Chapter 1

15.2K 754 89
                                    

THIS IS THE FOURTH BOOK OF THE HANSEN SISTERS SERIES

Date started: July 15, 2017

Date completed: March 21, 2022

Note: All books for Hansen Sisters Series is already completed and can be read by chronological order as stated on the title, story description, and the first chapter part.

***

Napabalikwas ako sa higaan. Iminulat ko ang mata at napabuntong-hininga na lang dahil kahit anong gawin ko ay talaga namang ayaw dumalaw sa akin ng antok. 'Nak ng...

Siguro mukha akong napapraning ngayon dahil mukha ni North ang nakikita ko imbes na yung kisame na mukhang madilim na langit dahil sa nagkikislapang mga bituin. Pero hindi sila stars kung hindi mga dots na glow in the dark na pinasadya kong ilagay dahil mahilig talaga akong mag-stargazing noon.

Nakakalungkot lang na hindi na ako nakakakita ng maraming stars sa langit katulad noong bata pa ako. Pero ganoon talaga, lahat nagbabago. Ako kaya, kailan kaya hindi magiging torpe?

I fished out my phone underneath my pillow. I tapped for a few seconds at napatulala na lang sa magandang imahe ni North na naka-save sa gallery ko.

Napangiti na lang ako nang maalala yung pagkikita naming magkakabarkada. Mabuti na lang talaga kasama ako or else baka hanggang ngayon, e, deprived pa rin ako sa presence niya. Minsan lang yung ganoong chance kaya tine-treasure ko talaga 'yon. Napangiti na lang ako habang hinahaplos yung screen ng phone ko. Ini-imagine na ang pisngi ni North ang nahahawakan ko. "North Hansen..."

Gusto na kitang makita ulit. Gustung-gusto. Pero paano? Noong nakita kita no'ng araw na iyon, hindi na naman ako matahimik. Nalimutan ko na naman kung paano makuntento na makita ka lang sa gallery ko. I groaned out of frustration. Ang hirap ma-in love!

Sa huli ay nag-decide akong tuluyan nang bumangon at naglaro na lang ng games. Mapupuyat na naman ako, that's for sure.

--

Nagising akong nasa sahig na. Naka-off naman yung mga ginamit ko sa paglalaro pero hindi ko pa binabalik sa lagyanan kasi kahit ako, tinamad nang bumalik sa kama at talagang sa sahig na nakatulog.

Napakunot ako ng noo at nag-unat. Napangiwi ako. "Shit. Ang sakit ng katawan ko."

Gail, sige, matulog ka pa ulit sa sahig, ha? Hindi ka na nadala.

Nanlalatang bumangon ako para mag-ayos na. Wala naman akong trabaho ngayon. At parang ayoko na ring maging flight attendant. Eh, kung mag-resign na lang kaya ako? May iba pa naman akong pinagkakakitaan. Natampal ko yung noo ko. "Ba't ba kasi ako kumuha ng trabahong kayang ilayo yung sarili ko sa kanya."

Gail, Gail, Gail. Tapos ngayon miss mo na siya, 'di ba?

Nababaliw na yata ako. Napapadalas na yung pakikipag-usap ko sa sarili ko. Ilang taon ba naman kasi akong solo lang na nakatira rito. When it comes to North, I'm always a mess. Kahit ano yatang gawin ko, siya at siya pa rin.

Nang makapagbihis na ay dali-dali na akong umalis ng bahay. Maaga pa naman at hindi pa masakit sa balat ang init ng araw. Magj-jogging na lang ako at baka sakali ay magkawisyo na ako. I'm not getting any younger.

Isinuot ko na ang headset sa tainga ko. Magp-play na sana ako ng music nang lumitaw sa screen ng phone ko ang isang tawag. Napabuntong hininga na lang ako. "Jea ─"

"Hoy!"

"Ikaw, Jean." Napangiwi ako sa lakas ng boses niya. Nagsimula na akong maglakad. "Ang aga-aga, naka-microphone ka na naman."

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon