Chapter 5 : Contract

791K 19.6K 6.9K
                                    

Chapter 5: Contract


Just breathe, Gab.



Inhale the oxygen and exhale the carbon dioxide. Just like that. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Just repeat the process. Breathe. Calm yourself. Paulit ulit lang Gab hanggang sa matapos ang araw na 'to. Matatapos din ang araw na 'to. Tiwala lang. Just calm down...not.



"Please go away." Hindi ko kayang kumalma. Tila nakakalimutan ko kung paano kapag kasama ko ang lalaking 'to.



"Hindi ba dapat laging magkasama tayo? I'm your boyfriend... and you are my girl." Pinaikot-ikot niya ang lollipop sa bibig niya. Halatang may halong pangaasar din sa tono ng boses niya.



Ugh, I hate this blue-head guy!



"Nakahanap ka din ng katapat mo." pasaring ni Dominique.



"May sinasabi ka?" sinamaan ko siya ng tingin.



"Ha? Are you talking to me, bebs?" Nagpanggap siya na parang wala siyang sinabi at wala siyang naririnig. Nakakainis! Bakit ba nila ako pinagti-tripan? Pasalamat nalang ako dito kay Marcus. Tahimik. Ngiti lang ata talaga ang agenda niya sa araw-araw. Mr. Smiley. Who would have thought that I'd find his smiling better? Okay na nga. Kesa naman kausapin niya ako at tawagin niya akong TGWSG.



"May igaganda pa kaya ang araw na, 'to?" I sarcastically asked to no one in particular. Walang mapili sa mga kasama ko ngayon.



Umupo na kami sa isang table dito sa cafeteria. Napatingin ako sa kaibigan ko nang marinig ko siyang nakikipagtawanan sa bago niyang boyfriend—I'm still not okay with the boyfriend idea. Napadaanan ko rin ng tingin yung isa na akala mo gumagawa ng commercial ng lollipop.



Weird. Blue is a very striking color but I don't find it weird on him. Bagay na bagay sa kanya ang asul na buhok. Hindi ko rin itatanggi na gwapo siya. His height doesn't help concealing the fact the he exist now.



Ang weird lang na para bang hindi familiar ang ilan sa linyang: don't state the obvious.



Fine, hindi naman nagsasalita ang mga audience ng lalaking 'to. Pero halatang-halata na attracted sila kay Blue Head at Marcus. Para silang uncommon scenery. Gwapo pa. Nakailang pigil na rin ako sa pagtawa nang may nakita akong ilan na halos mabangga na dahil hindi maalis ang tingin sa dalawang lalaki na kasama namin ni Dominique.



Oo na. Oo na. They're hella good looking guys.

Boyfriend Corp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon