong mapansin.

Dahil sa likot nito ay hindi ko sya matamaan ng maayos,at dahil naka riffle ako thats not a problem anymore! Sunod sunod na nagpalabas ng bala ang baril ko at sakto naman natamaan ko sya sa ulo.

"Head shot!"

'Demonic Angel kill Acer!'

Bigla akong nagulat dahil sa nakita, WTF! Acer? Ang dali molang palang patayin eh my gosh! Hanggang yabang lang pala ang isang to. Tatayo na sana ako nang bigla nalang akong nadaplisan ng bala dalidali akong bumaba, napatingin ako sa health bar at kalahati nalang ito.

May sniper.

saktong pagbaba ko nakita ko ang isang kalaban na sumugod,nakatago lang ito sa isang box sa gilid. Agad ko syang binaril at nang mamatay na ito ay agad na akong umakyat sa parang tore.

Agad akong nag voice male sa mga kasama ko, "Mag ingat kayo may sniper sila"

Agad akong umakyat at yumuko para hindi ako mapansin. Tinignan ko ang program sa itaas.

BP:RD
4/5-2/5

Dalawa nalang kalaban.

"Nakita moba?" Tanong ni Infinity sa kabila.

"Hindi. Pero sa tingin ko nasa itaas sya ng tore" agad naman itong nag okay sa akin kaya pumwesto na ako sa gilid.

Agad kung nilabas ang sniper ko na hindi pa na u-upgrade.

"Nasa likod ng hagdan" sabi ni Harlem,agad akong napatingin sa bandang duon at nakatarget lang sya sa ibaba. Agad kung finucos ang sniper sa kanya nang bigla nalang may bumaril sa akin. Agad akong humiga para hindi ako matamaan.

Shit! Malapit ng maubos ang bar ko! Agad akong pumunta sa Inventory ko at kinuha ang golden apple,sa wakas magagamit ko nanaman ito. Agad akong kumagat at tumaas naman ang health ko.

'Harlem Killed Blood!'

Aba bakit blood ang pangalan nya? Sundogera!

"Wala na ang isa,ang sniper nalang ang buhay" napatingin ako ulit sa program dalawa nalang kaming naiwan ni Harlem.

"Harlem tumakbo ka papunta duon sa kanila,pero sa gilid kalang dumaan para madistract sya at matamaan ko"

"Kaunti nalang ang life ko,baka mamatay din ako" napabuntong hininga nalang ako at napag desisyonan na ako nalang ang bababa.

"Okay ganito nalang,ikaw nalang ang tumira sa kanya,siguraduhin mo na hindi pa sya nakaka tira bago mo sya babarilin"

"Copy" huminga ako ng malalim at nagsignal sa kanya,kitang kita ko naman mula rito na nakatutok padin ang sniper nya malapit kay Harlem. Agad akong tumalon mula sa itaas dahilan para mapatingin ito sa akin at nakarinig nalang ako ng pagputok ng baril.

Agad akong napadaing nang matamaan nya ako sa balikat,ang galing gumamit ng sniper natamaan pa talaga ako kahit pababa ako.

BP win the Game!

Napapikit nalang ako at napahiga nalang,hay salamat tapos nadin. Napangisi ako ulit ng maalala ang nangyare kanina,talagang sya ang pinaka unang namatay sa Grupo nila. Yan ba ang pangatlo sa ranking?

Castle War Online (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon