Secret 4

19 4 0
                                    

4








Naunang tumakbo papalapit saakin ang tatlong kasamahan niya at pinalibutan nila ako.

"Miss pwede kapa naman mag back out hindi mo kailangang magpanggap na kaya mo kami" sabi nung isang lalake sa kanan ko at tumawa pa. Kahit bata pa sila pero kung makaasta akala mo ang tanda-tanda na nila

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at inatake ko na agad sila, sinipa ko sa tyan nung lalakeng nasa kanan ko at siniko ko naman ang lalakeng lumapit saakin, agad ko namang hinila ang kwelyo nito at tinulak ng malakas sa isa pang kasama nila na tulala kahit alam niyang nakikipaglaban siya. Sabay naman silang nauntog sa puno na nasa likod nila, napansin ko namang nakatayo na yung sinikmuraan ko kaya agad ko siya sinuntok sa mukha dahilan ng pagkadugo ng labi niya at sinabayan ko pa ng suntok sa dibdib niya kung saan nakapwesto ang puso niya.

Napangiti nalang ako at walang sabi-sabing sinunod kong inatake ang apat na natitira, hindi ako aalis dito hanggat hindi ko sila natatapos, pero huwag silang mag-alala hindi ko pa naman tatapusin ang buhay nila, ganun ako kabait hahaha.

Agad kong pinagsusuntok at sinikmuraan ang tatlong sinubukang pigilan ako para makalapit sa leader nila pero sorry sila mas mabilis ako keysa sa kanila kaya mabalis ko silang napatumba at hindi ata makapaniwala yung leader nila sa nakikita niya, lahat ng kasama niya bagsak at siya nalang ang natitira.

"65.. 66.. 67.."

"Hmm madami pang oras ang natitira ano ang gusto mong gawin ko sayo?" Pang-iinis ko sa leader nila

"S-sino ka? I-isang nerd kalang n-naman, p-pano m-mo sila napa t-tumba?" Kinakabahang tanong niya

"Hindi ibig sabihin na isa akong nerd hindi ko na alam makipag laban, in fact I was just holding back"

"75.. 76"

"Might as well patulugin lang din kita" huling sabi ko bago pinindot ang pressure point sa leeg niya para mawalan siya ng malay

Bago pa matapos ang pagbibilang ni miss nerdy umalis na ako doon at bumalik nalang sa room ko ayokong may makakita pang iba na ako ang may gawa nun sa kanila.


Someone's POV:

Kaya pala hindi siya natatakot kay Ethan at sa iba pang nambubully sakanya dahil alam niya palang makipag laban.

Dapat malaman nila to.

Alleya Addison isa ba to sa mga secrets mo? Sino kaba talaga?



Alleya's POV:

Natapos ang araw ko na sobrang boring except dun sa nangyari sa garden syempre. Nagpasya akong umuwi nalang para makapag-ayos ako para sa meeting mamaya.

Pag bukas ko ng pintuan naabutan ko si tatay sa sala at mukhang may inaantay.

"Tay sino pong inaantay niyo?"

"Alleya anak" seryosong sabi niya sabay bigay saakin nung isang sulat.

Nagtataka naman akong inabot eto at mas ikinagulat ko ang nabasa ko 'Nos volveremos a ver mi amor. no puedo esperar' yun ang naka lagay sa letter.

Shit! Hindi to maaari.

Iisa lang tumatawag saakin ng mi amor.




Someone's POV:

"Primero malapit na silang makumpleto si Rey at ikaw nalang ang kulang" sabi ni Segunda, kasalukuyan akong nasa sarili kong office dito sa arena, mukha namang maganda ang pamamalakad ni Rey dito kaya wala silang masyadong nagiging problema dito hindi tulad ng saakin tsk.

SecretsWhere stories live. Discover now