CHAPTER 19

1.1M 38.2K 62.9K
                                    


CHAPTER 19

"WHAT HAPPENED?" Iyon ang bungad ni Maxpein nang isang araw ay dumating siya sa private room na okupado ko. Kasunod niya si Maxwell na agad dumapo sa 'kin ang paningin. Iyon na ang ikaanim na araw na nanatili ako ro'n.

Maayos-ayos na ang pakiramdam ko. Bibihira nang sumakit ang kamay ko, sa t'wing magagalaw o igagalaw ko na lang. Bukas ay naka-schedule ang suture removal ko.

Sa mga nagdaang araw ay hindi ako pinabayaan nina Maxwell at Maxrill, at gusto kong mahiya dahil pakiramdam ko ay abala na ako sa kanilang pareho. Pero pareho ring mapilit ang magkapatid, nag-uunahan pa sa pagbisita. Iyon nga lang, talagang mas may oras si Maxrill. Hindi na naulit ang pagtulog ni Maxwell sa kwarto ko. Ipinaubaya niya na rin kay Maxrill ang pagbili ng foods na i-request ko. Maging ang paglilinis ng sugat ko ay hinayaan niya nang gawin ng ibang doktor. Noong una ay gusto kong magtampo hanggang sa mapagod na akong tingnan iyon. Ayaw kong isiping kakulangan ni Maxwell 'yon. Pilit ko nalang iniintindi na hindi lang ako ang pasyente sa buong ospital at hindi lang para sa 'kin ang oras niya. Ang tanging pinanghahawakan ko ay ang breaktime niya na hindi siya pumalyang ilaan sa 'kin. Hindi ko nga lang alam kung hanggang kailan ko matatanggap na 'yon lang ang kaya niyang ibigay sa 'kin. Gusto kong dumating 'yong pagkakataon na hindi na ako makararamdaman ng tampo sa t'wing libreng oras lang ang kaya niyang ibigay. Gano'n ko siya kamahal, o sabihin na nating gano'n ako kabaliw sa kaniya.

Halos maya't maya rin kung bumisita ang pamilyang Moon at mga kaibigan namin sa akin. Ang totoo ay walang katahimikan ang kwarto ko kay Zarnaih pa lang, kapag dumagdag na si Deib Lohr at malakas na pagtawa ni Tob ay para na akong mabibingi. Kaya ganoon na lang ang ingay kapag lahat sila ay naroon. Palibhasa'y mga may ari, pinaboran ang bilang ng mga visitors ko. Iyon nga lang, hindi pumapayag si Maxwell na nagdala ng bata at babies ang mga may anak na, kaya hindi nila magawang magtagal.

"Mag-lunch na muna siguro tayo?" nakangiting anyaya ni Maze sa mga kaibigan namin. "Hayaan na muna natin silang mag-usap."

Umalis ang lahat at naiwan kami nina Maxrill, Maxpein, Maxwell at Mokz.

"Tell me what happened, Maxrill," 'ayun na ang nauubos na pasensya ni Maxpein.

Gusto ko siyang asarin sapagkat hindi man lang niya ako kinumusta. But knowing her, gano'n kalaki ang tiwala niyang hindi ako pababayaan ng mga kapatid niya, na hindi niya na kailangang tanungin ang kalagayan ko. Dahil sigurado siyang maayos lang ako.

Umiling si Maxrill. "Hindi ko nakilala." Saka namin ikinuwento ang mga nangyari. Panay ang pagpikit at pagmasahe sa sentido ni Maxpein habang nakikinig, senyales ng pagtitimpi.

"Anong itsura?" tanong ni Maxpein, nagpapalitan ng tingin sa 'min ni Maxrill.

Sinubukan naman naming ibigay ang deskripsyon ng lalaki ayon sa natatandaan naming pareho. Ang kunot-noong pakikinig ni Maxpein at malalim niyang pagbuntong-hininga ang patunay na anumang oras ay mauubos na naman ang kaniyang pasensya.

"Tama na," ani Maxpein, pinigilan si Maxrill na magpatuloy. "Mukhang kilala ko na."

Tumikhim si Mokz matapos ang matagal na pananahimik. "Mukhang iisa ang nasa isip natin."

"Who?" tanong ni Maxwell.

Nilingon ni Maxpein ang nakatatandang kapatid, pinasadahan ng tingin. Saka niya nilingon ang kamay ko at matapos no'n ay tiningnan ang kamay ni Maxwell. Nang magsalubong ang kanilang mga mata ay napapailing na bumuntong-hininga muli si Maxpein.

Napabuntong-hininga din si Maxwell, gano'n kabigat para sa kanila ang sitwasyong ito. At gusto kong makonsensya dahil pakiramdam ko ay ako ang dahilan ng lahat.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon