Prologue

24.4K 816 237
                                    

THIS IS THE FOURTH BOOK OF THE HANSEN SISTERS SERIES

Date started: July 15, 2017

Date completed: March 21, 2022

Note: All books for Hansen Sisters Series is already completed and can be read by chronological order as stated on the title, story description, and the first chapter part.

***

"H-hello?" Medyo disoriented na sagot ko sa kung sino man itong tumatawag sa akin. I feel a bit lightheaded dahil na rin sa kakulangan ng tulog. Buong gabi akong naglaro ng video games, may bago na naman kasing labas na game at nagkataong may copy na si Seth.

I was a little busy recently because of work kaya hindi ko na naabangan yung release ng game, mabuti na lang ay binilhan na ako no'ng isa. I owe that guy.

"Gail!" Medyo nailayo ko ang cellphone sa tainga ko. I groaned inwardly, her voice was ringing in my head. Ang aga-aga, bibig agad ni Jean yung maririnig ko. "Gala tayo!"

"Gala?" Nagkusot ako ng mata at tiningnan yung oras sa wall clock na nandito sa kwarto ko. "Alas tres pa lang."

"Ginagago mo ba ako?" I flinched when she raised an octave on me. Hindi pa ako kumakain pero mukhang palalamunin na niya ako ng sangkaterbang mura. "Tanghali na, 'oy! Tangina nito."

Confused na sinipat ko ulit yung wall clock at doon ko lang napagtanto na na-stuck na pala ang kamay no'ng orasan sa number three. Great, I have to change its battery na pala. Was I out for a long time that I wasn't able to notice?

It's not like I'm too busy ─ although tama rin naman sabihin na oo. My schedule varies on a monthly basis. There are times that I have long flight schedules and then may time na chill-chill lang. What I like with this work, exhausting as it can be, ay sulit naman iyon dahil mahahaba ang offs na nakukuha ko.

"Paris Avegail Sebastian!" Nag-uunat ako nang bastang tinawag na lang niya ako sa buo kong pangalan. Hindi ko mapigilang mapangiwi sa taas ng boses nito. "Nakikinig ka ba?"

"Oo naman." Bumangon na ako. Kinuha ko yung headset, inilagay iyon sa magkabilang tainga ko bago ito i-connect sa phone. Nagligpit ako ng higaan. "Himala 'to, ah. May gala tayo."

"Sus. Naggagala naman tayo, ah? Hindi nga lang madalas."

"Kung sabagay."

Naisip ko na rin naman kung bakit. Nagc-clash kasi yung mga schedule namin ─ I mean, nila, since ako na ang may pinakamaluwag na schedule kung tutuusin and si Jean dahil sa bahay lang ito. Timing lang talaga kapag nagsama-sama kami ─ minsan madalas magkita although hindi laging kumpleto, minsan naman akala mo sobrang busy sa buhay sa dalang. Fixed naman ang day off ng karamihan which is weekend, pero madalas kasi sa amin, kung hindi mga comatose kakatulog ay puro may mga prior na lakad naman.

"Sinong kasama?"

I shook my head para naman magising yung diwa ko. Nag-unat ulit ako ng katawan, waking up my limbs and muscles ─ may tumunog pang buto sa akin. Wala pa yatang limang oras ang tulog ko. Napahikab ako habang naglalakad papuntang banyo.

"Nai-text ko nang lahat. Nag-reply na sina Apple, Yuka, at Jade para i-confirm na sasama sila. Reply na lang ni North yung hinihintay ko."

Bigla akong natigilan nang marinig ko yung pangalan niya. North ─ ngayon na lang ulit may nagbanggit ng pangalan na iyon. Hindi ko alam, pero, automatic na yata yung biglang pagbilis ng tibok ng puso ko sa tuwing naiisip ko siya. I suddenly felt this feeling of my heart clenching in longing. Kamusta na kaya siya? "Tingin mo makakasama siya?"

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon