Kabanata 9

76.5K 3.4K 354
                                    

Get cold



I woke up feeling excited the next day. The feeling was so refreshing and... new to me.

Buong buhay ko noon ay pare-pareho lang naman ang nangyayari sa bawat araw. Gigising. Tutulala saglit sa bintana ng kuwarto ko. Kakain. Maliligo. Magbabasa-basa. At makikipag-kuwentuhan kay Kuya 'pag may pagkakataon. Hindi ko pa nararanasang makaramdam ng ganitong excitement sa isang bagay. 'Yong tipong may nilo-look forward.

Ngayon pa lang.

Hindi tuloy mabura ang maaliwalas na ekspresyon sa mukha ko. Kahit sino'ng makita ko ay nginingitian ko.

Maski si Jen na lagi namang naka-ismid sa akin ay nginitian ko nang makasalubong ito sa hotel. Pati si Kier nga na nakasabay ko lang magbalik ng mga gamit panlinis ay tumagal ang tingin dahil sa pagngiti ko.

"'Uy, uuwi nga pala muna ako sa 'min ngayon. Ang tagal na no'ng huling day off kaya ngayon na lang ulit..." sabi ni Rafa habang naglalakad na kami para maghanap ng makakainan.

Tumango naman ako. Aniya, dapat ay buong araw talaga ngayon ang off namin pero dahil sa paglakas ng turismo sa resort ay ginawa lang na half-day.

"Ikaw ba? Uuwi ka rin?" tanong niya sa akin.

Tipid na ngumiti ako at umiling. Hindi maiwasang bahagyang malungkot nang maalala ang pamilya. Kumusta na kaya sila? Si Kuya?

Nang makahanap ng makakainan ay ako naman ang nanlibre sa kanya. Nakuha na kasi namin ang suweldo at ito ang una ko.Sa wakas ay nakabawi naman ako kay Rafa.

Sabay kaming bumalik sa dorm ngunit agad na rin namang nagpaalam si Rafa matapos kumuha ng ilang gamit. Tinanaw ko pa saglit ang pag-alis niya bago nagdesisyong pumasok at maghanda na rin.

Nahirapan pa 'kong magdesisyon kung ano ang susuotin. Sa pananatili ko sa resort ay halos puro uniporme pa lang ang naisusuot ko.

Pinili ko ang isang flowy na puting bestidang hawig sa mga nakikita kong beach dresses ng ilang turista. Sa may bandang gitna ng hita ko lamang ito umabot dahil sa katangkaran.Simple lamang ito ngunit nagustuhan ko naman ang hitsura nang isuot ko at tingnan sa salamin.

Hinayaan kong lumadlad ang umaalon kong buhok. Ang dulong bahagi ay bahagyang nagningning na parang ginto nang matapatan ng sinag ng araw mula sa bintana.

Napatitig ako sa repleksyon sa salamin. Ngayon na lang ulit ako nakapaglugay ng buhok dahil lagi kaming nagtatali kapag nasa trabaho.

Medyo napatalon pa ko nang makarinig ng marahang katok sa pinto. Huminga muna ako bago buksan ang pinto.

Sumalubong sa 'kin si Sir Colton na kaswal din ang suot para sa araw na ito. Iba sa suot niyang pormal na suit and tie araw-araw. Wala ring bakas ng pomada ang buhok niya.

He looked so...natural and...soft. Tila ang lambot-lambot ng medyo magulo niyang buhok. Parang ang lambot niya mismo, in general.

Nahiya ako sa iniisip. Lalo na nang maramdaman ang tumatagal niyang tingin. I saw him swallowed first before trying to clear his throat.

"Let's go?" tanong niya.

Tumango naman ako at tipid na ngumiti. Hindi ko alam pero wala na ngang kaba at takot ngunit parang hiya naman ang nararamdaman ko sa kanya ngayon.

Nang makalapit sa sasakyan niya ay nagulat pa ako nang pagbuksan niya 'ko ng pinto.

"Do you have somewhere specific where you'd want to go?" tanong niya nang makapasok ako at nanatili siya sa may pinto ng sasakyan sa gilid ko.

Nag-isip ako saglit. "Uh, wala naman. Hindi ako pamilyar sa mga lugar dito."

Tumango siya na parang inaasahan na ang sagot ko atsaka pumasok na rin sa sasakyan.

It wasn't really a silent drive since he turned on the stereo. Na-enjoy ko ang pakikinig lalo na sa ibang awiting kinakanta namin ni Kuya.

Nang huminto ang sasakyan ay namangha na agad ako nang matanaw ang nasa labas. Ang humahampas na alon sa mga nakamamanghang rock formations ay talagang napakagandang tingnan.

"Hindi ko alam na may ganitong bahagi pala ang resort..." sabi ko pagkalabas namin sa sasakyan habang bakas pa rin sa mukha ang pagkamangha.

"Yeah...not a lot of people know about this," marahang wika niya.

Napansin ko ngang halos wala talagang tao rito. Bilang lang sa isang kamay. Naisip ko na ayos nga rin na dito pumunta dahil baka dagsain siya kapag sa mataong lugar. Dinala ako ng mga paa ko sa may dalampasigan. Tila hinihila ng tubig ang mga paa ko. I wanted to feel the water against my skin. Hindi naman close ang sapatos na suot ko kaya't ayos lang.

"Hey..." Narinig ko pang marahang tawag niya nang makita ang ginagawa ko.

Mula sa mga paang dinaraanan na ng alon ay inangat ko ang tingin sa kanya nang may ngiti sa labi.

"This feels good..." sabi ko at tiningnan ulit ang mga paa na ngayon ay basa na. Bahagyang umabot hanggang sa may ilalim ng aking tuhod ang hampas ng alon.

I looked up to him again, this time, with a wide smile. Naabutan ko siyang pinanonood ako. Amusement was evident on his face. Nang muling bumagsak ang tingin ko sa humahampas na alon sa paa ko ay hindi ko maiwasanag matulala sa dagat. Nakakakalma ang tanawin.

"I've never had the chance to swim in my entire life," mahinang wika ko.

He's not asking but I don't know why I had the urge to say it. I saw something flash in his eyes with my sudden confession. Ibinaba ko ang tingin.

"I wonder how it feels like..." mahinang dagdag ko.

I saw him gently taking a step closer.

"Then, we'll swim."

Natigilan ako. I turned my gaze on him. He's looking at me very...carefully.

"But not now. You don't have extra clothes with you."

Marahan din ang pagkakasabi niya. His voice was full of concern. I didn't know that a voice can be this... comforting.

Iniangat niya ang isang kamay. "Come here, you'll get cold..."

There was something in his eyes that made me slowly walk toward him, putting my hand on top of his without further questions. It felt warm and welcoming.

He pulled a handkerchief from his pocket and my knees almost weakened when he knelt in front of me. My lips parted when he held my ankle and started wiping my feet up to my calves.

The cloth absorbedevery drip of the cold water. His touch was filled with so much care. I stoodthere, shivering on his every move.








Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon