CHAPTER 7

11.5K 460 27
                                    


[Aika]

"Anak bilisan mong kumain kanina pa naghihintay ang sundo mo."

Sabi ni Mama sa'kin habang kumakain ako ng almusal. Hindi kasi nagbukas ng tindahan ni Mama ngayon dahil pupuntahan niya mamaya ang dati niya kaibigan na umuwi ng pilipinas.

"Wala naman akong sundo. Wala naman tayong driver at isa pa, wala tayong kotse Mama." Lumalabi kong sabi.

Hindi kasi magandang joke ang sinabi ni Mama.

Tumayo si Mama at sumilip sa bintana pagkatapos muling umupo at pinagpatuloy ang pagkain. "Hindi ba ikaw ang hinihintay ng gwapong lalaking nasa tapat ng bakuran natin?"

"Ha?" Lumabas ako upang tingnan ang tinutukoy ni Mama. Sumimangot ako ng si Rayuuji ang nasa labas. Nakasandal siya sa kotse niyang kulay puti. Naka-uniform na siya, at nakangiti sa'kin habang kumakaway.

"Ano kaya ang ginagawa ng hudas na ito rito?"

Tumalikod ako upang bumalik sa kusina at ipagpatuloy ang pagkain.

"Hindi ko makilala yung nasa labas nakatalikod e." Pagsisinungaling ko.

"Magkapareho kayo ng tatak ng uniform. Ikaw lang naman kasi sa lugar na ito ang nag-aaral sa Eastberg."

"Hindi ko nakita ang uniform niya Mama nakatalikod kasi."

"Tok! Tok! Tok!"

Narinig namin ni Mama na kumakatok. Madiin kong pinikit ang mga mata ko at napahawak ako ng mahigpit sa tinidor ko.

"Letche ka talaga Ryuuji!"

"May kumakatok anak." Tumayo si Mama upang malaman kung sino ang nasa labas. Ilang saglit pa naririnig ko ang boses ni Mama na kausap si Ryuuji, ngunit hindi pa rin ako umalis sa kinauupuan ko.

"Anak, ikaw ang hinahanap lumabas ka na diyan."

"Saglit lang po Mama tatapusin ko lang ang kinakain ko." Inubos ko ang pagkain ko at pagkatapos nag-tooth brush ako at padabog na lumabas habang humahaba ang nguso ko sa inis.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at ngumiti sa'kin. Good morning. Yats!"

Pinanlakihan ko siya ng mata dahil nandoon si Mama baka kung ano ang isipin niya.

"Bakit ganyan ang mata mo lumalaki?" nakangisi niyang sabi.

Ang hudas na 'to kung anong kinaganda ng itsura siyang kinahina maka-gets.

Lumapit ako sa kaniya. "A-Ah, napuwing kasi ako, hahaha! Ano ginagawa mo pala rito?"

"Sino siya anak?" Tumingin si Mama kay Ryuuji.

Kinuha ko ang bag ko nasa mahabang upuan namin na gawa sa kawayan. "Ah, Mama si Ryuuji mo kaklase ko po siya."

Tumingin sa'kin si Ryuuji. "Hoy! Hindi tayo—

Tinakpan ko ang bibig niya. "Mama, papasok na po kami.bye!" Hinila ko si Ryuuji palabas ng bahay namin.

"Bakit mo ba ako hinila mapupunit ang damit ko sa'yo," reklamo ni Ryuuji. Habang palabas kami ng bahay, nakita ko ang kapitbahay namin na nakatingin sa'min marahil nagtataka sila kung bakit may sumundo sa'kin na may magarang sasakyan at isang gwapong lalaki. Kung sabagay hindi ko naman masisi sila dahil bihira sa lugar namin ang may dumadayong ganitong sasakyan.

"Bakit kasi nandito ka?" Inirapan ko pa siya.

Nasa loob na ako ng kotse niya at siya ang driver at katabi niya ako sa front seat.

"Wow! Dapat magpasalamat ka pa sa'kin, sa'yo ko lang ginawa 'to." Sabay iwas niya ng tingin.

tumingin ako sa kaniya. "Hindi mo kailangan gawin 'to,"

THE BADBOY'S FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon