Kabanata 14

66.2K 3.8K 1.8K
                                    

Kisses



Halos hindi ako pinatulog ng kaiisip kay Sir Colton at sa malungkot niyang mga mata. Ang kakaibang ekspresyon niya bago tumalikod at umalis ay bumagabag sa aking isipan.

Sinubukan ko siyang i-text pero hindi na siya nag-reply. Gusto ko pa sana siyang tawagan pero wala naman akong pantawag. Nagi-guilty ako lalo na 'pag naiisip na birthday niya pala kahapon.

"Nagkita ba kayo ni Sir Colton kahapon?" tanong ni Rafa.

Napabuntonghininga ako, tumingin siya sa akin nang nagtataka. "Ang tagal no'n nakatambay sa clubhouse kahapon, eh. Hindi ko naman alam na nagpa-practice pala kayo ni Kier kaya hindi ko siya nasagot kung nasaan ka. Inaalok nga ng mga crew na kumain pero ayaw. Tingin ko, hinihintay ka." Nagkibit-balikat siya.

Halos malunod na 'ko sa guilt dahil sa mga dagdag na impormasyon mula kay Rafa. Kahit half-day lang ngayon dahil Foundation Day celebration na bukas ay pre-occupied pa rin ako habang nagtatrabaho.

Hanggang sa pagbabalik ng mga cleaning materials ay tulala ako. Na-distract ako nang marinig ang matinis na boses ni Jen habang nagkukuwento sa kaibigan niya.

"Sa room ni Sir Colton ako na-assign! Kaso mukha siyang may sakit no'ng nakita ko," nakasimangot na sabi niya.

Napaawang ang labi ko sa narinig at napapikit nang mariin, saka nabuo ang desisyon na puntahan siya. Libre naman ako para sa hapong ito dahil napagsang-ayunan na namin ni Kier na 'wag nang mag-rehearse ngayon para ma-conserve ang energy para bukas.

Panay ang buga ko ng hangin habang nasa elevator at iniisip ang reaksyon niya 'pagnakita ako. Nang nasa labas na ng unit niya ay ilang beses ko pang itinaas-baba ang kamay bago nagkalakas-loob na kumatok.

Matagal bago bumukas ang pinto at bumungad sa 'kin si Sir Colton na walang damit pang-itaas. Naka-itim na sweat pants lamang ito at lantad ang upper body. Magulo ang buhok, malamlam ang mga mata, at bahagyang namumula ang ilong.

Bakas ang gulat sa mukha niya nang makita ako ngunit nang makabawi ay iniwas niya ang tingin at nagsalubong ang kilay.

"What are you doing here?" paos na tanong niya bago tumalikod at iniwang bukas ang pinto.

Naglakad siya papasok at nanatili akong nakatayo sa labas nang ilang saglit bago nagdesisyong sumunod sa kanya sa loob. Napalunok ako.

Nakatihayang humiga na siya sa kama nang magsalita ako.

"Narinig kong may sakit ka... I'm worried—"

"Tsk...'ayan ka na naman,"  bulong niya.

Kumunot ang noo ko. "Ano?" tanong ko.

Tumagilid siya ng higa at ngayo'y nakatalikod na sa 'kin.

"Wala. You don't have to be here just because you feel bad for me."

Napamaang ako. "I never said that. I said I'm worried about you."

"Why would you be? I'm not your crush. I'm no one to you." Nagulat ako sa pait ng tono ng boses niya.

Umayos ako ng tayo. "What's with you and this whole crush thing? Ano ba'ng alam mo sa kung sino'ng crush ko?"

Napabangon siya at ngayo'y nakaupo na sa kama.

"Oh, I know, Nayeli. I know you're smitten with that Kier guy," mapag-akusang wika niya.

Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon