Chapter 46

24.2K 815 46
                                    

Chapter 46

Tinatahak namin ang daan pauwi sa apartment ko nang walang umiimik sa aming dalawa. It was a pretty comfortable silence between us.

Kapag nililingon ko siya ay nahuhuli kong nakatingin siya sa akin pagkatapos ay ngingiti.

God, how could he be unfairly handsome?

He cleared his throat before he stopped the car right in front of the apartment. "By the way, I received a business proposal from the wife of Mr. Phoenix Dela Vega of Dela Vega Holdings. It's about giving a hand to the indigenous children living in Daraitan. I've read a lot of articles about this woman and she's known for being committed in helping different orphanages to send children in schools."

Tinanggal ko ang seatbelt at hinarap siya. "Did you accept it?"

Tumango siya at tuluyan na rin akong hinarap. "Of course. I already sent her an acceptance letter."

Batid ko na halata sa mukha ko ang excitement. Nakapunta na ako sa Daraitan last year at ang isa sa mga sinadya namin doon ay ang Cherub Orphanage.

"Well, technically, it isn't business—it's a collaboration to help the same orphanage that our school has been visiting for already a decade. The letter's just for formality, and to be honest, I like the drive of that woman for this project."

Ayaw lumisan ng ngiti sa mga labi ko. "Is she going to visit Hasse?"

"Yup, she will come on Friday."

Tumangu-tango ako at lumabas na siya ng sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sa tuwa ay nahawakan ko ang kamay niya. Humarap siya sa akin.

"All I knew was you're just a workaholic and intimidating president of Hasse. May puso ka rin pala sa mga bata." Marahan kong hinaplos ang kamay niya. "Thank you."

Bumitaw ako sa kanya at pumasok kami ng gate. Bukas ang ilaw kaya sigurado ako na nandito na si Faerie.

"Dapat ba akong ma-offend o matuwa sa sinabi mo?"

Pinihit ko ang seradura ng pinto at nagkibit-balikat. Namataan ko si Faerie sa sala at nakaharap sa laptop. Nilingon niya kami at napasulyap siya sa likuran ko. Inilapag niya ang mug sa table at tumayo.

"President..." sambit niya.

Lumapit ako kay Faerie at humalik sa kanyang pisngi.

"Upo po kayo, Sir," magalang na sabi ni Faerie at isinenyas ang upuan sa kanyang tapat. "Ikaw, hindi mo muna pinaupo si Sir. Hindi ka na nahiya. President 'yan ng Hasse at boyfriend mo, tapos hindi mo man lang alukin na maupo," bulong niya sa akin.

Natatawa kong tinabihan si Faerie. President was just watching us.

"Sorry na, na-miss lang kita! I didn't see you in school today. Bakit hindi ka man lang nagpakita sa akin, ha?" Ngumuso ako at nagtatampong tumingin sa magaganda niyang mga mata.

Faerie looked at President. "Pasensya na po. Ganto po talaga 'to sa akin. Isang araw lang na hindi kami magkita, sa kanya ay parang taon na."

President chuckled at what she said. Tumahimik na lang ako at sumandal sa inuupuang sofa.

"How's your day?" Faerie asked me and closed her laptop.

Nilingon ko si President na nakatuon ang tingin sa akin. "We went on a date and your sister played hard to get first. Is she really like that?"

Awtomatikong tumaas ang kilay ko at napaderetso ng upo.

Mahinang natawa si Faerie. "Maiintindihan mo rin po siya pagtagal-tagal."

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon