Opposite 42: Finding.

72 6 0
                                    

Ghionna's POV

Isang araw na ang nakakalipas at hinahanap pa rin namin kung nasaan ba si Xienna.

Pumapasok kami dahil baka sakaling pumasok din s'ya sa Unibersidad. Pero wala.

Naka-patay ang cellphone nito, hindi namin ito ma-trace. Hindi ko alam kung anong nangyayari na kay Xienna, I'm worried.

May usapan kami ngayon na kausapin si Aux. Makikinig kami kung bakit n'ya nagawa iyon. Pero hindi ibig sabihin pagbibigyan namin ang isang katulad n'yang gago.

Nakita ko namang bukas ang pintuan ng unit ni Aux at base sa pakiramdam ko ay nandito na silang lahat.

Nakarating ako sa sala at nakita ko namang tahimik, masasama ang tingin nila kay Aux. Pero ang gago, aba diretso lang ang mukha.

Makita ko lang ang mukha n'ya, nanggigigil na ako. Mabilis akong humakbang at sinampal s'ya. Nagulat naman sila pero wala akong paki. Wala ding reaksyon ang lalaking ito at bumalik lang sa dating pwesto.

"Ano ba talagang nangyari? Masaya ka na? Masaya ka na, hindi namin s'ya makita. Masaya ka na bang masaktan s'ya?"

May humila sa akin paupo at hinayaan ko na lang. Wala din naman akong mapapala kung ilang beses ko pang sampalin ang gagong 'yan. Hindi naman noon maibabalik si Xienna, hindi naman noon maibabalik ang sakit na ipinadanas n'ya.

"Mas lalo mo lang pinalala ang sitwasyon. Bakit mo s'ya winasak? Alam mo bang may posibilidad na bumalik s'ya sa dating s'ya?" nakita ko namang si Khyler na nakatingin pa din ng masama habang nagsasalita kay Aux.

Nag-tatanong ang mga mukha namin sa winika nito. Pero ang lalaking sinabihan n'ya, wala man lang ka-reakreaksyon.

"What do you mean?" -Wage.

"Sabihin mo nga sa amin, kilala mo na ba si Xienna dati pa? Anong ibig mong sabihin, Khyler?" -Serge.

Nahagip ng mata ko ang kuyukom na kamao nito, at ang nanlilisik na mga ugat sa leeg nito.

"Mas matagal pa sa inyo, mahalaga sa akin ang babaeng ginago't niloko mo, Savero."

"Pwede bang umalis na kayo sa unit ko? Nakakaistorbo na kayo." -Aux

"Nakakaistorbo?" -Raze.

"Ano bang nangyari sa iyo?" -Wage.

"Hindi ka na namin kilala." -Frethz.

"Bakit mo nagawa iyon? Hindi ganito ang nakilala at pinagkakatiwalaan kong kaibigan." -Dellio.

"Hindi n'yo pa ako kilala ng lubusan. Huwag kayo masyadong mag-tiwala. Tss." -Aux.

Narinig naman namin ang isang sarkastikong tawa at kay Khyler nagmumula iyon.

Nakuha n'ya ang atensyon naming lahat.

"Sino ka nga ba talaga? Un leader d'une grande organisation." (French Translation: A leader of an big organization.)

May sinabi ito sa ibang lenggwahe at hindi ko iyon maintindihan.

Lumingon naman ako kay Aux at nakita kong nanglaki ang mata nito at naka-titig sa kan'ya.

"Who are you?" -Aux.

"Bakit hindi mo alamin?" Ngumisi ito at pagkatapos ay tumayo na at umalis na sa lugar na ito.

Siguro papasok na iyon sa Unibersidad. Maaga pa ngayon at lahat kami ay papasok na sa paaralan. Pero napag-desisyonan naming pumunta dito.

Pero wala din palang napala.

OPPOSITE: We Are EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon