Kabanata 15

70.2K 3.6K 2.9K
                                    

Bliss



Surprisingly, gumaling naman agad si Sir Colton. And I'm almost convinced na totoo naman palang nakaaalis ng sakit ang halik. Almost.

Sa sumunod na araw ay tahip-tahip na ang kabog ng dibdib ko para sa gaganaping pageant.

Maaga akong nagising at napansin ko ang nanginginig na si Rafa habang balot na balot ng kumot. She's mumbling words I couldn't fully hear.

"Rafa?" Lumapit ako sa kanya at agad na pinadapo ang palad sa noo niya. Halos mapaso ako sa init na naramdaman. "Rafa, you're burning!" I panicked.

"Ang...ang sakit ng ulo ko," aniya sa paos na tinig.

Ilang daing niya pa ang narinig ko bago ako dali-daling umupo sa gilid ng kama niya. I kissed her forehead three times. Marahas na napagalaw si Rafa at napaupo.

"Gaga, ano ba 'yan!" tila mahilo-hilo pang saway niya. "May pagnanasa ka ba sa 'kin?"

"H-Huh? Eh, 'diba gano'n 'yon 'pag may masakit, iki-kiss lang tapos mawawala na?"

"Ano 'ko, three years old?" Napailing-iling siya habang ngayo'y natatawa na."Nari naman, minsan talaga feeling ko, may saltik ka rin," aniya pa bago bumalik sa pagkakahiga.

I felt my cheeks heated. Feeling embarrassed, I stood up and took some water for her instead. I couldn't help but clenched my jaw as I remembered what happened yesterday.

I mean, yeah sure, I'm not trying to act like a victim here since I still had the choice not to kiss his face if I really didn't want to, but the tiny thought of him taking advantage of my being clueless makes me angry.

But you sure enjoyed it too. A voice whispered inside my mind.

Napasinghap ako.

Still though! I battled.

Kaya naman nang makita siya sa harap ng dorm para sunduin ako nang umaga ring iyon ay agad ko siyang inirapan at hindi pinansin bago nilampasan upang maglakad papunta sa hotel. Napanganga siya sa ginawa ko at sinubukan pa 'kong tawagin habang papalayo.

Alam kong wala naman siyang balak na masama sa nangyari at marahil ay pinagaan lang din ang sitwasyon kahapon, pero basta. Medyo naiinis pa rin ako.

Panay agad ang pasok ng texts niya sa cellphone ko. I tried to look and check some of it.

Colton Jace:
whats wrong bb

Halos mapanganga 'ko sa tinawag niya sa 'kin. Ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko.

Colton Jace:
what u want bb

Colton Jace:
come here bb

Agad kong pinindot ang reply button at madiin na nagtipa ng sagot.

Nayeli:
Bb mo mukha mo!

Umikot ang mata ko at saktong nagtawag na ang bading na nag-aasikaso sa practice ng rampa at intermission number naming mga candidates.

Kinahapunan noong araw ring iyon ay hindi ko inaakalang maitatawid ko nang maayos ang kauna-unahang kong pagsali sa isang ganitong kompetisyon sa kabila ng matinding kaba. Nagulat pa 'ko nang makita si Sir Colton sa audience, ngunit hindi ko na lamang siya tiningnang muli para hindi ma-distract.

Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon