Kabanata 18

65K 2.7K 958
                                    

No one

R-18: Contains slightly explicit scenes



"Kulang na 'yong mga mangkok at shot glass, maraming customers! Ilabas mo na 'yong mga nakatabi ro'n sa stock room!" singhal sa 'kin ni Jen habang naka-duty kami sa clubhouse.

"Huh? Pero sa kahera ako in-assign ni Ma'am ngayon..." sabi ko dahil nag-aalalang biglang iwan ang counter.

Pinandilatan niya ako ng mata. "Aangal ka pa talaga, kita mo nang abala tayong lahat ngayon!"

Napabuntonghininga na lang ako at tinalikuran na siya para kunin ang sinasabi niya. Simula no'ng insidenteng may sinuntok si Colton sa clubhouse ay napansin kong mas uminit ang dugo sa 'kin ni Jen. Kung iritado na siya sa 'kin noon ay mas lumala lang ngayon.

Pagkapasok sa kusina ay dere-deretso ang lakad ko hanggang makarating sa nakasarang pinto sa dulo. Pumasok ako roon at hinanap kung saan banda ang stocks ng mangkok at ilang shot glass.

Natanaw ko ang mga iyon sa taas na bahagi ng mga divider. Itinaas ko ang mga kamay at napansing mataas talaga ang puwesto nila. Matangkad ako ngunit hirap pa rin itong abutin. Nakatingkayad na ako at sinusubukang tumalon-talon nang biglang makaramdam ng mainit na presensya sa likod ko. Paglingon ay nakita ko si Kier.

Sa gulat ay hindi ko namalayang may isang mangkok na nasungkit ng daliri ko at nalaglag. Tumama ito sa sahig at nabasag.

"Shit," Agad akong umupo para pulutin ang nabasag.

Mabilis na umupo rin si Kier at agad na inilayo ang pupulsuhan ko roon.

"'Wag mo nang hawakan," may diing sabi niya ngunit huli na ang lahat dahil pagtingin namin sa kamay kong hawak niya ay may maliit na sugat na ito at may sumisilip nang dugo.

Iginiya niya ako sa gilid bago niya iniabot ang walis at dust pan para linisin ito. Pinanood ko lamang siya sa ginagawa. Walang nagsasalita samin. Wala rin naman akong maisip na sabihin.

Pumunta siya sa inaabot ko kanina at siya na mismo ang isa-isang kumuha noon. Lumapit ako sa kanya at inilahad ang kamay. Ayaw niya pa sanang ibigay sa 'kin at nakatitig lang sa daliri ko, ngunit kinuha ko pa rin at ipinatong sa lamesa ang mga iniaabot niya. Maliit lang naman ang sugat, malayo sa bituka.

Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa amin habang patuloy sa ginagawa. Nagulat ako nang makarinig ng buntonghininga mula sa kanya.

"Kayo ni Sir Colton"—marahang simula niya— "may relasyon kayo?" Hindi ko inaasahang makaririnig ako ng ganitong tanong mula kay Kier.

Natigilan ako. Hindi ko alam kung paano iyon sasagutin, ngunit nagpasya sa simple at deretsong tugon.

"Oo..."

Nakita kong tumango ang ulo niya habang deretso lang ang tingin sa ginagawa. Wala na muling nagsalita sa amin hanggang matapos siya.

"Diyan ka lang muna," sabi niya at saka lumabas.

Mabilis lang iyon at agad din siyang nakabalik. Napatingin ako sa kamay niya nang mapansing may hawak siyang band aid. Akmang bubuksan niya iyon at akala ko'y siya pa mismo ang maglalagay nang napahinto siya.

Napatigil siya nang ilang saglit habang nakatitig sa band aid at maya-maya'y minabuting iabot na lang iyon sa akin.

"S-Salamat," sabi ko at tumango lang siya bago umalis.

Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon