Opposite 29: She's sick.

68 10 0
                                    

Aux's POV

Anong nangyari kay Xienna? Hindi bagay magka-sakit sa kan'ya. Mas okay pa kung mag-taray at tumingin ng masama kesa sa ganito. Ang tamlay at ang hina n'ya.

Nasa higaan ko s'ya inihiga, at kumuha ako ng planggana na may tubig. At isang bimpo pagkatapos ay pinunasan ang mga pawis n'ya.

Nakita ko namang basang-basa ang damit nito, pumunta ako sa closet ko at kumuha ng isang malaking white T-shirt. Bumalik na ako sa may kama, dahan dahan ko itong ipina-upo at tinanggal ang botones ng uniform nito.

Hindi ako manyak, pero ang ganda ng katawan ng babaeng ito. She's almost perfect, well just for me. She's mine. She's mine at walang sino man ang makaka-agaw sa kan'ya mula sa akin.

Gagawin ko ang lahat para mapa-sa'kin s'ya. I truly love her.

Nahubad ko na ang uniform nito ar hinubad ko na rin ang sando nito, leaving her with bra. Kinuha ko ang isang tuyong bimpo at pinunasan ang mga pawis n'ya.

Sinuot ko na sa kan'ya ang damit na kinuha ko at marahan s'yang ipinahiga. Hindi ko na pinalitan ang pang-ibaba niya, that would be too much. At 'saka naka-palda naman s'ya. So, kinumutan ko na lamang ito para hindi lamigin. Hininaan ko naman ang aircon.

Idinapo ko ang kamay ko sa noo n'ya, nakahinga ako ng maluwag ng matantong bumaba naman ang temperatura ng katawan n'ya.

Simula pa kanina, kanina ng matapos ang laban nila ni Shendy. Nakita kong parang may kakaiba sa kaniya.

Pero ipinasawalang bahala ko na lamang dahil baka nawala lang ito sa mood at sobrang tamlay at tahimik.

Noong sinabi n'yang hindi s'ya pupunta sa basketball play, doon ako kinutuban kung bakit naman. Hindi lagi rason ang katamaran n'ya. Sa kahit na sandaling mga araw o linggo palang kaming nag-kakakilala, nakikita ko ang akto nito kapag kaibigan na ang pinag-uusapan.

Kasama sa laro ang mga kaibigan n'ya at imposibleng hindi s'ya a-attend dahil sa ayaw n'ya o tinatamad siya.

Habang inaasar ko s'ya, iba ang akto nito. Noong itinaas n'ya ang middle finger n'ya sa akin, nangunot ang noo ko dahil ayaw ko sa akto na 'yon at isa pa first time kong makitang gumanon s'ya. Kaya hinawakan ko ang kamay nito, upang maalis 'yon at naramdaman ko ang panlalamig ng kamay nito.

Kung ano anong ginagawa nito upang tanggalin ang kamay n'ya, pero 'di ko iyon binitawan. I want to keep her warm.

Kung pwede lang na yakapin ko s'ya do'n, pero alam ko namang mabubugbug ako. Kaya naman ay hinawakan ko na lamang ang kamay nito kesa mabugbug ako, magsasayang pa s'ya ng lakas ganoong nanghihina s'ya.

Inayos ko ang kumot n'ya at tumungo sa kusina upang mag-luto ng lugaw. She needs to eat some para maka-inom ng gamot.

I remember how she took care of me before and there's me being hilarious ng sukahan ko s'ya. That was epic and embarassing moment of mine. Shit, Hahaha.

Nang matapos ako ay inihanda ko na ito sa isang mangkok na may kutsara, tubig at gamot sa isang tray.

Nagtungo na muli ako sa kwarto at inilapag sa gilid na lamesa ang pagkain.

Umupo ako sa tabi ng kama. "My lady? Nagluto ako, kumain ka muna." bahagya ko pa itong niyugyog upang magising.

Pero sa kasamaang palad ay hinigit ako nito pahiga at niyakap. Nanigas ako sa pwesto ko at gulat ang ekspresyon, "C-c-cold."

Sa sinabi nito, ako na mismo ang lumapit pa at niyakap ito upang bigyan s'ya ng kaunting init. "T-too c-cold."

Aba, iba din ang lady ko. 'Don't be shy, hug some more'?

Joke lang, kita ko naman talagang nilalamig ito at pinagpapawisan din. Pero sigurado naman akong tulog ito.

Bumitaw ako sa yakap at tinanggal ko ang damit ko, half naked na ako. Saka ko ulit s'ya niyakap at inayos ang kumot. Makakatulong ito para maibsan ang lamig na nadarama n'ya.

Ngumiti ako at kinantahan ko na lamang ito upang mas lalo pang umayos ang tulog n'ya at maging komportable sa bisig ko.

(Winter Bear by V)

Habang kumakanta ako ay may naaalala ako at napapangiti. Naaalala ko si Dem, my childhood friend. Kamusta na kaya s'ya?

Napapangiti na lamang ako, the wierd thing is I feel Dem's presence kay Xienna. It makes me comfortable more than I really am.

Hinahaplos ko ang buhok nito at itinuloy lang ang pag-awit.

I know my voice, It's deep and soulful. Hindi sa nagmamayabang, but I have this unique voice. And when I'm starting singing, I swear I can make you feel what the song is really mean.

You sleep so happily
I wish you good night, good night, good night
Good night, good night~

Xienna's POV

Nilalamig ako.

May nakapa ako at hinigit ko iyon, wala akong paki kung ano iyon o kung sino man iyon.

Niyakap ko ito at nabigyan ako ng kaunting init pero nilalamig pa din ako.

Naramdaman ko namang bumitaw ito at bahagya pa kong kumapaka upang hanapin ito. Nilalamig talaga ako.

Maya-maya pa ay may kusa ng yumakap sa akin, and it feels more hotter that before. Warmer to be exact. Lumapit pa ako dito.

When I felt satisfied, natahimik ako at nakapikit lang. 'di ko magawang mag-mulat dahil hinang-hina ako at pag ganito, wala akong naiisip na matino. Basta kung anong kailangan ko. Makukuha ko dapat. My needs is always come first.

Just like how I need warm because I feel super duper cold.

Natigilan ako ng may maramdaman akong marahang humahaplos sa buhok ko at ang isang boses na kay lalim at ang sarap pakinggan.

Unti-unti akong nag-mulat ng mata ko at natigilan ng nasa harap ko ang isang matipunong dibdib. At 'saka lamang ako natauhan na si Aux dito, base sa boses at presensya.

Pero 'di ako gumawa ng kung anong bagay na mag-papatigil sa kan'ya sa pag-kanta. I want to hear his voice, It's making me calm and feel secure.

His voice is embracing me, my soul and my heart. His voice, I love it.

Nang matapos ang kanta nito ay bahagya akong lumayo ng hindi napuputol ang yakap dahil tiyak na lalamigin na naman ako. Lumayo ako at nakipag-titigan sa mga mata n'ya.

His eyes, nose and lips. His face is so damn perfect. Alam kong may sakit ako, kaya siguro ganito ang inaakto ko. Pero sa totoo lang, sobrang gwapo n'ya. I've never seen anyone having a perfect figure of face like this. Plus the fact na perfect body figure din. Matipunong dibdib at six-pack abs. Kakisigan ang dating.

Mabait ito at talagang masasabi mong almost perfect na s'ya. Talented and skillfull human being.

Pero.

Dahan dahang lumalapit ang mukha n'ya habang ako ay naka-titig pa rin sa kan'ya.

Pero, bakit s'ya pa? Bakit s'ya pa ang 'Opposite' ko?

Damn why?

OPPOSITE: We Are EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon