PBTYML (season 2) - Episode 19

2.4K 78 22
                                    

~Evelyn Eva Kyla's POV~

Napakapit ako sa kamay ni Zero dahil sa di kaaya-ayang nakikita, parang nahati ang puso ko sa sandaling ito, parang nabiyak ang puso ko.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi upang pigilan ang luhang parang papatak na.

Naramdaman ko rin na hinigpitan ni Zero ang pagahwak niya sa kamay ko.

Ilang sandali pa binitawan na ng labi ng babae ang labi ni Keven pero agad namang niyakap ng magandang babae si Keven nakita kung parang nanigas ang katawan ni Keven at bakas na bakas niya ang sobrang pagkabigla.

"I miss you babe, I miss you so much"rinig kung salita pa ng babe niya.

May babe din pala siya.

Pero bakit parang nasasaktan ako?

Napakagat ulit ako ng pang-ibabang labi ko upang pigilan ang luha ko na parang papatak, parang sobra atang nadurog ang puso ko sa oras nato at sobra din ang kabog ng puso ko, yung feeling na gusto mong magwala.

"Angelica"rinig kung mahinang sambit ni Zero sa tabi ko, ibig sabihin kilala niya ang babae? So Angelica pala ang pangalan ng babae at kilala nilang lahat ang babae?

Naramdaman kung hinila ako ni Zero papalayo sa kanila, pabalik kami sa parking lot pero akala ko aalis kami pero nagkamali ako dahil niliko niya ako sa kanto at agad kami pumasok doon sa madilim na lugar, hindi naman ako takot sa madilim na lugar sa katunayan nga ay mahilig ako sa madilim na lugar.

"Are you okay?"rinig kung tanong ni Zero, naramdaman kung hinigpitan niya lalo ang pagkahawak sa kamay ko, yung higpit na may-ingat.

Huminga ako ng malalim at tumango-tango, kahit naman papaano ay parang gumaan ang pakiramdaman ko, pilit kung iwala sa isipan ko ang di-kaaya-ayang nakita kanina.

"Ano kaba ayos lang ako no, ako pa! Kailan pa ako hindi naging okay? Pero tika nga, saan mo ako dadalhin itlog ka?"may halong siglang saad ko kay Zero.

"Sa lugar kung saan gagaan ang pakiramdaman mo, sa lugar na hindi ka masasaktan sa mga nakikita mo"makahulugang sagot ni Zero, napasimangot naman ako sa sagot niya, aakmang magsasalita ako pero di kuna natuloy dahil napatulala ako sa unahan, para kasing lumiwanag habang naglalakad kami, papalabas na kami sa madilim na lugar na pinasukan namin paliko sa parking lot kanina.

May natanaw akong mga nagagandahang bulaklak, sinalubong sa amin ang mga naghahalong bango ng mga bulaklak, hindi naman ako mahilig sa mga bulaklak at never pa akong napahanga sa mga bulaklak, ngayon palang.

"You like it?"rinig kung tanong ni Zero agad naman akong napatango habang ginala ang paningin ko, nakalabas na pala kami sa madilim na lugar, at agad akong napatinggala at nabasa ang naka ukit sa malaking harang na gawa sa kahoy 'Garden Park' .

"Kailan pa ang lugar nato itlog? Bakit ngayon kulang to nakita?"takang tanong ko sa kanya at ginala parin ang tingin ko sa paligid, para talaga siyang paraeso, ito yung mga nakikita ko kapag nanood ako ng fantasy movie, kulang nalang may water falls at nagliliparang mga butterflies para maging totoong paraeso na ito, pero ito ay mga bulaklak lang at may dalawang puno na pumagitna sa mga bulaklak, may nakapalibot ding mga upuan na gawa ng kahoy, ngayon kulang talaga napansin ang lugar nato, hindi ko napansin ang lugar nato dahil napapalibutan ito ng malaking pader at madilim din ang entrance, na tago sa gilid ng parking lot.

"This is my secret place ako mismo ang nagpagawa sa lugar na ito, tita Hanna give me this favor noong 15 years old palang ako, gusto ko kasi ang mga bulaklak dahil sa mga bulaklak nayan naalala ko ang Lola ko, bukod doon ay narerelax ang isipan ko sa mga bulaklak"napatingin naman ako kay Zero na ngayoy nasa tabi kupa habang hindi niya binitawan ang kamay ko na hanggang ngayon ay hawak pa niya, ngumiti siya sa akin at hinila niya ako sa makinis na upuan, pinagpag niya muna ang iilang patay na dahon sa upuan bago niya ako pina-upo, napatinggala naman ako kay Zero dahil medyo mataas siya kahit pa naka-upo na kaming dalawa, ngayon kulang napansin ang magaganda niyang mga mata kulay asul, may halong saya at kalungkutan.

Ngumiti ako sa kanya.

"Mahilig ka pala sa mga bulaklak, alam mo bihira lang ang mga lalaki na mahilig sa mga bulaklak"tumango siya at ngumiti lang siya saglit, tapos bumalik ulit sa normal ang mukha niya yung walang emotion.

Napatitig ako sa mukha ni Zero, ngayon kulang na appreciate ang kagwapuhan niya at ang ilong niyang sobrang tangos.

"What?"takang tanong niya wala parin ang emotion ng kanyang gwapong mukha, habang nakakunot ang noong nakatingin sa akin, ngayon kulang napagtanto na nakatitig na pala ako kanya.

Napangiti naman ako habang nakatitig parin sa gwapong mukha ni Zero, wala ako sa sariling napahawak sa matangos nitong ilong at bahagyang pinilisil-pisil.

"Fvck, Evelyn stop it, aww"mura niya sa akin, tinanggal niya ang kamay ko sa ilong niya.

Napahagikhik naman ako dahil napa pout siya sa harapan ko animo'y aswr na asar sa ginawa ko.

Grabe sobrang tangos pala talaga ng ilong niya.

"Ang cute mong mag pout itlog, sana ganyan kanalang palagi para palagi kang cute"sabi ko sa kanya at pinisil kuna man ngayon ang dalawang pisngi niya.

"H-hey, fvck! Evelyn ano ba, stop it"naiinis niyang reklamo at pilit na tinanggal ang kamay ko sa pisngi niya at dahil makulit ako ayaw kung tanggalin ang kamay ko na nakapisil sa pisngi niya at dahil narin nacucutan ako sa kanya.

"Ang cute, cute , cute mo talaga Itlog hehe"sabay hagikhik ko, pilit niyang tanggalin ang kamay ko sa pisngi niya at dahil malakas siya ay natanggal niya at dahil sa pagkatanggal niya sa kamay ko ay nawalan ng balanse ang mga kamay ko at aksedenteng napasubsub ako sa mismong labi ni Zero.

OhMyGeeee.

Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Zero at parng nagfreezz ang oras, omygod.

Ngayon kulang nalaman na ang lambot pala ng labi ni Zero.

Napapikit naman ako dahil parang feel na feel ko yung accedent kiss namin ni Zero.

Omg.

Ang bango pa ng hininga niya.

Maya-maya pa ay naghiwalay na kami sa kissing accedent namin, napatulala naman ako at napahawak sa labi ko, iniwas ko ang tingin kaagad kay Zero dahil parang nahihiya ako, nakatingin ako sa napakagandang bulaklak na kumakatay sa pader.

"I'm s-sorry Evelyn, I....."/"ohEmGee Anong ibig sabihin nito?"hindi natapos ang sasabihin ni Zero ng may babaeng nagsalita dahilan para maputol ang sasabihin niya.

Siya yung babaeng humalik kay Keven.

Napalingon kami pareho ni Zero sa nagsalita pero ako lang ang nabigla sa mga bagong dating samantalang walang reaction si Zero, rinig kupa gulat na mura nina Hary Point at Ethan na pabaling baling ang tingin nila sa amin ni Zero, napabaling din ako ng tingin kay Keven na ngayoy tahimik na nakatitig sa akin, walang emotion ang kanyang mukha habang nakatitig parin sa mga mata ko, napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya.

Nakita ba nilang lahat ang aksedenteng halikan namin ni Zero?

"Zero? Who is she?"maarte at gulat na   tanong ng babae na nagngangalang Angelica, maarte pa ako nitong tinuro, palihim akong napairap sa babae dahil sa kaartehan nito, nakakapit pa ito sa braso ni Keven.

Akala mo kung sinong maganda? E mas maganda pa ako dyan, malaki nga lang ang boobs at mas mataas sa akin ng height, pero di naman sa mayabang ako mas maganda pa ako sa morenang babaeng yan, kahit naman na flat yung hinaharap ko at..... nevermind na nga lang basta mas lamang ako sa babaeng yan.

"She's my...."/ "Jowa"putol ko sa sasabihin ni Zero, nahalata ko ang reaction nina Hary Point, Ethan at Keven ang gulat na gulat.

"J-jowa niya ako, diba cutiepie?"nakangiti kung tanong ko kay Zero na ngayoy nakakunot ng noo.

"What the cutiepie?"rinig kung sabay-sabay na salita nina Ethan at Hary Point, halata sa mga reaction nila ang gulat.

•••

Obsession Of The Young Mafia Boss (PBTYML-season2 'Keven Gregory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon