Opposite 31: Hidden Room?

71 8 0
                                    

Xienna's POV

Naka-kunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang paligid. Nasa isang madilim akong lugar.

Ako lang ang tanging tao. Walang ingay ang aking naririnig.

Humakbang ako unti-unti nang biglang may lumabas na salamin sa harapan ko.

Nasuntok ko ito sa sobrang gulat, nabasag ngunit hindi nalaglag. Nakikita ko ang repleksyon ko, Namamaga ang mata. Naka-kuyukom ang kamay. Galit ang ipinupukaw ng tingin.

Anong nangyayari? Bakit ganito ako?

'Sinabi ko na sa iyo, ako ang nabuo pagkatapos ng pagkawasak mo.'

'Anong nawasak? Kailan pa 'ko nawasak?'

'Nawasak na ang dating ikaw. Nahulog ka sa isang malalim na pag-mamahal na s'yang tumaksil sa iyo. Huli na ang lahat upang baguhin ang lahat. Ang puso mo ay natali na at nasasaktan.'

'Anong sinasabi mo?'

'Pagmamahal ang sisira sa'yo. Huli na para mapigilan mo ito.'

'Ano bang ipinapahiwatig mo?!'

'Ang lalaking mina---'

Hinihingal ako. Napa-bigla ako sa pagbangon ko. 'what was that dream?'

Kinuha ko na ang cellphone ko at nirecord ang mga naaalala ko.

Huminga at yumuko ako. Pumikit dahil sa sobrang bigat ng dibdib ko.

Ilang sandali pa at umayos na ako ng upo. Tinignan ko ang oras, 8:30 AM.

Naalala kong may laro pa pala ako, dali-dali akong pumunta sa banyo at naligo na.

Nang matapos ako ay napatigil din. Teka, 'di ko ito unit.

Napalaki ang mata ko, shit.

Na kay Aux pa rin ba ako?

Saan ako kukuha ng damit? Naka-uniform kami kahapon, dahil monday at ngayon kahit civilian na.

Napa-pikit ako ng mariin. Bwisit. Naka-twalya lang ako. At 'saka nasaan ang lalaking 'yon at nasa kwarto n'ya ako?

I shrugged. Bumaba ako para hanapin s'ya at mag-sabi na pupunta na akong unit ko dahil katabi lang naman.

Nakita ko naman s'ya sa may sala na naka-tayo at parang may inaayos.

"Hoy, Aux. Nasa unit mo pa pala ako, wala akong damit so punta akong ---"

"Xienna?" -Naputol ang sinasabi ko ng may tumawag ng pangalan ko. Napa-lingon naman ako at nagulat ng nandito ang buong Tropa.

Nakita ko naman si Ghionna na parang baliw na palipat-lipat ang mata n'ya sa akin pababa. At ang iba naman ay bahagyang lumulunok at naka-titig sa akin.

Nangunot ang noo ko, "Staring is rude, pag-dukutin ko 'yang mga ma--" biglang may yumakap sa akin at pinihin ako patalikod.

"Baliw ka bang babae ka?! Bumaba ka nang naka-twalya lang at nandito ay halos mga lalaki?!" sigaw nito at bahagya kong kinalikot ang tenga ko.

"Aray. 'di ako bingi. Aba malay ko bang nandito ang mga gunggong na 'yan."

"At bakit ka naman naligo?! Mamaya ay mabinat ka for Pete sake, my lady!"

OPPOSITE: We Are EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon