Chapter 61

17.2K 811 285
                                    



Zaparta's POV

"Magkasama na naman kayong tatlo." napatingin kami nila Astris kay Harriet. Kinuha ni Kanao ang kamay ni Harriet at hinila palapit sa kanya. Napaupo tuloy si Harriet sa hita ni Kanao.

"Pambihira talaga oh." sabi ko na lang.

"Nagtatampo na si Tury sayo." sabi ni Harriet kay Kanao. Napabuntong hininga si Kanao.

"Minsan ko lang naman makita ang dalawang ito." sagot ni Kanao.

"Sinabi ko rin yan sa kanya pero talagang nagtatampo sya sayo dahil ganitong ganito rin ang ginawa mo nung training natin dito." sabi ni Harriet. Tinignan namin ni Astris si Kanao.

"Fine. Maya na lang ulit." sabi ni Kanao. Napatango na lang ako nung umalis sila ni Harriet.

"Hirap talaga na may ganong kaibigan 'no?" sabi ko.

"Hindi ba ganyan si Marceline sayo?" tanong ni Astris. Umiling ako.

"Mas nauna pa nga 'yon kalimutan ako eh." sabi ko. "Oo nga pala, wala si Chariz?" tanong ko. Ngayon ko lang sya natanong dahil ngayon ko lang sya nakasama. Sila Marceline ang kasama ko kahapon.

"May sakit ang magulang nya kaya hindi sya nakasama." sagot nya. Sayang naman, minsan lang kami magkikita kita. "Si Lulu." tumingin ako sa kanya na nagtataka. "Magaling sya maglaro, bakit hindi ninyo sya madalas ilabas?" tanong nya.

"Hindi ko rin alam sa mga coach namin. Alam kong magaling talaga si Lulu pero hindi ko aakalain na kaya ka nyang pigilan. Nahihirapan ako sayo pero si Lulu..." napakagaling lang talaga ni Lulu. Halatang mana kay Mama Japan.

"Para syang tinatago ng Dragon Empire." sabi nya. Napaisip naman ako sa sinabi nya. Kung totoo man 'yon, may posibilidad na kaya akong talunin ni Lulu.

"Hello." napatingin kaming dalawa ni Astris sa bagong dating.

"Hi." bati ko. Pinapakiramdaman ko naman si Astris sa tabi ko.

"Hiramin ko lang si Astris." sabi ni Dru. Gulat man ay hindi ko pinahalata sa kanila. Tinignan ko si Astris at napataas ang kilay ko dahil hindi nakatingin si Astris kay Dru. Feeling ko rin ay hindi sasama si Astris kay Dru kaya naman...

"Una na ako." nakangiting sabi ko kay Dru. Tinignan ko ulit si Astris bago ako umalis

Ano kaya nangyari sa taong 'yon? kung kailan sya na nilalapitan ni Dru tsaka naman sya nagkakaganon.

Naglakad ako papunta sa pool para tignan ang mga naliligo pero nakita ko si Kriza na naglalakad papasok sa gubat. Napatingin naman ako sa paligid kung may nakakita ba kay Kriza pero mukhang wala. Nagdadalawang isip ako kung pupuntahan ko ba si Kriza. Hindi naman sya mapapahamak dito dahil sa kanila din ito at tsaka siguradong hindi ako papansinin non.

"Hey, Zap." napatingin ako sa tumawag sakin. Napangiti ako.

"Tita Ashley." bati ko sa kanya. Lumapit sya sakin habang nakatanaw sa daan kung saan pumunta si Kriza.

"Nakita mo ba si Dite?" tanong nito at tumingin sakin. Nagtataka naman ako kung bakit nya hinahanap si Dite. Umiling ako.

"Hindi po eh." sagot ko.

"Ganon ba? talagang iniiwasan ako ng batang 'yon." sabi nya habang lumilinga sa paligid.

"Bakit naman po?" tanong ko. Hindi ko matandaan na naging close si Dite kay Tita Ashley para iwasan nya ito.

"Secret lang ito pero sakin humihingi ng tulong si Dite mag-practice ng basketball." sabi nya na pabulong. Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat.

"Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ko. Ngumisi na proud naman si Tita Ashley. Alam kasi ng lahat na hindi humihingi ng tulong si Dite miski sa mga magulang nya kaya nakakagulat na humingi ng tulong si Dite sa kanya.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now