Kabanata 13

68.6K 3.2K 1.2K
                                    

Nevermind




Colton Jace:
im here

Napasilip ako sa labas mula sa bintana ng dorm nang mabasa ang mensahe. Nakita kong nakasandal si Sir Colton sa sasakyan at nakatingin sa cellphone.

"Nasa labas na si Sir?" tanong ni Rafa habang pinupusod ang buhok.

Tumango ako bago siya muling nagsalita. "Siya nga pala, 'di na 'ko sasabay sa inyo ngayon. May dadaanan pa kasi ko, eh," sabi nya.

Halos isang linggo na itong ginagawa ni Sir Colton. Sinusundo ako at hinahatid. Madalas din siyang mag-text at magbigay ng kung ano-ano.

Ganito pala ang panliligaw. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Sabay kaming lumabas ni Rafa at binati niya muna si Sir bago nagpaalam na rin.

"Hey..." Ngumiti siya nang kaming dalawa na lang ang naiwan.

Pagpasok namin sa loob ng sasakyan, as usual ay may kinuha na naman siya sa likod.

Inabot niya sa 'kin ang paper bag na may lamang almusal, pandalawang tao iyon gaya ng madalas dahil dinadamay niya rin si Rafa.

"Eat."

"Ikaw?" tanong ko.

Tumagal ang tingin niya sa 'kin. Bahagya pang napanguso bago nag-iwas. "I'm done."

Dati ay sanay akong nagkakape bago umalis sa dorm pero simula nang gawin niya ito ay 'di na 'ko kumakain ng kahit ano dahil hindi naman siya pumapayag na hindi ko kinakain ang dala niya.

Sinabihan ko siya na hindi niya naman kailangang gawin 'to pero ayaw niyang magpapigil.

"Here." Napatingin ako nang may inabot pa siya.

Taka kong kinuha 'yon at sinilip ang laman. Ang nasa loob ay mga vitamins, ilan pang meds, at body patches. Inangat ko ang tingin sa kanya.

"You've been working non-stop so I thought you'd be needing those..." aniya atsaka nagsimula na ring paandarin ang sasakyan.

Parang may kung anong humaplos sa loob ko dahil sa sinabi niya. I smiled inwardly. Hindi ko maiwasang titigan siya nang matagal.

"Stop staring."

Natawa ko.

"Your ears are turning red," I blurted.

I couldn't believe it even turned brighter because of what I said.

"You're teasing me," inis na sabi niya.

Napuno ng halakhak ko ang sasakyan. Damn when did I even learn to laugh this hard?

After a while, I noticed he was puckering his lips in hopes of suppressing a smile too. Nang makarating kami sa hotel ay nagpaalam na 'ko at akmang lalabas na sa sasakyan nang magsalita siya.

"Nayeli..."

I turned to him. "Hmm?"

It was as if he's going to say something but decided not to.He eventually shook his head.

"Nothing. Please take care."

Bahagyang umangat ang kilay ko ngunit kalaunan'y tumango at ngumiti rin. Sa presidential suites ako na-assign ngayon kaya talagang nakakapagod.

"Nari, gusto raw makita mamaya ng head at ng ibang staff 'yong na-practice n'yo ni Kier. Okay lang ba?" tanong ng isang katrabaho namin.

Nagulat ako. "Ha? Paano 'yon, may duty pa sa clubhouse?"

Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon