33

65.3K 2.8K 779
                                    

Austine Villaluz

"Mommy, I'm sorry po. Mommy I will miss you po. I'm sorry!" Ang paulit-ulit na iyak ni Noah habang mahigpit na nakayakap sa akin.

Ngayong araw na kami uuwi pabalik ng Cebu. Wala kaming kibuan sa mga tao dito. Si Nathan...si Nathan hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi ko na kailangan pang alamin kung nasaan siya dahil wala naman akong paki sa kanya. Bakit? Siya lang ba lalaki sa mundo? Pag ako naka hanap ng mga afam who u 'yan sa akin.

Pinunasan ko ang mga luhang nag-uunahang tumulo mula sa aking mga mata. Kanina ay nakita ko itong sumisilip sa siwang ng kanyang pintuan. Alam kong may gumugulo sa utak ng anak ko at ang tanging hinihiling ko lang ay matulungan ito ni Nathan. Huwag niya sanang pabayaan ang bata.

Si Noah naman talaga ang dahilan kung bakit ako nandito. Siya ang dahilan kung bakit napasok ako sa mundo ng mga Juariz. Siya ang dahilan kung bakit mas lalong naging makulay ang mundo ko.

"Anak.." Humugot ako ng malalim na ginhawa at mariing pumikit. "N-Noah, baby 'wag kang maging pasaway okay? K-kahit wala na ako dito dapat mag study ka pa rin. Dapat good boy ka pa rin. 'Wag mong awayin ang mga yaya at maid niyo. Mag drink ka rin ng mga medicine mo kasi may ubo't-sipon ka kahit mapait. Mami-miss kita, anak."

Kahit anong gawing pagpipigil ko sa mga luha ko hindi ko magawa. Napamahal na ako kay Noah eh. Naiimagine ko na ang sarili kong kasama niya pagtanda. Pero may mga bagay talagang hindi itinadhana para sa atin. Minsa kasi pag pinilit mong ipagsiksikan ang sarili sa isang bagay na hindi ka naman kasya ay baka bigla na lang itong masira. Maliban nalang siguro kong stretchable 'yun.

"Austine, anak...aalis na tayo." Napalingon ako sa may pintuan at nakita doon si mama. Tahimik itong lumapit sa amin at pareho kaming niyakap ni Noah.

"Mama! Ayaw ko pong iwan si Noah." Iyak ko habang nasa mga bisig niya. Ganoon din ang ginawa ni Noah habang nakayakap sa akin ng mahigpit.

"Anak...alam mo namang hindi pwede 'di ba? P-pwede naman kayong magkita ulit sa tamang panahon. Matatagalan siguro pero kailangan mong tanggapin ang katotohanan. Hindi ka pwedeng manatili sa mundo nila." Aniya habang hinahagod ang likuran ko.

"Noah, apo, ingatan mo ang sarili mo dito. Sana maabutan mo pa kami ng grandpapa mo." Ang biro ni mama. Kinurot ko tuloy ito sa gilid. Tumango-tango naman si Noah dito habang nakasubsub pa rin ang mukha sa dibdib ko. Ramdam ko pa rin ang mahigpit niyang yakap sa akin.

"Noah...aalis na ako. Bitaw na, nak." Masuyo kong sabi dito.

"Mommy...sama nalang po ako sa inyo. I won't lie again mommy just take me with you." Ang desperado nitong iyak. Hindi ko magawang magsalita kasi sa kaibuturan ng puso ko gusto ko siyang isama. Ayoko siyang iwan dito mag-isa.

"Baby, hindi pwede eh." Iyak ko. Marahan ko siyang inilayo sa akin at hinalikan ang toktok ng kanya noo. "Basta...magkikita tayo balang araw. Promise ko yan sa iyo. Kaya dapat hindi mo ako kakalimutan kasi m-malulungkot talaga si mommy. Heto, advance birthday gift ko sa iyo para hindi mo ako makalimutan."

Ibinigay ko sa kanya ang ginawa kong maliit na painting. Ito 'yung nasa bahay namin siya sa Cebu habang puno ng acrylic paint ang kanyang mukha at katawan. Pinapakita niya sa akin yung painting niya sa picture at nakangiti ng sobrang laki. Ang unang ngiting ipinakita niya sa akin na walang halong takot at lungkot.

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon