CHAPTER FIVE

2.7K 148 116
                                    

Lucas Guevara

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lucas Guevara

Hindi makagalaw si Lucas sa kinahihigaan niya at nanatili ang tingin sa hindi pamilyar na kisame. Alam ni Lucas na wala siya sa silid niya, pagmulat pa lang niya ng mata niya ay bumungad na sa kaniya ang hindi pamilyar na pakiramdam at silid. The scent of the room is also different, masyado ring malambot ang higaan kung nasaan siya. Ni hindi niya magawang alisin ang tingin niya sa kisame o ibaling ang tingin sa ibang direksyon.

"Nasaan ako?" Iyan ang naitanong niya sa sarili habang nakatulala pa rin sa kisame.

Napangiwi siya nang biglang pumintig ang ulo niya, na tila ba pinupukpok ito ng martilyo. He grunted because of how painful it is, iyon din ang rason kung bakit napatagilid siya habang sapu-sapo ang ulo na patuloy pa rin sa pagpintig.

Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mata. Muli niyang tinanong sa sarili kung ano ang nangyari habang iniinda pa rin ang pananakit ng ulo. Bukod sa mariing nakapikit ang mata niya ay natatakpan din iyon ng kamay niya that's why he didn't noticed that he's not actually the only person who's lying in the queen sized bed.

Muling idinilat ni Lucas ang kaniyang mata at kasabay nito ay ang pagyakap sa kaniya ng lalaki na nakahiga rin sa kama. Sobra ang gulat ni Lucas nang mga oras na 'yon, ngunit mas lalo siyang nagulat nang iangat niya ang tingin sa lalaking yumakap sa kaniya... it's Sebastian.

"Holy shit." Iyan ang unang lumabas sa bibig ni Lucas nang makita na walang suot na pang itaas si Sebastian.

Napanganga siya, nagsimula rin siyang pagpawisan kahit na sobrang lamig sa silid na kinaroroonan nila. Lucas didn't know what to do, he can't even move an inch. Wala siyang ibang nagawa kundi ang mapatulala habang inaalala kung ano ba ang nangyari. Muling sumakit ang ulo niya na naging dahilan para mapasinghap siya ng malakas, iyon din ang naging dahilan para magising ang lalaking nakayakap sa kaniya.

"Gising ka na pala." Sebastian said. Medyo paos ang boses nito dahil nga sa bagong gising pa lang ito.

Muntik na ngang masamid si Lucas sa sarili niyang laway nang marinig ang boses nito. Aaminin niya, when he heard Sebastian's husky voice, halos kumawala sa dibdib niya ang puso.

Palihim na kinurot ni Lucas ang braso niya para mapabalik siya sa huwisyo. Hindi niya dapat inuuna ang boses ni Sebastian, he should push him at iyon nga ang ginawa niya. Hindi na nag-aksaya ng oras si Lucas at agad itong itinulak palayo sa kaniya. Dali-dali rin siyang umalis sa higaan.

"A-anong ginawa mo?!" Pinasadahan niya ng matalim na tingin si Sebastian na kasalukuyang umuupo mula sa pagkakahiga.

Sinuri niya ang sarili, at doon lang din niya napansin na wala siyang suot na pang-itaas. He gasped. Hindi makapaniwala niyang ibinalik ang tingin kay Sebastian na namumungay pa ang mga mata. Ano ang nangyari? Bakit wala siyang maalala? Ang natatandaan niya lang ay ang pagdala nito sa kaniya sa restaurant at ang wine--- napatigil si Lucas.

Office Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon