Chapter 6 : First Date

767K 19.4K 3.3K
                                    

Chapter 6 : First Date



Dalawang araw ang nakakalipas mula nang maging boyfriend ko si Gatorade—or sabihin na nating si L.A. Parang mas gusto ko ang palayaw niya na Gatorade kesa sa L.A. It's too formal. Mas astig din ang Gatorade. Siya lang din ang kakilala kong ipinangalan sa inumin.



Anyway, maayos naman lahat. We still don't like each other that much. Minsan nakakailang tuwing ginagawa niya ang "boyfriend duties" niya pero nato-tolerate naman. Sabihin na nating parang new found friend ko si Gatorade.



"Fifty shades of Gab. Photocopy." Sinamaan ko agad ng tingin si Alex pero agad nawala 'yon nang iharang niya sa harapan ko ang photocopies namin sa Economics. He's been calling me Fifty Shades and Anastacia since we had this funny debate about Fifty Shades of Grey. Sa totoo lang, hindi ko na maalala kung paano kami napunta sa usapang 'yon. Pareho kaming may mga punto pero ayaw magpatalo sa isa't isa. Hindi na namin napansin na pinagtitinginan na rin pala kami ng mga kaklase namin kanina.



Actually, gusto ko nang lumayo sa kanya. I want to blame Dominique on this one. Nakita niya kaming magkasama ni Alex. Coincidence lang dahil sumabay lang siya papunta sa next class. Pagkauwi ko sa apartment ay pinilit na niya akong magkuwento. I just told her that he's like a new friend pero hindi ata ako naiintindihan ni bebs. Inasar na niya ako. I understand that it's very unlikely of me to befriend someone. Alam ni Dominique na siya lang talaga ang kaibigan ko. Camaraderie isn't really my forte.



Inaasar na niya ako nang inasar na baka na-crush at first sight daw ako kay Alex kaya naman nagkaroon ako ng interes. Without any rebuts, gumanti ako sa pagpisil sa malalambot niyang pisngi. She hates it so much whenever I chant how soft her cheeks are so she did stop. I won. Pero sobrang lambot talaga ng mga pisngi niya.



Matapos madistribute ang mga handouts namin for next meeting, dinismiss na rin kami ng professor namin. Mabilis kong inayos ang gamit ko para makauwi na. Ang bait ko, 'di ba? School at bahay lang talaga.



"Hindi ka ba nauubusan ng energy sa katawan mo?"



Inirapan ko lang siya. Wala na ata kaming matinong usapan ni Alex. Puro pang-aasar lang ata ang alam niya. "May class ka pa?"



"Oo. Bakit? Naks. Gusto mong hatid kita pauwi, 'no?" Nagkunwari siyang nagulat sa amazing realization niya na ikinakunot naman ng noo ko. "Ohmydee, Gab! May gusto ka nga sa 'kin!



"Ulul!" Binatukan ko siya. In-adapt na rin niya ang ohmydee ni bebs. Klaseng tao 'to.



"Babae ka ba talaga?" sabi niya habang hinihilot ang batok niya. "Ang bigat ng kamay mo."

Boyfriend Corp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon