Midnight Lover - 04

296K 3K 247
                                    

PLEASE WATCH MY VLOGS! ❤️❤️❤️


*****


ASHER



Umakyat lang saglit si Raven sa kwarto niya para kunin ang wallet niya at pagkatapos ay sabay na kaming naglakad palabas ng gate.



"Ang tahimik pala talaga dito, noh?" Narinig kong komento ni Raven habang naglalakad kami sa gitna ng kalsada. Dahil mag a-ala una na ng madaling araw kaya halos wala nang nagdaraang mga sasakyan.



"Sinabi mo pa. Usually ten pa lang ng gabi natutulog na ang mga tao dito sa Javier. Iilan lang din ang mga bagets na tumatambay sa labas kapag ganitong oras na."



 "That's nice," sagot ni Raven habang palapit na kami nang palapit sa nag-iisang tindahan na bukas 24/7 dito sa lugar namin. Sa 'di kalayuan ay namataan ko ang grupo nina Pastora na nakatambay sa may waiting shed na malapit sa outpost.



Si Pastora ay isa sa pinaka-masipag, nakakatawa at maskuladong bakla dito sa Javier. Sikat si Pastora dito sa lugar namin dahil sa pagiging palakaibigan niya. Minsan nga ay biniro ko siyang pwede na siyang tumakbong kagawad sa susunod na eleksiyon dahil sa dami ng kaibigan niya. Habang bumibili si Raven ng yelo, junk foods at ilang de-lata ay nakita kong papalapit sa amin si Pastora kabuntot ang isa pang beki na si Randel.



"Hin-o ton nga im upod, Ash?" mabilis na tanong ni Pastora nang sa wakas ay tuluyan na silang nakalapit sa amin. Awtomatiko namang napatingin sa mga bagong dating si Raven. Saktong inaabot ng tindira ang mga pinamili niya.



"Bag-o ko nga boarder. Anay ipakilala ko kamo." Tumingin ako sa kasama ko at nakita kong nakangiti naman siya. "Tinatanong niya kung sino ka raw. Pastora, this is Raven. Raven ito naman sina Pastora at Randel. Mga friends ko."



"Hi. It's my pleasure to meet you guys," bati ni Raven sa dalawa na nakipagkamay pa.



"Ano ba 'yan! English speaking it murat! Nosebleed!" natatawang saad ni Pastora.



"Actually, marunong naman akong mag-Tagalog. Pero hindi ako marunong mag-Waray," dagdag pa ni Raven.



Tumango-tango si Pastora at muling bumaling sa akin. "Penge naman twenty. Bili lang kami ng tinapay sa Panaderia."



Sabi ko na nga ba, naisaloob ko nang marinig ko ang sinabing 'yon ni Pastora. Uso rin talaga ang buraot dito sa lugar namin. Pero dahil mga friends ko naman sila ay dumukot ako ng pera sa suot kong shorts.

Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon