mukha na akong tanga

2.4K 18 0
                                    

MUKHA NA AKONG TANGA

○ hope you like it

Ako si Alyson, isang trying hard girlfriend. I have a boyfriend named RJ. Today is our 5th monthsary, nag search pa ako para sa gift na ibibigay ko sakanya.

I decided to give him a watch, since mahilig sya sa relo.

Gumawa ako ng box para sa relong nabili ko, may box naman ito pero gusto kong mag effort para naman ma appreciate nya.

Nag usap kaming mag kikita dito sa Coffee shop malapit sa condo nya.

Sunday, 04/05/2020
3:30 pm, luvo Coffee Shop.

It is already 4:47 pm, pero wala parin sya. Kaya napag desisyunan kong tawagan sya.

"Nasan ka na mahal?"

"Nandito pa ako sa bahay ng tita ko, mahal. Medyo mali-late ako ngayon."

"Ahh ganon ba, sige hihintayin nalang kita dito."

I ordered something to eat para malibang sarili ko, naubos ko na't lahat yung na-order ko pero wala paring RJ na dumating.

Kumuha ako ng isang tissue saka ni-roll iyon na para bang lumpia saka dumutdot sa tubig at binasa ang tissue para di iyon bumukas.

Muli akong kumuha ng isa hanggang sa maubos lahat ng tissue. I crumpled 5 tissues then put in the glass of water saka pinanood na unti unting lumubog iyon.

5:39 pm. Napag desisyunan kong maglakad lakad muna habang wala pa si RJ. Kinuha ko ang cellphone sa shoulder bag na dalawa ko saka ni-di ang number ni RJ.

"Mahal? Nasan ka na?"

"Sinabi ko naman sayong nandito pako kila tita. Kung gusto mo umuwi ka nalang."

"Hindi, hihintayin kita."

"Alyson, umuwi ka muna. Sa susunod na araw nalang tayo magkita."

"Hihintayin kita dito mahal."

"Bahala ka sa buhay mo."

"I love y--." Di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nyang patayin ang tawag.

Napabuntong hininga ako saka binalik ang cellphone sa bag.

Naglakad lakad muna ako sa hallway ng building na kinatatayuan ng iba't ibang shops.

Nang nasa dulo na ako ng hallway ay dumungaw ako para lamang matigilan.

Nakita ko si RJ, sa harapang ng isang building, may kasamang babae.

Tinanggal nya ang isang earpads nya saka inilagay sa tenga ng babaeng kasama nya.

Dali dali akong bumalik sa coffee shop kung saan ang tagpuan namin, saka duon umiyak ng umiyak.

Konti lang naman ang tao, chaka nasa dulo ako nakaupo, hindi madaling mapansin ang pwesto ko.

Tinuyo ko ang luhang nasa pisngi ko saka inayos ang sarili ng makita kong papasok na si RJ.

"Let's order." Bungad nya saka pumili ng gusto nya.

Kung anong order nya yun na rin kinuha ko.

Nag order na kami.
Masyadong tahimik, wala ni isang nagbalak na basagin ang katahimikan hanggang maubos namin ang order namin at makalabas kami ng coffee shop.

Naglalakad na kami pauwi ng bigla akong tumigil sa paglalakad, hindi n'ya yon napansin dahil nasa unahan ko si RJ.

"Mukha na akong tanga." Sambit ko.

"What?"

"Mukha na akong tanga! Diba!?"

"Ano bang pinag sasabi mo?"

"Sabihin mo! Mukha na akong tanga! Pinagmumukha mo akong tanga RJ!!"

"Oo! Mukha kang tanga! Sawang sawa na ako sayo! Sobrang clingy mo! Sobrang tamis! Nakakasuka! Nakakapagod! Nakakasawa!"

Matapos nyang sabihin iyon ay tinalikuran nya na ako at umalis.

All I can do is cry ang regret everything that happened.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon