Opposite 30: I'm Fine.

69 9 0
                                    

Ghionna's POV

Sinusundan ko lamang ng tingin ang dalawa hanggang sa tuluyang maka-labas ng court.

Ngayon ko lamang nakita si Xienna na ganoon, na may sakit. Sa tatlong buwan na kasama ko s'ya? Never.

Akala ko nga hindi ito tao, kasi kahit ilang sugat, kahit gaano kalalim, kahit gaano kasakit kung tignan. Wala, wala itong reaksyon. Para bang ang manhid na nito. Isang batong malamig.

Pero ng gawin ang misyong ito? Nagbago unti-unti ang akto n'ya, lumalayo sa dating Xienna na unang nakilala ko.

Isang matandang lalaki ang nag-hayag noon sa amin, na may kailangan kaming bantayan. Limang lalaki na nanganganib ang buhay.

Ramdam kong kilala ito ni Xienna, ang bahagyang pag-ngisi nito at ang pangunguna sa pagsang-ayon sa aming lahat.

She's too excited and I can't figure out why.

"Ghionna!" Lumingon naman ako sa pinanggalingan ng boses.

Naka-tingin at tila nag-tatanong silang lahat tungkol sa dalawang taong lumabas dito.

Tinignan ko naman ang laban nila, tapos na ito at sila ang nanalo. Good job, mga Itim.

Sumenyas ako na pupunta ako do'n. Tumayo na ako at nag-simula ng mag-tungo sa baba.

"What happened?" pamungad ni Wage. Bastos na bata. Hindi pa nga ako tuluyang nakaka-lapit o maka-upo man lang, sila kasi naka-upo na at nag-pupunas na ng pawis. Hmp.

"Oo nga? At bakit buhat ni Aux si Xienna?" -Khyler.

"Is she's okay?" -Raze.

"Isa-isa lang, mahina anv kalaban. Mga dude." at sinamahan ko ng hand gestures, para wow!

"Mahina, eh ang lakas mo nga manapak. Pati 'yang bibig mo walang tigil sa pag-talak." Diego.

"Tumpak mo, bro!" -Wage.

"Hmp!"

"Tama na 'yan. Imbes na nalalaman na natin, pinapatagal n'yo pa." Kuya Serge.

"So tell us." Frethz.

"She's pretty sick. Ang taas ng lagnat n'ya. Napaso nga ako eh. Tapos noong sinabihan s'yang dadalhin sa Hospital ay agad na umiling s'ya. Pagka-tapos no'n ay nanghina si Xienna at binuhat na ito ni Aux. Sabi n'ya ako na daw mag-paliwanag sa inyo at dadalhin n'ya na lang daw sa unit n'ya. S'ya na daw ang bahalang mag-alaga." lintaya ko sa kanila.

"She's what?" lumingon naman ako sa likod ko, "Oh, ikaw pala Eduard. She's sick. Huwag ka ng mag-aalala kami na ang bahala sa kan'ya."

Naka-ngiti ako sa kan'ya pero nagulat na lamang ako ng bigla itong tumalikod at tumakbo. Aba, dinedma ang beauty feslak ko!

Naka-nguso naman akong humarap sa mga gago, " Kung binibilisan n'yo ng kumilos at ng maka-punta na tayo doon."

Nakita ko namang napa-irap sila. Aba, take note sabay-sabay pa.

Ako 'ata ang magandang si Ghionna, 'di ako papatalo. Umirap din ako, 'yong 360°. At dumiretso sa upuan.

Narinig ko ang mga pigil tawa, kaya naman ay masama akong tumingin doon. "Anong nakakatawa?"

Nakita ko namang umiling lang si Wage bago sila mag-tungo sa kung saan man at mag-bihis na.

Maingay dito at puro pangalan nila ang sinisigaw. Lakas pa nga ng mga sigaw kay Wage eh, sarap tahiin ng mga bibig. Mga malalandi, maiitim naman ang budhi.

Nandito na kami at pinipindot na ni Wage ang passcode sa unit ni Aux. And tadaaa! Naka-pasok din sa wakas.

Parang kay Xienna lang kung mag-disensyo ng kulay. Puro dark colors, mga itim. Hella! Wala ba silang kakulay-kulay sa mga buhay nila?

Makapag-volunteer na nga lang na maging kulay sa kanila, kawawa naman eh. Madami akong kulay kaso nadadagdagan na ng Itim, bwisit kasi. Ewan ko. Si Wage. Hmp!

"Saan ang kwarto ni Aux?"

"Sumunod ka na lang." Wage. Ang sungit 'kala mo naman gwapo.

Nakarating na nga kami at ang laki talaga ng unit n'ya. Halatang mayayaman.

Mahirap lamang ako, simula dati pa hanggang sa maka-pasok ako sa ahensya at unti-unting nakaka-ipon at lumago.

I envy them. Pero hindi naman sa ikinakaila ko ang naging buhay ko. Tanggap ko kung sino at kung anong antas ko. Ito ang ibinigay sa akin. At kaya ito 'yon dahil nagtitiwala ang panginoon sa akin na kaya kong mabuhay na may ganitong kahirapan.

Pagsubok? Sige lang. Malalagpasan ko 'yan. Ako si Ghionna Lipi, ang isang matapang na babae. Kaya ko hanggang kaya ko. Hindi ako susuko dahil ayokong maging talo.

Minsan nga, kung sino pa ang nabigyan ng kayamanan. Sila pa ang nakulangan sa aruga.

Lahat ng tao ay may kwento. Lahat naman tayo ay may pagsubok na hinaharap. Hindi basehan ang antas mo sa buhay at kung ano ang ibinigay ng panginoon sa iyo. Nakabase ito sa katapangan at kakayahan mo upang malagpasan at makaraos ka sa lahat ng pagsubok na haharapin mo.

Dahan-dahan naming pinihit ang doorknob, at hindi na kumatok pa. Dahil baka mamaya ay tulog si Xienna at magising pa. HEY NAH NAH NAH! HEY NAH NAH NAH! Kawawa kami dito.

Sumisilip sila sa pintong naka-awang at bahagya pang naka-awang din ang mga bibig nila. Nagtataka ako kaya lumapit at nakisilip din ako--- WHAT THE HECK?!

Nag-hahalikan ang dalawa, Omo! May innocent eyes! Sa sobrang gulat ko no'n ay natulak ko sila at natumba kaming lahat papasok sa loob.

"Bwisit." -Dellio.

"Ghionna!" -Wage.

"Hehehe?" napa-iwas ako ng tingin at napunta kila Aux at Xienna na masama ang tingin sa aming lahat. Nako, nabitin 'ata. Ikaw kasi, tatanga-tanga kasi Ghionna.

I gulped. Patay na.

Xienna's POV

Katahimikan ng bawat sulok ng kwarto. Titigan ang namumuo sa aming mundo. Lumalapit ang mukha nito. Hanggang sa matawid n'ya ang pagitan sa aming mga labi.

Naka-pikit ito kaya't unti-unting napapapikit ang mga mata ko. Dinadama ang init ng labi n'ya.

Isang halik na sobrang marahan at maingat, isang halik na may pagmamahal akong nararamdaman. Isang halik na ipinadama n'ya.

Bahagyang umibabaw sa akin ang kalahati n'yang katawan at naka-kulong ako sa dalawang braso n'ya. Itinaas at isinukbit ko naman ang mga kamay ko sa batok n'ya.

Labi sa labi. Napangiti ako dahil dito. Hindi ko alam kung bakit. Peri pakiramdam ko, dito ang lugar ko. Lugar ko ang mga bisig n'ya.

May lagabog kaming narinig at napa-tigil kami't napalingon sa pinanggalingan nito.

Natagpuan namin ang mga kaibigan namin at sinamaan ng tingin.

Nabitin ako, mga gunggong talaga!

OPPOSITE: We Are EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon