Kabanata 16

15.8K 624 487
                                    

I heard we won. I heard Shaila and I won. At the same time, I lost her. I lost Yshara...

"Tangina Dray! Ako na nga ang magdri-drive sabi eh. Tingnan mo nga 'yang sarili mo! Wala ka sa sarili para magmaneho." Tumango na lamang ako sa kanya habang hinang-hina akong maglakad palayo sa kanila. Hinagis ko sa kanya ang susi.

Nang makarating kami sa tapat ng kotse ko ay agad niya itong pinatunog. Umupo agad ako sa passenger's seat. Sumandal ako haban pilit pinapalis ang mga luhang sunod-sunod sa pagbagsak. "Ang sakit..." Paulit-ulit kong sinuntok ang dibdib ko dahil tila may nakabara rito. "Akala ko kasi sapat na iyon. Akala ko kasi sapat na ako. Kulang pa rin pala."

"You mad at her?" He started driving. "Bro, fasten your seatbelt."

"Hindi ko kayang magalit." Nabasag ang boses ko, naaawa sa sarili dahil kahit ang pagkabit sa seatbelt ay tila hirap na hirap ako. "Hindi niya kasalanang hindi niya ako kayang mahalin. She did like me. Hindi lang talaga niya kayang suklian 'yung pagmamahal na mayroon ako para sa kanya." Saglit na tumingin sa akin si Jordan.

"Tangina lang! Siya pa rin 'yung gusto ko. Siya pa rin 'yung mahal ko. Kahit ganito ang kinahantungan ng lahat. Kahit masakit, siya pa rin eh." Pumikit ako habang humihikbi tsaka tinakpan ang mga mata ko, hindi na inabala pa ang sariling palisin ang mga luhang kumakawala.

I let tears fall as they speak more for me, to what I feel, to how much pain I feel right now. Sobrang sakit na parang hinihiwa ang dibdib ko.

"Ngayon lang kita nakitang umiyak nang ganyan. Ilang beses kang nadadapa nung mga bata tayo pero ni minsan hindi ka namin nakitang umiyak." Rinig ko pa ang pagbuntong-hininga ni Jordan. Huminto rin ang kotse dahil sa traffic. "Ano bro? Inom tayo? Tawagan ko sina Declan at Greg." Umiling ako, gusto ko munang mapag-isa pagkatapos nito.

"It's painful." Hindi siya umimik. "This is probably what you have felt before. Parang may punyal na nakasaksak sa dibdib ko ngayon." Rinig ko ang malalim niyang paghinga. "Hindi ko siya masisi eh, hindi rin naman niya kasi ako pinaasa. Baka masyado lang akong naging confident na magiging pareho 'yung nararamdaman namin para isa't-isa."

"Just think of it as your first love that's gone. We'll grow more, we'll learn things and we'll understand more why it had to happen." Muli niyang pinaandar ang kotse at nilakasan ang pinapatugtog na kanta. Masyadong malungkot na tila nakikiramay sa nararamdaman ko ngayon. "Mahal mo kasi talaga kaya ganyan kasakit." He added as we both fell silent. Kimkim na kimkim ko pa rin ang sakit na nararamdaman.

"Dray, kakauwi lang ni Jordan. You're not feeling well? Do you wanna talk about it?" I was never a crybaby and everyone knows that, but seeing my mom beside my bed...doon muling bumuhos ang sakit. I crawled to get near her. "It's okay. You can cry. Who said boys don't cry? Yung daddy mo iyakin 'yun eh." She joked, para mapagaan ang pakiramdam ko. Siniksik ko ang sarili ko sa yakap ni mommy sa akin. "You love her so much right?" Tumango-tango ako.

"She doesn't love me the way I love her." Bulong ko.

"And I hope you're not mad about it or mad at her." Tumango ako. "You shouldn't force someone or anyone to love you back. Kung hindi, hindi talaga anak." Muling akong tumango, humihikbi na ngayon. Ang sakit talaga eh. "Don't ever blame yourself too, don't ever blame her too. Walang kulang sa'yo, alam ko iyon. Okay? It's not just for the both of you, pwedeng hindi talaga sa ngayon o pwedeng hindi na talaga kahit kailan." Mas kumirot ang puso ko nang marinig ang huli. Posible nga.

"Ito ang lagi mong tatandaan anak. In falling in love, it has to be the right person, in the right place and right time with the right motive. If it won't have those, I'm afraid it's not love..."

That night I went to sleep with a heavy heart.

"Bro! Muntik ka nang ma-late, bakit ang bagal mo pang maglakad?" Pinagbangga ni Jordan ang aming mga balikat nang makarating ako sa tapat ng classroom, sa gilid niya ay si Shaila, pareho silang malapad ang ngiti sa akin. Nilibot ko ang tingin sa buong klase, everyone is in their proper seats, isa-isa silang nag-angat ng tingin sa akin habang naglalakad ako patungo sa aking upuan. The not usual looks on their faces are what I'm seeing right now. Bakas sa kanilang mga mata ang sa tingin ko ay awa. I don't think they should pity me for what happened.

Until You Say It [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon