Kabanata 19

3.5K 110 6
                                    

Safe

"H-huh?" Nauutal kong sagot.

"Nakikita kong palagi kayong magkasama. Are you his girlfriend?" Naka taas kilay nitong tanong.

Umiling ako. "Magkaibigan lang kami." Though I want to say that we are more than just friends, hindi pa ako ready na malaman ito ng kung sino. Marami pa akong kinahaharap ngayon at ayaw kong dagdagan ang problema ni lolo.

"Sabi ko na Pia, e. She can't be his girlfriend. Ang bata niya pa." Anang kulot ang buhok.

Ngumiti si Pia pero hindi ko alam kung natutuwang ngiti iyon o nayayamot. Deretso ang tingin niya sa'king mga mata at ramdam kong pilit lang ang palakaibigan niyang ngiti sa'kin. I have a feeling that she's one of Heros past girlfriend or past relationship base on the bitterness of her tone.

Nakaramdam man ako ng pagkulo ng dugo but I remained to be calm. Ayaw ko ng magpadalos-dalos katulad kanina. Gusto kong panindigan ang tiwala ko kay Heros. He has given me enough assurance. I know that at napatunayan ko iyon kanina. He told me that I shouldn't listen to what other people say against him. If I am doubtful, he told me that I should ask him first before concluding.

"If you're not his girlfriend then bakit lagi kayong magkasama?" Tanong nong isang babaeng may magandang mapuputi at pantay na ngipin.

"He's just touring me around." Agap kong sagot.

"Tour guide na pala ngayon si Heros?" Natatawang sabi no'ng kulot.

Iritableng tiningnan siya ni Pia bago humarap uli si Pia sa'kin. "Anong base na kayo?"

"Excuse me?" Napakunot ang noo ko. Natahimik naman iyong babaeng kulot na tumatawa at napa-pormal sa pag upo iyong isa.

"It's impossible na tour guide mo lang siya. Anong base na ang narating niyo?" Taas kilay na tanong ni Pia.

Naikuyom ko ang palad ko sa tanong niya. She's so rude, bitchy and disrespectful.

"Pia..." Maang na sabi no'ng kulot na babae.

"I'm sure may halong malisya ang pagkakaibigan niyo. I've been there, oh I mean, we've been there." Aniya at ngumisi.

"I don't know what you are talking about." Sabi ko at nag handa ng tumayo ng pigilan ako no'ng kulot ang buhok.

"Not so fast, kid." Anito.

Napugto na talaga ang kaonting pasensya ko. Kid? Do I look like a kid?

"Get your hands off me." Banta ko pero mas ngumisi lang ang tatlo.

"Lumayo ka kay Heros kung ayaw mo lang masaktan, bata! You're too young for him. Hindi ka pa nga siguro nakapagtapos ng pag-aaral e lumalandi ka na sa mas matanda sayo." Ani Pia.

I greeted my teeth and breath calmly. "Are you jealous of me, Pia?" I confidently said at pinagtaasan ko narin siya ng kilay.

Nag tiim bagang siya't kumunot ang kanyang noo. Her chest is pounding like she's been trying to compose herself properly pero masyadong malaki ang galit niya sa'kin para magawa iyon.

"Why would I be jealous? I'm sure, past time ka lang ni Heros." Aniya saka inirapan ako.

"Past time?" Tumaas ang sulok ng labi ko. "We enjoyed the moments when we're together kaya pwedeng masabing libangan nga naming dalawa ang pamamasyal namin. But..." I trailed off. Nag tagis lalo ang bagang niya't ang maputi at makinis niyang balat ay ngayo'y namumula na sa galit. "I don't think so na hanggang past time niya lang ako."

Pagak na tumawa iyong kulot na babae. "Oh? Nagmamalaki ka kid. Bakit, anong ipinangako sayo ni Heros? Na ikaw lang ang babaeng iibigin niya? Na mahalaga ka sa kanya? Na special ka sa kanya?"

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon