Opposite 54: Paghaharap.

77 7 0
                                    

Xienna's POV

Sa pagpasok ko kasama ang Ama ko, sigurado akong mag-ibaba na ang lahat.

Dito na magsisimula ang hinihintay ko. Dito magsisimula ang paghihiganti ko sa pumatay sa kakambal ko. Dito na at kating-kati na ang palad ko.

Nagtama ang mata namin ni Aux. Nabitawan nito ang maskarang hawak. Ngumisi ako, bakit gulat na gulat ka 'ata?

Alam kong may naka-handang pasabog ito at dito kami maghaharap.

Nahagip naman ng mata ko ang mga kaibigan ko na napatayo. Lumingon ako sa kanila at tipid na ngumiti.

Wala na akong sikreto, Ghionna. Alam n'yo na kung sino ako.

Bumalik na ang tingin ko sa harapan hanggang sa makarating kami doon ni Ama.

Katabi ko ang kaisang isang lalaki na nagpapatibok ng puso ko, and I hate to admit na hanggang ngayon.

Pero mas matapang na ako, kahit ilang beses ka pang tumibok ng mabilis para sa kan'ya. Wala na 'yong epekto para pigilan ako sa pagpatay sa taong pumatay sa kapatid ko.

Tumungo na sila sa mga naka-reserve na upuan nila. At ako na lamang ang natira dito sa unahan.

Binigyan nila ako ng isang mike upang magsalita ng ilang kataga.

"Good day, everyone. Thank you for coming all the way here to my debut party. I am BlackViXX, the ruler of Organizzazione nera. Alam ko namang inaasahan n'yong hindi magiging isang ordinaryong debut party ang magaganap sa gabing ito. Especially, nandito ang Opposite ko. And--- nahagip ng mata ko ang unti-unting pagpasok ng miyembro ng kabilang mafia.

I knew it.

At sa kabilang banda naman ang naka-abang kong miyembro ng mafiang pinamumunuan ko na.

Simula na ng laban!" Kasabay ng pagbitaw ko ng salita, sabay na lumabas ang mga miyembro at sumugod sa isa't-isa. Tumayo na din ang mga bisita at naki-sali na sa laban.

Tinanggal ko ang gown ko at napalitan ng itim na tube at isang tight jeans with black booths. Nasa hita ko ang dalawang baril at sa bewang ko naman ang mga dagger, shurikens at bala.

Tinali ko ang buhok ito a bun at saktong may sumugod sa akin.

Iniwasan ko ang suntok nito at sinipa ko ito. Ngumisi ako ng makilala s'ya, "Akalain mo nga namang nandito ka?"

"Sabi ko naman sa iyo, hindi pa tapos ang laban natin."

"Oh come on, Shendy Cleez! Sa hina mong 'yan, sigurado ka bang deserve mong maka-laban ang isang tulad ko?"

"Alam mo, ng makita at malaman kong ikaw ang ruler ng Italian Mafia. Nangati ang kamao kong patayin ka." -Shendy, at tumayo na.

"Pfft! Huwag mo akong pinapatawa."

Pasugod na ang suntok nito ng may pumigil sa kamay nito.

Now, this is my girl!

"Vietta?"

Black's POV

Nagulat si Shendy dahil sa nakilalang kalaban. Hindi n'ya inaasahan ang paglabas nito sa eksena.

Pero sa kabila ng gulat n'ya, isang excitement and naramdaman nito.

"Bakit hindi tayo ang mag laban, Shendy Cleez?" ngising wika ng dalaga.

"Sigurado ka bang kaya mo ako?" mayabang na saad nito. Nagsisimula na naman, pero sa pagkakataong ito magawa n'ya kayang matalo si Vietta?

"Sa Archery mo lang ako nalalamangan pero pagdating dito, magdasal ka na."

OPPOSITE: We Are EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon