Chapter 47 -- A Mealymouthed Felicity

71 0 3
                                    



Chapter 47 — A MEALYMOUTHED FELICITY


"Ryle? Ano'ng ginagawa mo dito?" Takang tanong ni Helaena kay Ryle nang madatnan niya ito sa kanilang sala kasama ang Nanay niya na mukhang masayang nag ku-kwentuhan.



"Hi." Bati naman ni Ryle.



"Anak? Sa'n kaba nagpupunta kagabi at ngayon ka lang umuwi?" Sabay lapit kay Helaena.



"Ma, mamaya ko nalang iku-kwento sa inyo, okay?"



"Ano'ng okay? Alam mo bang pinag alala mo kami ng Tatay mo?"



"Ma, nakakahiya sa bisita." Pabulong na sabi nito sa kanyang Ina. "Sige na, Ma, do'n kana muna sa kusina at alam kong madami kapang ginagawa."



"Hindi mo ba'ko ipapakilala diyan sa bisita mo?"




"Nag ku-kuwentuhan na kayo pagdating ko. Hindi paba kayo nagkakakilala no'n? Ma, knowing you, malamang na i-kuwento mo na ang buong buhay ko kay Ryle kahit saglit palang kayo nagkikita."
Pilosopong sabi nito.



Isang hampas na naman sa balikat ang natamo ni Helaena sa kanyang Mama.



"Ma? Masakit. Nakakahiya kay Ryle."



Natatawa tuloy itong si Ryle habang pinapanood ang Mag-Ina.



"Ryle? Ganyan ba ang tamang pag tawag mo sa boss mo?"



"Uhm.. its okay, Tita. We're outside of work and besides, we're friends."



"Sige na, Ma, pumunta kana sa kusina at alam kong maghahanda kapa ng pagkain, diba?" Tsaka niya ito sinama sa direksyon ng kusina at hindi tumigil hangga't hindi ito nakapasok sa loob.



"Sorry for that." Paumanhin ni Helaena pagbalik sa sala. "Makulit lang kasi si Mama. Anyway, bakit ka nandito?"



"I was worried last night. Iba ang sumagot sa phone mo."



"Uhm.. ah.."



Tinignan ni Ryle si Helaena mula ulo hanggang paa. "You're still wearing your uniform."



"Uhm... ah.. I—I was trapped in the rain with.. uhm.. with my.. my friend."



"A guy friend?" Pa tango-tango si Ryle habang iniisip kung sino nga ba itong lalakeng kasama ni Helaena kagabi.



"Uhm.. yeah. Gusto mo dito kana mag breakfast?" Pag iiba ni Helaena sa pinag uusapan nila. "Masarap magluto si Mama. And I won't accept a no for an answer." She grin.



Pagkatapos nilang mag breakfast ay nag pasya silang maglakad lakad muna sa park malapit sa bahay nila.



"Kung hindi natin tinakasan si Mama kanina, malamang hanggang mamaya kapa nando'n. Ang daming kwento ni Mama. Halos lahat naman mga nakakahiyang kwento tungkol sa'kin ang sinabi niya. Tss! Si Mama talaga. Minsan iniisip ko kung tunay ba talaga nila akong anak o ampon lang." Pagmamaktol nito.




"Ngayon alam ko na kung kanino ka nagmana ng kadaldalan mo." Natatawang sabi ni Ryle. "Ang saya niyo ngang tignan eh. Talagang malapit kayo ng Mama mo."



"Sa sobrang malapit namin, minsan nakakainis na. Kung sisihin niya kasi ako sa mga katangahan ko sa buhay akala mo hindi ako pwedeng magkamali. Pero in the end syempre, may pangaral naman siyang sinasabi sa'kin. Mauuna nga lang muna ang sermon at hampas sa braso ko. But don't get me wrong, ha? Hindi ako inaabuso ni Mama physically, gano'n lang talaga siya. Naiintindihan ko naman. Kasi alam ko naman sa sarili ko na may mali ako."



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon