Opposite 39: Movie Marathon.

54 8 0
                                    

Xienna's POV

Sabado na ngayon at nandito ako sa unit ko, may binili akong treadmill dito.

Naka-sport bra ako at short habang natakbo. Pawisan narin ako dahil kanina pa ako, mga 30 minutes?

Free time ngayon. Kami nga pala ang nanalo sa booth. Genius ko talaga. Dang.

Mamaya gaganapin ang school ball 11:00 pm to 5:00 am. May mga partner na kami.

Sa akin si Aux, si Ghionna at Wage. At ang iba naman ay 'di ko kilala kung sino ang date nila sa ball. Bahala na sila d'yan.

Napag-pasyahan ko ng tapusin ang pagtakbo ko ng hindi naalis sa kintatayuan ko.

Uminom ako ng tubig, mga limang baso. At nagpunas ako ng pawis.

Nahagip ng mata ko ang mga envelope noong nakaraang araw. Kinuha ko iyon at lumabas ng unit at pinasok ang unit ni Khyler.

"Fratello!" (Brother) tinatawag ko ito kapag kaming dalawa lamang, mas malala ang relasyon ng pagkakaibigan ko kay Khyler kesa sa iba. Kasama ko s'ya sa organisasyon. At yes, tama. Alam n'ya kung sino ba talaga ako.

Dumiretso na ako sa sala n'ya pero sa hindi inaasahan ay nandito silang lahat.

As in. Lahat sila. Ay wow, hindi ako sinabihan. Tss.

"Woah! Naka-gan'yan ka na naman?" -Raze.

Shook! Akala ko mag-isa lang si Khyler kaya 'di na ako nag-palit pa. Bwisit.

Umirap na lamang ako dito at nakita ko namang lumapit sa akin si Aux na masama ang tingin sa akin.

"Bakit naka-suot ka ng gan'yan?"

"I was exercising at 'di ko naman ini-expect na nandito kayong lahat--- maliban sa akin. Tss."

"Tatawagin ka naman namin eh, naunahan mo lang kami." -Ghionna.

"Whatever."

Naramdaman ko namang may isinuot sa aking jacket si Aux.

Kumunot ang noo ko at tinanggal ito, nakita ko ang galit sa mata nito na nginisian ko lamang.

"May I borrow Khyler?"

"At bakit naman?" -Aux.

'di na ako naghintay ng anumang salita at dumiretso sa pwesto ni Khyler at hinila na patungo na sana sa kwarto n'ya. Pero huminto ako, "Walang susunod. May pag-uusapan lang kami saglit."

At tumuloy na nga kami. Papasok na kami ng kwarto, "At bakit kailangang sa kwarto pa?! Umayos ka nga, my lady! Nakasuot ka ng gan'yan tapos papasok ka sa kwarto ng isang lalaki?!" -Aux.

"Huwag kang maingay! At para sabihin ko sa'yo 'di ako ganoong tao. May sasabihin lang ako sa kan'ya."

"D'yan lang kayo! Sabihin mo na d'yan! Kahit magbulungan lang kayo! Basta 'wag kang papasok sa kwarto ng lalaking 'yan."

"Tss." I gave up. At katulad nga ng sinabi n'ya bumulong lang ako kay Khyler.

"Alam mo naman na gaganapin ang debut ko diba?" Tumango naman ito kaya nagpatuloy ako. "At alam mo ding doon na gaganapin ang paglipat?"

Tumango muli ito, "Ikaw na bahala dito, ikaw na ang magpadala n'yan. Ayusin mo, may papeles d'yan." At ini-abot ko sa kan'ya ang dalawang envelope.

"Ngayon ko na ba kailangang ibigay?" -Khyler.

"Oo, mas maganda kung mas maaga. At 'saka wala naman tayong gagawin. Naka-bili na din naman ng mga susuotin sa ball."

"Okay Young lady. So, mauuna na ba ako?"

"Siguraduhin mong walang makaka-sunod sa'yo."

"Sus, ako pa!"

"Oo na, kaya nga ikaw ang kanang kamay ko. Sinasabi ko lang dahil matinik ang kalaban natin kahit nandito ang pinuno nila."

"Yes, young lady Xienna."

Tumango lang ako dito at sabay na kaming bumaba. Ako patungo sa sofa at s'ya naman ay sa pinto upang umalis.

"Saan ka pupunta, Khyler?" -Dellio.

"May aasikasuhin lang, babalik ako kaagad." -Khyler.

Umalis na s'ya at na-pokus ang mga tingin nila sa akin.

"Staring is rude. Nandudukot ako ng mata."

"Anong pinag-usapan n'yo?" -Kuya Serge.

Nagkibit-balikat na lamang ako sa kanila. Minsan mga tanga eh, bakit pa kami lalayo kung sasabihin din naman ang napag-usapan. Tss.

"My lady, suotin mo nga itong Jacket ko at may matutusok akong mata dito." Sabat ni Aux na naka-tingin kay Raze.

"Ayoko, mainit."

"Edi ito nalang damit ko, damn it. Bakit kasi naka-gan'yan ka." akmang huhubadin na nito ang damit ng pigilan ko ito.

"Keep it. Kukuha nalang ako ng damit ni Khyler." Tumayo na ako at nag-tungo sa kwarto ni Khyler, his room ay kulay asul. He loves blue.

By the way, kumuha ako ng isa sa mga white T-shirt nito at isinuot na. Bumaba na din ako't nagtungo muli sa kina-uupuan ko kanina.

"Alam mo nag-seselos na ako." Bulong sa akin nito pero 'di ko na lamang pinansin. Huwag ka munang mag-selos, mamaya na kapag may label na tayong dalawa.

"Movie marathon tayo?" pang-iiba ko ng usapan.

"Nice Idea!" -Wage.

"Anong movie?" -Ghionna.

"Kayo na bahala."

"Horror dali!" -Diego.

"Horror ka ng horror, ikaw din naman ang takot." -Frethz.

"Paki mo ba? Face the fear para may thrill." -Diego.

"Ay s'ya ako Pipili!" -Kuya Serge.

May narinig akong tunog at napalingon ako kay Aux, mukhang sa kan'ya galing 'yon. May message 'ata.

Tinignan ko naman ang mukha nitong nangunot na at seryoso. "Ayos ka lang?"

Tumingin ito sa akin at tipid na tumango. Pagkatapos ay tumayo at kinuha ang jacket at isinuot.

"Guys may pupuntahan lamang ako." sabat nito at kumaripas na ng takbo.

Nang mawala ito sa paningin ko ay tumingin ako sa TV at naka-salang na ang movie. Nagsisimula na nga eh, 'di ko man lang nakita ang title. I guess it's a Japanese Horror Film.

"Saan punta noon?" -Wage.

"Dunno."

"Hayaan n'yo na, manuod na lang tayo." -Raze.

Nanood nga lang kami at ang iingay nila at ako tahimik lang. Para kasing may bumabagabag sa akin at hindi ako mapakali.

Kinakabahan ako sa 'di ko alam na dahila. Wierd.

Naka-ilang palit na sila ng movie ng dumating si Khyler at tumango muna sa akin bago maki-sali sa movie marathon namin.

"AY PUTANGINA!" -Ghionna.

"Bibig mo, babae." -Wage.

"Bwisit na matandang 'yon kagulat!" -Dellio.

"WAHHH!" -Raze.

"SHIT! SHIT!" -Khyler.

"NAIHI NA 'ATA AKO!" -Diego.

"You're gross, man." -Kuya Serge.

See? Ang iingay. Nag-sisisi na akong nagsabi na mag movie marathon. Nagdudusa na naman ang aking tenga. Hayss...

"YOU OLD BITCH! WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!"

OPPOSITE: We Are EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon