Kabanata 11

512K 21.2K 14.3K
                                    

Kabanata 11

Fuck


Our guests are prepared to send us off. Medyo nakakahiya nga dahil pati pa iyon ay panonoorin nila. Hindi naman sila obliged pero dahil ihahatid kami ng ibang relatives ko, nakisali na rin ang iilang guests.

Nasa lobby na ako ngayon. Maaga kaming tutulak pa Maynila dahil traffic. Mamaya pa naman talaga ang flight namin pero para hindi ma-late, maaga kami.

I kissed my mother. Papa was there watching us intently. Nilalapitan na rin ako ng ibang tiyahin ko. Some of them teasing me about their lingerie gifts. Nilingon ko ang pinanggalingan ko. Magkasunod kaming naglakad ni Royce kanina pero wala pa siya.

Naghintay ako saglit. When everyone is busy talking about their itineraries for today, I decided to walk back to see where Royce is.

Natanaw ko siya sa pasilyo, kausap ang tiyahin niya. Iniisip ko namang nagpapaalam lang ito aalis na sana ako nang narinig ng kaunti ang pinag-uusapan.

"Kaya ba wala si Lav sa kasal mo? Sana maayos n'yo 'yan, Royce."

Lav? Who's that? Why am I curious? I don't even know all of his family before this wedding so of course, it's probably just his cousin.

"Noong narinig ko na ikakasal ka, akala ko sa wakas ay naisipan n'yo nang dalawa na mag settle down ni Lav..."

My eyes widened. May mga sinabi pa ang tiyahin niya pero hanggang doon lang ang narinig ko. I feel like I was being an intruder if I ever eavesdrop more from there. Okay pa iyong kanina pero ang marinig ang huling sinabi, parang mali na. Naglakad na ako palayo at humalik na kay Papa.

"Enjoy your vacation," si Papa.

I smiled. "I will, Papa."

Pumasok na ako sa van at kalaunan, sumunod na rin naman si Royce. I put my airpods on my ears to listen to music. Nilingon ako ni Royce kaya pinikit ko na lang ang mga mata ko, handa na sa malayong biyahe patungong airport.

This is our first time to go and travel abroad together. Not thatg it matters, sa ilang linggo naming pagkakakilala, lahat first time. First date, first kiss, and even first... fuck. Kaya wala rin namang kuwenta kung first time naming magtravel ngayon.

We are booked in a private island on Maldives. Ang alam ko, Papa made Royce earn an investment. Papa would mentor Royce with the hotel industry. He is representing a big company kaya hindi siya gaanong nakakapagventure sa maliliit na investments kaya si Royce ang pinapagawa niya.

I haven't been to Maldives and I don't know what will happen but I leave it all to Royce and just remained relaxed the whole time.

Nang nakarating na kami sa airport, dumiretso na kami sa VIP lounge at doon nagpalipas. May buffet ng merienda. Kumuha lang ako ng tsaa, si Royce naman kape. I kept on scrolling on my phone while he's drinking his coffee. Madalas ang baling sa akin.

I removed one pod. Nagtagal na kasi ang titig niya kaya pakiramdam ko naiinis na siya na panay ang pakikinig ko sa cellphone.

"What?"

"Nothing. Are you going to listen to music and scroll on your phone the whole time?"

"We're travelling. What am I supposed to do?"

Nagkatinginan kami. Wala yata siyang isasagot.

"Kung gusto mo mag scroll ka rin sa cellphone mo?"

Umiling siya. "Madaling araw tayo darating sa Male at sasakay pa ng seaplane bago makadating sa resort."

"Okay."

One Rebellious Night (GLS/Del Fierro #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon