CHAPTER 6

12.3K 478 32
                                    


[Aika]

Trip to kama ang ginawa ko ng paulit-ulit ngunit hindi pa rin ako dalawin ng antok. Ilang beses na rin akong nagtimpla ng gatas pero wala pa rin epekto. Sinilip ko ang orasan ng cellphone at nakita kong malapit ng tumunog ang alarm ko para mag handa sa pagpasok.

"Ano ba 'yan alas-tres na, dalawang oras na lang tutunog na ang alarm ko."

Sinubsob ko ang unan sa mukha ko at mariin akong pumikit. Nakakainis kasi si Ryuuji siya ang palaging laman ng isip ko. Hindi ko maintindihan kung bakit paulit-ulit na nag-flash back sa'kin ang paghalik ko sa kaniya ang mga ngiti niya at ang pagiging mabait niya sa'kin. Muli kong idinilat ang mga mata ko at tinaas ko ang kamay ko.

"Ilang beses niya itong hinawakan."

Ipinikit ko ang mga mata ko habang si Ryuuji ang nasa isip ko. Siguro mas maganda na isipin na lang siya para sakaling makatulog ako. Ilang minuto nga ang lumipas unti-unti na akong nakakaramdam ng antok hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

"Aika! Gumising ka na!"

Nagising ako sa tawag ni Mama pero hindi ako bumangon dahil kakatulog ko pa lang at sobrang antok pa ako.

Narinig ko ang yabag ng paa ni Mama na papunta sa kwarto ko pero hindi pa rin ako bumabangon.

"Aika, hindi ka ba naririndi diyan sa alarm ng cellphone mo? Bumangon ka na may pasok ka pa sa school."

"Mama, wala po kaming pasok." Pagsisinungaling ko.

"Bakit wala kayong pasok? Ilang linggo pa lang nagsisimula ang klase wala na agad ang pasok."

"Mama, anniversary po ang school walang pasok pero may celebration sa  school. Ayokong pumunta para lang doon mas gusto kong matulog."

"Hayss! Dapat nga nakikihalubilo ka sa mga ganyan para naman masanay ka na."

"Mama, matutulog na po ako wala pa akong tulong kasi gumawa ako ng project ko."

"White lies naman ito, hindi naman masama."

"Okay, sige kumain ka na lang diyan nagluto na ako ng almusal mo. Pupunta na ako sa palengke."

"Ingat Ma."

Pagkatapos muli akong natulog. Hindi naman siguro ako tatanggalan ng scholar kung palagi akong absent.

                        *******

Napabalikwas ako ng bangon ng makarinig ako ng sirena ng ambulansiya. Bigla akong kinabahan dahil sobrang lapit ng tunog ng ambulasiya sa'min. Nagmadali akong nagtapis ng tuwalya pagkatapos lumabas ako ng bahay. Marahil may dadalhin sa ambulansiya na malapit sa'min O baka may nag-away sa labas at nasaktan.

Pagbukas ko ng pintuan nakita ko ang ambulansiya na nasa tapat ng bakuran namin ang lakas-lakas ng sirena nito na halos rinig sa kabilang baranggay. Bigla akong kinabahan dahil baka si Mama ang dadalhin. Napatakbo ako papunta sa ambulansiya.

"M-Mama!" Sabay bukas ko ng pintuan ng sasakyan.

"Good morning Aika."

"Ikaw?!"

Nakasuot ng uniform si Ryuuji habang pangisi sa'kin. Lumabas siya at pinagmasdan ang buong paligid. Parang hindi niya alintana ang malakas na tunog ng ambulansiya na dala-dala niya.

"Iskwater ba 'to?"

Gigil na gigil akong lumapit sa kanya. Imagine nagpunta rito na may dalang ambulansiya kung hindi ba naman sira ang tuktok. Urgh!

"Hoy! Ano bang utak ang meron ka! Bakit ka may dalang ambulansiya hindi mo ba alam na nakaka-perwisyo sa mga kapitbahay ang ginagawa mo!"

Umatras siya sa'kin ng kaunti at nagtakip ng ilong.

THE BADBOY'S FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon