Kabanata 27

59.7K 2.5K 195
                                    

Unpleasant




I almost contemplated about going back to The Lodge. After witnessing everything, napagtanto kong mukhang okay naman na si Colton. May iba na siya. Bukod pa ro'n, halata namang ayaw niya na 'kong makita. Nananahimik na 'yung tao.

At dahil ang pakay ko lang naman sana ay masigurong maayos ang kalagayan ni Colton bukod sa matiyak ang kasiyahan niya, then maybe, hindi ko na nga dapat ipilit pang maibalik kahit pagkakaibigan lang.

I stared at the message sent to me by their production.

Hi, Ms. Nayeli Reese! We're sending this to remind you about our shoot later today. Thank you!

I sighed.

I almost texted back to makeup excuses. Gusto kong sabihin na hindi na pala ako free sa araw na ito at may biglaang appointment. Para kasing nanghihina ako kapagnaaalala ang imahe nina Colton at Danelle na magkasama.

I mentally slapped myself. Manahimik ka, Nari! Wala kang karapatan. Ikaw ang nang-iwan. Isa pa, hindi ka nagka-edad sa industriyang ito para lang hindi maging propesyonal, paalala ko sa sarili ko.

Matapos ang mental battle ko ay nagdesisyon na akong maghanda. Gaya ng ipinangako ay ako na rin ang nagdala ng mga susuotin at pang-ayos.

"Raf, dali na, please. Samahan mo lang ako para hindi awkward sa 'kin, in case na makita ko siya. Ililibre kita mamaya kahit anong gusto mo!" pilit ko kay Rafa na natutulog pa.

Binato niya ako ng unan at bumaling sa kabilang side, nakapikit pa rin.

"Bahala ka riyan. Imi-meet ko pa 'yong representative ng ganap mo para bukas for finalization. Maaga tayo no'n kaya umuwi ka agad!" sabi niya saka nagtalukbong ng kumot.

I sighed.

Kahit anong pilit ko ay hindi pa rin pumayag si Rafa. Nag-tantrums pa 'ko na parang bata bago ibinagsak ang pinto at umalis.

Hindi ko na halos chineck ang phone ko sa biyahe. No'ng bumili ng makakain ay saka ko lang ito natingnan.

Napakunot ang noo ko nang makita ang tatlong text messages na puro galing sa production team ng resort. Paulit-ulit lang iyon na ipinaaalala ang tungkol sa shoot at tinatanong kung papunta na raw ba 'ko. Nag-reply na lang ako na on the way na 'ko, dahil na-realize ko ring hindi nga pala kasi ako nakasagot sa kanila kanina.

Nang makarating sa The Lodge ay may mga tumulong sa 'kin para ibaba ang dalang gamit at dalhin sa set. Ibinakante ang isang bahagi ng beach para sa shoot na ito.

Nalaglag ang panga ko nang i-welcome ako ng head ng production at makita si Colton na prenteng nakaupo kasama ng team. Shit. Malayo ito sa inaakala ko. Ang tanging interaksyon na inaasahan ko ay kung minalas-malas at makasasalubong ko siya sa premises.

Why does he have to be here? Kailangan niya pa ba talagang mapanood 'to?

"Uh, S-Sir Colton is here to m-make sure that we get to take the d-desired shots." Tila nabasa ng head ang nasa isip ko nang biglang sabihin ito.

Nanlaki ang mga mata ko at tumango na lang na parang wala namang problema sa akin iyon. Nag-ready na ako at inayusan ang sarili. Hindi naman nagtagal ang pagme-make up dahil beach look lang.

Halos hindi ako makapag-project nang maayos dahil seryoso ang tingin ni Colton sa screen kung saan nakikita ang shots sa 'kin. Laking pasasalamat ko na lang na hindi siya mismo sa 'kin nakatingin.

"Break po muna tayo for five minutes, tapos change outfit na."

Tumango ako at umupo sa itinurong upuan malapit kay Colton. Napalunok ako at pinaalalahanan ang sarili na manahimik na lang.

Halos hindi ko magalaw ang snacks na pinrovide nila. Nagbihis na lang ako at bumalik na sa upuan habang hinihintay ang iba. Napalingon ako nang makitang papalapit 'yong cute na lalaking assistant director. He shyly scratched the back of his neck before talking to me.

"Hi, Ms. Nayeli. Para sa sunod na portions, we'll use this surf board as props," he said at ipinakita ang dala niya.

Tumayo naman ako para hawakan iyon. Sinubukan kong isang kamay lang para makapag-pose mamaya pero nagulat ako nang dumulas iyon sa palad ko.

"Sorry!" tarantang sabi ko.

"Okay lang," sabi niya nang nakangisi. "Dito mo na lang hawakan." Sabay kuha niya sa kamay ko at ginabayan iyon.

Nagulat ako sa ginawa niya at parang instinct na mismo ang nagpagalaw ng mga mata ko para tumingin sa reaksyon ni Colton.

Wala. No reaction. Zero. Ni hindi nga siya nakatangin sa amin.

Tumagal pa ang hawak ng lalaki at may iba pa siyang instructions na hanggang pati braso ko ay bahagyang nahawakan niya na rin.

I glanced again at Colton. Nakatulala lang ito sa harap niya. Wala siyang paki, Nari, ano bang tinitingin-tingin mo riyan?

Natapos ang pagtuturo sa 'kin kaya't bumalik na ako sa pagkakaupo. Hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba akong nararamdam.

Sure, if this was the old Colton we're talking about, he might have punched the guy, or pulled me away from him, or ordered him to stop. But this is not THAT Colton.

May iba na siyang girlfriend at iyon lang ang pinahahalagahan niya. He doesn't give a damn about anyone else. And also, he could have been very much mature now that he's able to properly handle his protectiveness when he's with Danelle.

I suddenly lost all my energy. Nakatulala na lang din ako at parang nawalan ng gana dahil sa iniisip.

I know I should be happy. I should be proud of his character development.

But the thought that I could no longer be the one to witness how much it changed him for the better gave me an unpleasant feeling.

I was mindlessly staring at the table in front when his phone beside his drink rang for a call. My gaze automatically turned to it.

My heart sank with what I saw.

Danelle calling...

There's that same pain I've been feeling. That certain feeling I couldn't name.
































Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon