Kabanata 13

3.8K 127 3
                                    

Grandchild

"Oh, Aya, saan ka nanggaling?" Ani Manang Zana habang tinutupi nito ang mga damit ko at inilalagay sa loob ng malaking aparador.

Maganda at maayos ang kwarto na ibinigay sa'kin ni Tita Mariella. Pu-pwede nga na iisa nalang kami ni Manang Zana ng kwarto dahil malaki naman ito.

The bed is big na kakasya ang dalawang tao. May side table sa gilid at lamp. Sa harapan ay may tukador at isang kahoy na cabinet din na paglalagyan ng mga gamit. May isang maliit na aircon din. At may sariling bathroom sa loob ng kwarto.

"Uhh, nag pahangin lang po." Sagot ko at tumabi sa kanya. "Ako na po ang magtutupi nito Manang."

"Ayos lang hija, ako na. Ayos ka lang ba? Pasensya ka na kung napilitan kang lumipat tayo dito. Natatakot lang ako sa mga posibilidad."

"Ayos lang Manang. Importante din po sa'kin ang kaligtasan natin dalawa." Sagot ko at kinuha ang isang damit saka ito itinupi. "Paano niyo po pala napapayag sina Tita Mariella at Tito Heu, Manang?"

Napagkasunduan namin ni Manang na tumira dito at napagkasunduan namin na ilihim parin dapat sa kanila ang totoo sa pagkatao ko at maging sa kalagayan namin. Kilala naming nasa politika ang mga Amante kaya maaaring madali lang din nilang matunugan sina Mayor Sandoval. It's too risky for us to tell our secret now lalo na't sinabi na din ni Manang Zana na baka may pagbabago na sa mga Amante.

"Sinabi ko lang sa kanila na kung pwede akong mamasukan uli sa kanila panandalian para may pagka-abalahan uli ako. Pero tumanggi si Mariella dahil matanda na raw ako. At kaysa magmukmok lang ako sa bahay e buti na dito nalang daw tayo kasi maraming tao." Ani Manang Zana na naka ngiti.

"Nakakahiya naman po sa kanila Manang kung walang kapalit silang hihingin sa'tin sa libre nating pagtira dito. Pwede po ba, ako nalang po ang mag volunteer na pumasok bilang katulong Manang?" Sabi ko.

Humalakhak si Manang Zana na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. "Baka mas lalo lang tayong mabuking hija kung magpapanggap kang katulong. Wala kang alam sa mga gawaing bagay. Tsaka gusto nilang ituring tayong dalawa na parang pamilya nila."

"Pero Manang, ayaw ko pong maging pabigat tayo sa kanila ng walang kapalit. Matututo naman po ako e." Giit ko.

Hinawakan ni Manang Zana ang kamay ko at pinaharap ako sa kanya. "Hindi mauubosan ng yaman ang mga Amante hija kaya kahit pa mag ampon sila ng marami dito ay kaya nila. Tsaka panandalian lang naman tayo. Hanggang matapos lang ni Amando ang problema."

Bumuntong-hininga naman ako. "Sigurado ka po bang hindi niyo sinabi sa kanila ang totoo, Manang?"

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Alam ko kung nagsisinungaling siya o hindi. Sa isang taon ko sa kurso ko ay natutu akong mag obserba sa kilos ng mga tao. Ewan ko lang kung bakit pagdating kay Heros ay naba-blanko ako.

"Hija, mag tiwala ka lang sa mga Amante. Mabait sila kaya nila tayo pinatira dito. Alam kung katulad ka ng lolo mo na walang tiwala sa mga taong involve sa politika. Pero ibahin mo sila. Maging ako'y napatunayan ko ngayon na hindi pala sila nag bago." Aniya.

Tumango nalang ako at hindi na dinugtungan ang aking pagdududa. Pakiramdam ko rin naman na mabait talaga sila. Maging si Hellina nga ay kahit anak mayaman, hindi mo mababakasan ng pagiging maarte liban doon sa kapatid ng asawa nito na medyo masungit at maarte.

Pagkatapos naming magtupi ay lumabas na kami ni Manang. Kahit sinabi pa ni Manang Zana na ayos lang tumira kami dito na para narin kaming kasama sa pamilya nila ay ayaw ko parin iyong hindi ako tumutulong. Kaya naisipan kong pumunta sa kusina at baka may maitulong ako sa mga kasambahay.

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon