Kabanata 4

82.4K 3.8K 1.6K
                                    

Kiss away the pain



Maaga akong gumising kinabukasan. Today, I will officially start a whole new chapter of my life. I couldn't afford to make any mistake.

Malaki ang ngiti ko habang nakatitig sa salamin. The fitted dark slacks and polo top that perfectly hugged my body is our uniform for this morning, habang pencil-cut terno naman para sa clubhouse mamaya. Ewan ko ba, pero tingin ko ay bagay na bagay sa akin ang uniporme.

Feel na feel ko lang talaga siguro dahil first time ko magsuot ng ibang damit bukod sa kadalasang pambahay.

"Wow, excited na excited talaga! Ang aga,ah," natatawang sabi ni Rafa na kalalabas lang sa CR. Lumingon ako sa kanya at natawa na rin. Masaya rin ako dahil siya ang roommate ko sa dorm. Hindi siya mahirap pakisamahan.

Kalaunan ay nagtungo na kami sa hotel. Halos walking distance lang ang dormitories mula roon kaya hindi nagtagal ay nakarating na rin kami.

Masaya akong naglalakad habang binabaybay namin ang lobby nang maramdaman ang magaang kamay sa braso ko.

"Miss," ani ng baritonong tinig.

Napatigil kami ni Rafa at nilingon ang isang morenong lalaki na naka-uniporme rin tulad namin. Nakalahad ang kamay niya at nakapatong doon ang ID ko na kakukuha lang kanina, dinaanan namin ni Rafa sa office.

"Nalaglag," aniya nang marahil ay makita ang gulat at pagtataka ko kung paano napunta sa kanya iyon.

"A-Ah, salamat," wika ko sakadali-daling ikinabit iyon sa ID lace ko.

"Mali," muling sabing lalaki. Nagulat ako nang siya na mismo ang nagkabit nang maayos noon.

Seryoso lang ang ekspresyon niya at hindi nagbabago. Hindi siya ngumingiti pero nakikita ko ang sumisilip na dimple sa kanang pisngi niya.

Nang matapos ay tiningnan niya lang ulit ako saglit sa mga mata at walang sabi-sabing tumalikod.

Blangko lang ang ekspresyon niya at ni hindi kumurba ang mga labi. May galit ba sa 'kin 'yon? Naalala ko tuloy si Papa sa kanya. Saglit ko pa siyang sinundan ng tingin at napabuntong-hininga dahil sa iniisip.

"Suplado talaga no'n," narinig kong bulong ni Rafa at napalingon ako sa kanya. "Tara na?" dagdag niya agad.

Tumango ako at hindi na rin nagkomento pa.

Nang makita ang iba pang empleyado ay natuwa akong tingnan ang pare-pareho naming mga damit. Lahat kami ay pinahilera nang magkakatapat habang pabalik-balik ang lakad ni Mrs. Paz sa gitna naming lahat at marami itong paalala.

Napagtanto kong siguro ay pare-pareho lang ang sinasabi ni Mrs. Paz sa bawat araw nang mapansing hindi na masyadong nakikinig ang iba.Naging alerto lang ang lahat nang ibigay ang room assignment ng bawat isa.

"Ikaw, Nari, sa last floor ka ngayon. 'Yong pinakadulong opisinang makikita mo ro'n," sabi niya pagdating sa 'kin. Tumango naman ako agad.

"'Di ba, si Mang Larry naman ang laging pinaglilinis do'n sa opisina ni Sir, Ma'am?" biglang sabat ng nasa kabilang gilid ko.

Saka ko lang na-realize na iyon pala 'yong silid kung saan ko nakita iyong si Sir Colton kahapon. Pinilig ko ang ulo nang maramdaman ang pagtaas ng balahibo sa batok.

"Oo eh, pero basta ganito ang order ngayon," pagwawala ni Mrs. Paz sa usapan saka ipinalakpak ang mga palad bilang signal na kailangan na naming magsimula.

Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon