Opposite 25: Can you?

73 7 2
                                    

Xienna's POV

"Knock! knock!" Napa-lingon naman kami sa may pintuan at nakita si Ghionna. 

Ano na namang business ng babaeng 'to?

"Yes, pretty?" 

"Stop that look, Froy Hintiss. It's disgusting." Umukit naman sa mukha nito ang nilalaman ng sariling salita.

Ang iba naman ay natawa sa kanilang dalawa, while some of us is still focusing drawing on the whiteboard marker kung paano ba ang booth na gagawin.

"Enough with that. What is it, Miss Ghionna?" Jerome.

"Well boys may I--- woahhhhh! 'yan ba ang booth natin?" nakatingin ito sa ginagawa namin.

"As you can see." Diego.

"Kaninong idea? Cool." Ghionna.

"Xienna." Cleo.

"As expected. --By the way, boys. May i borrow Xienna and Diego?" Ghionna.

"Ako 'di mo isasama?" Froy, nag-pacute pa ito na akala mo ay cute talaga eh mukha namang paa.

"Ako din?" George.

"Nah-ah. Sila lang."

"Geh lang, you're idea is wonderful Xienna." Jerome.

Tinanguan kona lamang ito at lumabas na ng silid.

"Thank you, boys!" Sigaw nito sa kanila at sumunod naman sa amin ni Diego.

"Kain tayo sa cafeteria." Ya-ya nito at tinanguan na lamang namin.

"Ang tahimik n'yo. Nagtitipid ba kayo sa laway?" Hindi ko na ito pinansin at sobrang daldal na naman eh.

"Nahawa lang ako kay Xienna." Diego.

"Nahawa? Mukha ba akong virus?!"

"Opps! Hahaha!" Ghionna, natahimik naman si Diego.

"Manahimik ka."

"Ay. ---Ah! nga pala pasensya na kanina kay captain, ganoon lang talaga ang ugali." Pag-iiba naman ng usapan nito.

Tumango na lamang ako at humanap na ng upuan na mauupuan namin. Nakita ko ang bakante sa may bandang gilid kaya nagtungo ako doon, naramdaman ko naman ang pagsunod ni Ghionna at ang paglisan ni Diego dahil s'ya ang oorder ng makakain namin.

9:30 na pala at kalahating minuto na lamang ang oras namin bago tumungo sa gym at ganapin ang opening ceremony. Sabay na mauuna ang Archery at Firing at ang mahuhuli naman ay ang Basketball.

"Hello?" Narinig ko naman si Ghionna na may kausap sa cellphone, nakinig na lamang ako at nanahimik.

"Ang aga naman talaga eh." /"Tss." /"Nasa cafeteria." /"Ulol." /"Sa bandang kaliwa." /"Tangina mo, bahala ka." /"Oo na, bwesit."

"Sino 'yon?"

"Sila Khyler at Kuya Serge, hinahanap tayo at kakarating lang daw nila. Ang aaga gumising."

"Tinanong ko lang kung sino, ang dami ng sinabi." Hasik ko dito.

"Syempre, ganun talaga. Maganda ng detailed, para crystal clear." hinawi pa nito ang buhok na akala mo komersyal ng shampoo, eh pang comedy naman. Mukhang tangang hawi ng hawi eh, kaliwa't kanan.

"Sana all."

"Found you!" nakilala ko naman ang boses, Si kuya Serge at umakbay naman ito sa akin while Khyler kay Ghionna.

OPPOSITE: We Are EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon